Like Father, Like Son: Bakit Bilib din si Andre Paras sa Palawan Pawnshop

Ang millennials, gusto mabilis at ayaw sa hassle. Time is precious nga naman kasi kaya bawal ang makupad na serbisyo. Totoo ‘yan, kahit itanong n’yo pa kay Andre Paras.

Pasok sa demands at way of life ng mga millennials na tulad ni Andre ang Palawan Pawnshop. Ang services ng Palawan Pawnshop ay mura, mabilis at walang kuskos-balungos, mga bagay na hanap natin in a fast-paced environment.

That is why Andre, just like his dad Benjie, stands by Palawan Pawnshop, its brand of service, values, and what it means to the younger generation. 

Bakit bet ni Andre ang Palawan Pawnshop? Here are 9 reasons why.

Mura na, mabilis pa!

Ang Palawan Express Pera Padala ang may lowest remittance rate sa bansa. Gaano kamura? Let’s just say ito ang patunay na malayo pa ang mararating ng two pesos mo. Ang 2 pesos minimum remittance rate ay abot-kaya at swak para sa mga budget-conscious gaya ng mga magulang na nagpapadala ng pambayad ng tuition.

Mabilis din ang transaksyon kaya walang forever sa pila. Sa fastest pera padala service, agad na may aasikaso sa’yo. At ang pera padala para sa’yo, minuto lang, hawak mo na kahit saang lupalop pa ng bansa hinulog. Sa panahon ngayon, mahalaga ang bawat minuto that you can spend with the family or being productive.

One-stop Money Services Shop

Hindi lang pera padala ang serbisyo dito. Pati iba pang money services, tinuhog na rin. Merong bili-sangla, money changer, deposit at withdrawal, bills payment, e-loading, at pati na insurance. Para sa mga gaya ni Andre na laging busy, malaking tulong kung may one-stop shop para sa lahat ng ito. Ang laking savings niyan pagdating sa time, effort, and energy. Sa loob lang ng ilang minuto, ang dami mo na nagawa at may extra time ka pa para sa mga mas importanteng bagay.

Trusted ng OFWs

Isa pa sa mga serbisyo ng Palawan Pawnshop ay international money remittance. Higit sampung milyon ang mga Pinoy abroad kaya maraming pamilya dito ang talagang naghahanap ng mapagkakatiwalaang remittance center. Ang Palawan Express Pera Padala is truly the best way to send money to the Philippines dahil marami itong international partners. At kahit saan pa man sa mundo, ligtas, mabilis, at wala ring hassle magpadala rito kaya when OFWs send money to loved ones here, i-Palawan na ‘yan.

High appraisal at low interest!

Kapag nagipit, isa sa mga mabilisang solusyon ang pagsasangla. Panalo ang bili-sangla-tubos service ng Palawan Pawnshop dahil ito ang may highest appraisal rate sa bansa. Ibig sabihin, hindi ka binabarat lalo na at nangangailangan ka.

At eto pa, for as low as 1% matutubos mo ang sangla mo. May apat na customer-friendly packages na pwedeng pagpilian depende sa needs mo. Pwede rin kumuha ng pawn renewal kung kailangan mo nang mas mahabang oras bago matubos ang sangla mo. At para ‘di makalimutan ang due date, may makukuha kang reminder via text para iwas sa remata.

Nasaan ka man, may Palawan d’yan

Libu-libo na ang Palawan Express Padala branches sa Pilipinas kaya for sure may isang malapit sa’yo. Marami pa ring lugar sa bansa na ‘di abot ng bangko at tanging mga remittance centers ang katuwang. Ang Palawan Pawnshop, easily accessible kaya walang hassle. Wala ng akyatan ng bundok o tawiran ng ilog. Pruweba rin ang paglaki ng pamilya ng Palawan Pawnshop na talagang marami na ang tiwala dito.

Instant notification via text

For young people like Andre, lahat mobile na. Lahat dapat pwedeng gawin sa telepono. Gets yan ng Palawan Pawnshop kaya lagi kang ina-update nito sa status ng perang pinadala o kaya naman ay ike-claim mo. Hard-earned money ‘yan kaya nakakapraning ‘di ba? Sa Palawan Express Pera Padala, makakatanggap ka ng text notification kapag napadala na ang pera, ready for pick up, o kaya naman ay nakuha na. Very convenient kasi ‘di mo na kailangan pang mag-follow up sa branch o magbabad sa hotline.

Abot-kayang insurance

Saan ka naman nakakita ng pawnshop na may insurance? Mas nagiging aware na ang mga young professionals sa insurance ngayon para sa emergencies at retirement kaya big deal sa kanila ito. Sa Palawan Pawnshop, sa halagang P20 lang, may accident insurance ka na and for just P100 ProtekTODO na ang buong pamilya for a year.

Bonggang discounts para kay Suki

Iba ang mga kabataang gaya ni Andre pagdating sa pagiging loyal. Kapag nagustuhan ang isang brand halimbawa, inaabangan na nila ang bawat produkto na ilalabas nito. Ang Palawan Pawnshop, pinahahalagahan ang loyalty at mga suki nito. Ang Suki Card ‘di lang basta points, kundi discount sa interest, remittance fee, may rebates, at iba pang perks. Kung gusto mo ng laging VIP treatment, kuha ka na nito, suki.

Helpful na ang staff, friendly pa

Gets ng Palawan Pawnshop na ang mga serbisyong hatid nila ay malaking bagay sa araw-araw na buhay ng Pamilyang Pilipino. Kaya ang mga staff sa lahat ng Palawan Express Padala branches, hindi lang mabilis kumilos, very helpful at friendly pa. Hindi sila ‘yung tipong parang utang na loob mo pa sa kanila na doon ka nag-sangla o nagpadala ng pera. Siguradong ngiti ang sasalubong sa’yo. Talagang Happy to Serve You!

‘Yan ang ilan sa mga dahilan kung bakit panalong-panalo para kay Andre Paras ang mga serbisyo ng Palawan Pawnshop. Ang bawat suki, ramdam din ‘yan.