Raket Pa More: Benefits Of Being A Palawan Express Agent

Sumasakit na ba ulo mo sa kaiisip kung paano madadagdagan ang income mo sa araw-araw? Parang dumaraan lang kasi sa palad ang sahod ngayon ‘di ba? At kung pwede lang hilahin para bumilis ang dating ng kinsenas at katapusan, ginawa mo na. Kung pwede nga lang din sana na matulog ng dalawang linggo para paggising mo may sweldo na, ginawa mo na rin.

Pero sorry, totoong buhay ito. Mahirap, beshie! Lalo na kung wala kang katuwang. Hindi lang yung katuwang sa puso ha, pero yung partner mo sa pag-asenso. Bakit hindi ka maging authorized agent ng Palawan Express? Isipin mo ha, mahigit sampung milyon ang Pinoy abroad. Possible clients mo na sila, pati pa mga pamilya nila dito sa Pilipinas. Kaya pag naging Palawan express agent ka, may market na agad. Bukod pa ‘yan sa mga nandito sa Pilipinas na suki rin ng pera padala mula sa mga kamag-anak na nagtatrabaho sa Maynila at iba pang siyudad. Kaya perfect na katuwang sa buhay ang Palawan Express.

Hindi ka pa rin solb? O, eto pa ang mga Palawan Express agent benefits na naghihintay sa’yo:

In-demand ang service

Alam mo ba kung magkano ang pumasok na OFW remittances noong 2017? $28.1-Billion lang naman. Dollars ‘yan ha, so I-multiply mo pa by at least 50. Ganyan kalaki ang industriya ng money remittance. At sa OFWs pa lang ‘yan, wala pa yung mga local transactions.

Palaki nang palaki ang demand, hindi gaya ng ibang negosyo na nawawala sa uso. Pagdating sa Pera Padala, number one tayong mga Pinoy d’yan kaya naman kahit saan sa mundo, may mga international partners ang mga remittance companies sa Pilipinas. Gaya na lang ng Palawan Express na may around 35 trusted global partners worldwide --- mula Asia hanggang Canada, kung saan napakarami nating kababayan.

In short, hindi pa-uso at hindi basta-basta luho ang pangangailangan na tinutugunan ng Palawan Express, kaya for sure na laging in demand ang serbisyo mo. Siguradong marami ka na agad magiging suki.

Maka-masa ang serbisyo

Gets na gets ng Palawan Express kung sino ang market niya. Doon tayo sa masa, simple, at masipag na Pilipino. Naiintindihan ng Palawan Express kung ano ang hinahanap ng mga customers nila. Kaya naman kapag naging Palawan Express agent ka, meron ka nang established strategy sa pagpapatakbo ng negosyo.

Ang Palawan Express Pera Padala ang may pinakamurang service o remittance fee. Gaano kamura? Dos pesos. Ganyan ka-abot kaya. Kaya naman, maraming suki ang loyal sa Palawan Express. Bukod sa mura, mabilis at secure pa ang padala mo. Happy ang mga suki ng Palawan Express dahil sa walang kuskos-balungos na serbisyo. Kaya ikaw bilang agent, source of happiness din nila.

Dahil sa mga serbisyong maka-masa, hindi ka na mahihirapan pang palakihin ang customer base mo. Isa ‘yan sa mga Palawan express agent benefits dahil hindi ka nagsisimula sa wala lalo na pagdating sa paghihikayat ng customers. Ginawa na ito ng Palawan Express para sa’yo.

Iwas scam, iwas manloloko

Marami ang nasisilaw sa easy money. Iyon bang nakaupo ka lang eh dumarating ang limpak-limpak na salapi. Pero sa totoo lang, wala namang easy money eh. Kahit ang malalaking kumpanya, matindi ang dinaanan bago maging successful.

Kaya naman imbes na isugal mo sa kung anu-anong networking o easy money schemes ang pera mo, mas mabuti kung doon ka sa sigurado. Mahirap magtiwala sa mga too good to be true na offers ng mga taong hindi naman totoong nagmamalasakit sa’yo, kaya dapat doon ka sa sigurado. Kapag authorized Palawan Express agent ka, ligal ang negosyo, ligal din ang kita. Hindi ka agrabyado at hindi ka napa-praning kung saan napunta ang pera mo. Hindi man easy money, pero ang mahalaga ay sigurado.

Huwag kang umasa sa mga paasa, okay?

Walang kuskos-balungos application

Minsan, nakakawalang-gana na mag-negosyo. Sa dami pa lang ng requirements, tiklop ka na. Pero sa Palawan Pawnshop, madali lang ang proseso para maging agent. Sa mga nagtatanong on how to become a Palawan agent, magsisimula ang proseso sa application form at letter of intent. Huwag kayong mag-alala dahil tutulungan kayo ng mga friendly na staff sa inyong aplikasyon. Ika nga, hindi lang serbisyo ang walang kuskos-balungos, pati ang pagiging miyembro ng pamilya ng Palawan, wala ring hassle.

Part of a big, happy family


Masarap ‘yung marami kang kakampi, hindi ba? ‘Yun bang alam mo na hindi ka nag-iisa. Ganyan ang feeling kapag certified suki at ka-Palawan ka. Merong mahigit 2,500 Pera Padala outlets at branches nationwide. Nakaka-proud na maging miyembro ng fastest-growing remittance company na ito dahil kahit saang sulok ng Pilipinas, narating na.

Ang maganda pa nito, gaya ng tunay na pamilya, hindi ka pababayaan ng Palawan Express. Bilang authorized Palawan Express agent, laging nakaalalay sa iyo ang kumpanya. Kung may problema ka, siguradong may tutulong sa’yo.

Trusted brand, trusted service

Kapag naghahanap ng katuwang, dapat doon ka sa tiwala ka. ‘Yun bang tiwala ka na pareho kayo ng goals at pareho kayong gustong umasenso. Dapat yung naiintindihan ka at hindi ka iiwan sa ere. Ganyan ang Palawan Pawnshop na tatlong dekada nang nagseserbisyo sa Pilipino. Nagsimulang simple, kaya nauunawaan ang isang simpleng taong kagaya mo na gusto ring umasenso.

Trusted din ng mga suki ang Palawan Express. Kaya naman, sa nakalipas na 30 years, certified trusted brand ang Palawan Express.

Kaya naman kung naghahanap ka ng extra income, isang magandang option ang pagiging Palawan Express agent. Bukod sa matagal na sa industriya, napatunayan na rin nito na certified katuwang sila ng bawat pamilyang Pilipino sa pag-asenso, mapa-customer man o ahente. Iba na ‘yung sigurado at iba na rin ‘yung mapagkakatiwalaan mo.