12 Wais Financial Goals to Achieve this 2020

Alam na alam at feel na feel natin, Suki, na napakahirap kumita ng pera tapos sasabayan pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito rin ba ang drama mo sa buhay? Ung tipong masipag ka nga sa trabaho pero pagdating ng sahod, goodbye na agad dahil ipambabayad mo na agad sa bills? Don’t worry, Suki. Sagot ng Palawan Pawnshop ang iyong 2020 12-month financial goal plan para sa iyong wais na money management. Kung susundin mo ito, waging-wagi ka sa iyong personal financial stability!

1. January - Maglaan ng Emergency Fund

zhen-hu-Xruf17OrkwM-unsplashPhoto courtesy of Zhen Hu via Unsplash

Sa panahon ngayon, maraming surprises ang buhay. Minsan, it includes surprise na mga gastusin tulad ng biglaang pagkakasakit, house repair, at iba pa. Para hindi ka na mangutang o magalaw pa ang iyong iniingat-ingatang savings, dapat mag-ipon ka ng emergency fund. Ideally, ang laman ng iyong emergency fund ay at least 3 months worth ng iyong living expenses para kunwaring mawalan ka ng trabaho, kaya mo pa ring buhayin ang iyong sarili at ang pamilya mo gamit ang fund na ito. Saan mo ilalagay ang iyong emergency fund? Mag-open ka ng bagong savings account sa bangko; at para walang hassle na pumila pa para magdeposit ng pera dito, magpadala ka ng pera diretso sa iyong account sa Palawan Pawnshop na pinakamalapit sa iyo!

2. February - Magsimula ng money journal

background-balance-business-commerce-583846Photo courtesy of Jessica Lewis via Pexels

Ang money journal ay parang diary. Ang pinagkaiba nga lang Suki, hindi mo ilalagay dito ang mga nangyari sa buhay mo, kundi ang lahat ng pinagkagastusan mo bawat araw hanggang sa huling centavo. Makakatulong ang money journal na ito para magkaroon ka ng accurate record ng iyong spending at malaman kung may tendency ka bang mag overspend. Dito mo rin makikita kung saang category ka ba pinaka magastos: sa pagkain, pamasahe, o shopping.

3. March - Mag-set ng realistic budget plan

numbers-money-calculating-calculation-3305Photo courtesy of Breakingpic via Pexels

Ngayong nakita mo na ang iyong attitude sa paggastos at ang mga pinagkakagastusan mo salamat sa iyong money journal, panahon na para bumuo ng isang realistic budget plan. 

Pwede mong i-adapt ang 50/30/20 rule sa paggawa ng budget. Sa rule na ito, ang 50% ng iyong income ay dapat ilaan sa iyong needs tulad ng grocery, utility, at housing/rent. Ang 30% naman ay para sa iyong wants tulad ng shopping, eating out, at iba pang hobbies. At ang natitirang 20% ay dapat derecho sa savings account mo. Kunwari, kung PhP 10,000.00 ang monthly salary mo, PhP 5,000.00 lang dapat ang gagastusin mo para sa iyong needs. PhP 3,000.00 para sa mga wants mo, at Php 2,000.00 para naman sa savings mo. 

Ideally, hindi na dapat lalagpas pa doon ang iyong mga gastusin. Kung sakaling magkaroon ng emergency na mga babayarin, dito papasok ang iyong emergency fund para di mo na magalaw pa ang iyong savings. Tandaan Suki, dapat makatotohanan ang iyong budget plan na gagawin para madali mo itong masusunod.

4. April - Magtipid at mamuhay nang simple

Kapag sinunod mo ang iyong budget plan, mahusay iyon, Suki, dahil for sure di ka mag-ooverspend at di po kinakailangang mangutang para makasurvive pag petsa de peligro na. Pero kung may kaya ka pang itipid sa ginagawa mong pagtitipid, wais move iyon! Kasi, kung gagastos ka ng mas kaunti sa iyong kinikita, for sure may extra ka pang maidadagdag  sa savings mo at sa emergency fund mo. 

5. May - Mag-cutback sa gastos

woman-holding-card-while-operating-silver-laptop-919436Photo courtesy of bruce mars via Pexels

Sa panahon ngayon, maraming offers ang mga commercial na tempting pagkagastusan dahil baka maisip na kailangan mo ito kahit hindi naman talaga. Bago ka gumastos sa isang bagay o mag-add to cart sa iyong online shopping adventures, Suki, mag-isip muna maigi. Halimbawa, isipin mo kung kailangan mo ba talaga ung mga monthly subscription mo sa Spotify o Netflix. Kung hindi naman talaga, baka pwedeng ‘wag ka munang mag-subscribe para may maidagdag ka sa ipon mo at mabawasan ang utility bills mo. Pwede mo ring ianalyze kung pwede bang mag-cut back ka sa paggastos mo sa pagkain sa labas o pag-inom ng frappe at milk tea. Baka tulad ni Ate Girl from Malaysia na nakapag-ipon ng flight tickets after tumigil uminom ng milk tea for four months eh makapag-ipon ka rin para sa iyong travel goals kung babawasan mo ang pag-eat out, online shopping, o subscriptions mo.

6. June - Mag-aral ng bagong skill

Syempre, hindi ka naman magkakaroon ng sweldo kung wala kang trabaho diba, Suki? Kung love mo ang trabaho mo dahil ito ang iyong primary source of income, dapat na humanap ka ng mga paraan para i-improve and iyong career stability. 

Halimbawa, pwede kang umattend ng mga seminar at workshops na related sa iyong career o magkaroon ka ng mentor sa inyong office para ma-improve mo pa ang iyong trabaho. Syempre ‘pag nakita ng mga boss mo ang iyong improvement at dedication, malaki ang chance mo for promotion. At kapag na promote ka, syempre mas mataas ang iyong salary habang ginagawa mo ang trabahong nagpapasaya sayo!

