10 Wais Tips: Paano Gagastusin Ang Iyong 13th Month Pay

“Ang Pasko ay sumapit; tayo ay magsi-awit…”

Talaga namang napakasaya ng Paskong Pinoy. Lalo na kapag kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. At bukod sa kaliwa’t kanang Christmas parties, family reunions, exchange gift, at kung anu-ano pang kaabang-abang tuwing kapanahunan ng Pasko, isa pa sa mga kinasasabikan natin ay ang makuha ang ating mga 13th month pay.

Malamang ngayon pa lang pinaplano mo na kung ano ang gagawin mo sa Christmas bonus mo, no? Balak mo ba bumili ng pinaka-latest na model ng cell phone? Para ba sa pinaka-inaabangan mong out-of-the-country trip with your special someone? O baka naman nakalaan na ang perang matatanggap mo para sa mga ipangreregalo mo sa iyong mga magulang, kapatid, at mga inaanak?

Kahit ano pa man ang iyong plano, the smart thing to do is to not spend all of it in one go. Of course how and where to spend your 13th month pay is entirely up to you—pinaghirapan mo ‘yan eh. Wala namang masama sa pag-treat mo sa sarili mo o sa mga mahal mo sa buhay. Pero, mahirap naman na sa isang iglap lang, mauubos agad ang pinagpaguran mo, ‘di ba? ‘Ika nga nila: “Ubos, ubos biyaya, bukas nakatunganga.”

So paano ang gagawin mo sa oras na matanggap mo na ang iyong pinakahihintay na Christmas bonus? Here are some helpful tips on how to spend your 13th month pay wisely:

Magbayad ng utang.

Kung may utang ka (mapa-credit card man o sa kaibigang matagal mo nang tinataguan) mabuti pang bayaran mo na agad ang mga ito. Magpapasko na—mas magandang salubungin ang Pasko at bagong taon na walang utang na iniisip. At isa pa, para ka na rin may “clean slate” next year kapag nabayaran mo na ang mga utang mo.

Mag-invest sa iyong hobby o passion.

Ikaw ba ay may hobby? Kung halimbawa ay mahilig ka sa photography, bakit hindi ka mag-invest sa mga gamit pang-photography? Katulad kunwari ng camera na matagal mo na pinapangarap, o mga lens at iba pang accessories? Pwede ka rin naman mag-enroll sa mga seminars at workshops na maaaring magdevelop pa sa iyong talento at interes. Malay mo, balang araw, maging isang professional photographer ka pa.

Magtabi para sa emergency fund.

Magtabi ng kahit na kaunti para sa emergency fund. “Di ba’t mas smart kung mayroon ka palaging perang nakatabi na maaaring hugutin sa oras ng pangangailangan—mapa-emergency man o hindi. Ideally, ang emergency fund mo ay dapat na may halaga katumbas ng six months ng iyong living expenses. Kung wala ka pa nito, maaari kang maglaan ng kaunti mula sa iyong 13th month pay para maumpisahan mo na ang pagtatabi para sa iyong emergency fund.

Magtabi rin para sa retirement fund.

Mas wais din kung ngayon pa lang ay nagiipon ka na para sa iyong pagretiro mo para pagdating ng panahon. Ang sabi nga nila, it’s never too early to start saving for your retirement. Kaya kahit na you’re in your 20s pa lang, mas mainam na mag-start ka nang mag-imbak for your retirement para pagdating ng iyong pagreretiro, sitting pretty ka na lang.

Magbukas ng bank account.

Hindi lamang for emergency or for retirement, kundi pati na rin sa iyong savings. Tutal ang 13th month pay naman ay maaari natin sabihing “extra money” lamang, kaya’t magandang gamitin mo na lang ang parte nito para sa iyong kinabukasan.

Mag-invest.

Mutual funds, unit investment trust funds, stocks, at real estate ay ilan lang sa mga maaari mong invest-an. Pwede ka rin mag-invest sa mga gamit katulad ng mga alahas. ‘Di ba’t ang mga alahas na gawa sa ginto at iba pang mamahaling bato at elemento ay madali mong i-sangla sa Palawan pawnshop kung sakaling kapusin ka sa pera?

Gamitin pang-puhunan sa isang maliit na business.

Matagal mo na bang balak magbukas ng maliit na sari-sari store sa tapat ng inyong bahay? Gusto mo bang rumaket sa pagbebenta ng pabango o makeup online? Pangarap mo bang magkaroon ng sarili mong stand sa mga food bazaars? Ngayong may “extra money” ka na, bakit hindi mo subukan? Maliit na puhunan at diskarte lamang ang kailangan. Kapag nag-click ang naisip mong business, eh ‘di mayroon ka pang extra income.

Kumuha ng insurance.

Alam naman nating lahat na importante ang pagkakaroon ng insurance, lalo na kung ikaw ang breadwinner sa pamilya. Pero marami sa atin ang nagda-dalawang isip palagi kapag insurance na ang pinaguusapan. Bakit nga ba? Marahil iniisip ng marami na mahal ang pagkuha ng insurance. Para sa abot kayang insurance para sa mga pangkaraniwang empleyado katulad natin, bakit hindi niyo subukan ang ProtekTODO insurance ng Palawan Pawnshop?

Treat Yo’self!

Hindi naman masama na i-treat mo ang sarili mo paminsan-minsan. Kung halimbawa ay matagal mo nang pinapangarap na makapunta sa Palawan, bakit naman hindi, ‘di ba? Tutal, ang 13th month pay mo naman ay Christmas bonus mo sa isang taon mo’ng pagtitiyaga at pagsisipag sa iyong trabaho.

Share your blessings.

Ang sabi nga nila, Christmas is all about giving and sharing. Kung sa tingin mo ay sobra-sobra naman ang biyayang natanggap mo ngayong taon, mas mabuti sigurong mag-share din tayo sa iba pang nangangailangan. Pwede tayo magdonate sa simbahan natin o pwede din naman natin ipadala sa isang charity organization.

Once a year lang natin natatanggap ang ating Christmas bonus o 13th month pay. Let’s make the most out of it at pagplanuhan natin ng maayos kung paano at saan natin gagamitin ang biyayang ito. At kung balak mong magpadala ng pera sa mga mahal mo sa buhay sa probinsya, mas mainam na ipadala ito sa Palawan Express Pera Padala para makasigurado na ang iyong pinagpagurang pera ay makakaabot ng mabilis kahit saan pa man sa Luzon, Visayas, o Mindanao.