7. July - Mag-ipon para sa retirement

man-sitting-on-wooden-bench-wearing-black-leather-jacket-1377055Photo courtesy of Huy Phan via Pexels

Syempre naman Suki, admit it or not, tumatanda tayo at hindi naman pwedeng forever ka na lang magtatrabaho kahit ugod-ugod ka na para lang kumita ng pera. Maganda na pagplanuhan mo na ang iyong early retirement at ngayon palang ay magtabi ka na para sa iyong early retirement savings. Syempre, kung merong retirement insurance sa inyong company, tiyakin mong regular kang nakakapag-contribute doon, pati na rin sa iyong SSS, GSIS, PhilHealth, at Pag-Ibig accounts dahil may maibibigay ito sa iyong retirement benefits. Kung retired ka na, pwede ka namang mag-try ng ilang business ideas para ma-achieve ang iyong financial stability!

8. August - Bawas-bawas sa utang

May credit card ka ba, Suki? Kung meron, maging mindful sa iyong paggastos, baka di mo namamalayan, naabot o na ang iyong credit card limit at baon ka na sa utang. Hindi naman masamang magkaroon ng credit card pero dapat na maging matalino ka sa paggamit nito para hindi ka magkaroon ng overspending problems. Bukod pa doon, magandang maging financial goal mo ang pagbabawas o pagkawala lahat ng utang mo. Magagawa mo ito kung on-time mong babayaran ang lahat ng iyong credit card bills at kung cash sa halip na card ang gagamitin mo kapag mamimili ka.

Para maging free ka sa mga utang, isa-isa mo na ring bayaran ang iyong mga utang sa mga kapamilya at kaibigan. Kung nag-loan ka naman para sa inyong bahay o sasakyan, maging on-time sa pagbabayad dito para matapos na agad ang loan mo at ‘di na lumaki pa ang interest nito. Di ka na ma-hassle sa kakaisip kung pano ba matatapos ang pagbabayad mo sa utang. Trust us, Suki, pag naging free ka na sa mga utang, para kang nabunutan ng tinik sa sobrang ginhawa!

9. September - Magtipid sa kuryente at tubig

gray-auto-bill-counter-164688Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Lahat ngayon nagtataas, Suki, tulad ng electric bill, water bill, gas, at pamasahe. Maging wais sa loob ng tahanan sa pamamagitan ng pagtitipid sa kuryente at tubig. Kung wala namang tao sa isang kwarto ninyo, isara ang ilaw at electric fan. Lagyan ng tubig ang mga pitsel sa loob ng ref kapag naubos na ang tubig para hindi kayo gumastos ng kuryente para lang magpalamig ng pitsel. Isara ang gripo sa loob ng CR kapag puno na ang tubig. Simpleng mga gawain lang ito Suki, pero malaki ang maitutulong nito para sa iyong savings. 

Suki, para naman makatipid sa gas at pamasahe, pwede mong maging option ang pagko-commute sa halip na gumamit ng sasakyan o paglalakad kung di naman ganoon kalayo ang iyong pupuntahan. Sa ganoong paraan, nakatipid ka na, nakapag-exercise ka pa!

10. October - Invest na d’yan

airport-bank-board-business-534216Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Para mas lumago pa ang pera mo, Suki, maganda kung mag-iinvest ka! Maraming investment options tulad ng mutual funds, unit investment trust fund, stocks, at bonds ang pwede mong subukan sa halagang PhP 5,000.00 lamang! Kapag nag-invest ka, tiyak na ang savings money mo, hindi lang natutulog sa bank account mo, kundi nagagamit para mas kumita ka pa ng extra para may madagdag ka sa savings mo.

11. November - Maghanap ng bagong pagkakakitaan

May hobby o talent ka ba Suki? Baka pwede mong pagkakitaan ‘yan kahit part-time lang! Halimbawa, kung magaling ka mag-calligraphy, mag-drawing o painting, pwede mong ibenta ang mga iyon para magkaroon ka ng extra cash at ma-hone mo pa ang iyong skills. Pwede ka ring magtayo ng sarili mong online shop at ibenta dito ang mga pre-loved items mo o di naman kaya ay maging reseller ka ng mga items na patok sa mga tao.

Kapag meron kang multiple sources of income, hindi ka mababahala kapag nawalan ka ng trabaho dahil financially stable ka pa rin. Kung magtatayo ka naman ng sarili mong business, hindi mo na kailangang mangamuhan dahil ikaw na ang sarili mong boss.

12. December - Share your blessings

monk-surrounded-by-children-933624Photo courtesy of Suraphat Nuea-on via Pexels

Kahit na personal financial management tips ang pinag-uusapan natin Suki, hindi naman ibig sabihin noon na puro nalang pagtitipid ang pag-uusapan natin. Tandaan, mahalaga ang financial goal planning para ikaw ang kumontrol sa iyong pera sa halip na pera ang kumontrol sa iyo at sa buhay mo. Isang mahalagang personal at financial lesson ang pagiging mapagbigay sa iba, lalo na sa mga nangangailangan. Kaya naman Suki, maging comfortable na i-share ang iyong pera sa iba. Magagawa mo ito kung mag-dodonate ka sa mga charity o kung i-titreat mo ang iyong family sa isang reunion sa Boracay!

Hindi talaga madaling kumita ng pera, Suki. Minsan magkakaroon din ng di-inaasahang mga gastusin. Pero kahit ganun pa man ang realidad ng buhay, posible kang maging financially stable kung magse-set ka ng wais financial goals at aabutin mo ito. Hindi madali, pero kung pagsisikapan mo ito, magiging panatag at masaya ang buhay mo.