Top 5 Reasons to Pawn Your Gold With Palawan Pawnshop

Blog

January 11, 2022

Top-5-Reasons-to-Pawn-Your-Gold-With-Palawan-Pawnshop-2

Dumadating talaga ang pagkakataon na na-shoshort ang maraming tao sa pera, Suki. Madalas mangyari ito kung biglaang nagsabay-sabay ang gastos, gaya ng pagbabayad sa renta at pantustos sa tuition ng mga bagets. Kaya kung naloloka ka na at kailangan mo ng tulong, isang tanong lang ang dapat mong sagutin at ito ay kung kailan ka ba dapat magsangla?

Bukod sa mga ‘di inaasahang gastusin, nandiyán din ang mga kabi-kabilang nakakaakit na sale sa mga malls at walang sawang pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan.

Pero huwag mag-alala, Suki, dahil sa article na ito makikita mo ang common reasons kung bakit ba nagsasangla ang ibang tao. Kailan mo ba dapat i-pawn ang mga gintong alahas mo? At ano ang madalas na dahilan kung bakit ito ginagawa ng kapwa mong suki?

Basahin sa ibaba kung bakit makaasa kang matutulungan ka ng mapagkakatiwalaan at highest appraisal rate pawnshop in the Philippines: Palawan Pawnshop.

Mga Madalas na Dahilan Bakit Kailangan Magsangla

Wala kang dapat ikahiya at ipangamba tuwing nagkakamali ka sa pagtantiya ng iyong pera o ipon. Bahagi iyan ng buhay at isipin mo na lang na marahil nararanasan mo ito dahil may mahalagang lesson kang dapat matutuhan.

Kelan nga ba ang tamang oras para magsangla? Ano ang pinakamadalas na dahilan kung bakit nagsasangla ng ginto?

Basahin ang sumusunod dahil baka makita mo rin ang sitwasyon na iyong kinahaharap:

1. Kailangan mo ng pambayad sa emergency situations

reasons-to-pawn-13Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Suki, hindi mo maasahan ang biglaang gastos kaya lagi ka dapat handa at alam mo kung kailan ba dapat magsangla. Lalo na ngayon sa panahon ng pandemya na maaaring magkasakit ang iyong pamilya o mahal sa buhay.

Isang magandang dahilan kung bakit dapat isangla ang inyong pinapahalagahang ginto sa Palawan Pawnshop ay ang waley-hasul transaksyon nito. Mabilis ang process kaya madali mong makukuha ang kailangan mong pera.

Bukod dito, agad-agad mo rin ito maaaring ipadala sa iyong pamilya na malayo sa’yo sa tulong ng all-in-one-money-shop pera padala service ng Palawan Pawnshop. Hindi mo na kailangan pumila nang pagkatagal-tagal sa bangko dahil pagkatapos mong magsangla, i-padala mo na agad kung saan at sino man ang may kailangan.

2. Nauubos ang iyong sahod sa mga bayarin

reasons-to-pawn-3Photo courtesy of Towfiqu barbhuiya via Unsplash

Naranasan mo na ba ang ilang araw na pag-aabang sa pagpatak ng kinsenas pero hindi pa nga ito dumadating ay ubos na agad dahil sa mga bayarin? Yung tipong nilalagyan mo pa ng X ang bawat araw sa kalendaryo pero alam mo namang sa dulo ng lahat masasaktan ka pa rin?

Ano ang salarin ng pagkaubos ng iyong sahod? Ano pa ba kung hindi ang mga patong-patong at hindi matapos-tapos na bayarin o bills!

Kaya kung wala nang natitira sayo dahil napupunta lahat sa mga bayarin, ito ang perfect na pagkakataon upang mag-sangla para may extra cash o ipon ka habang petsa de peligro.

Suki, ang pagsangla ay hindi para madagdagan ang iyong dapat bayaran, kung hindi para magkaroon ka ng extrang pera para mas ma-plano mo ang mga susunod na buwan at mayroon kang pocket money para sa ilang mga bagay.

3. Nakaligtaan mo ang iyong mga dapat bayaran

reasons-to-pawn-4Photo courtesy of JESHOOTS-com via Pixabay

One of the best sign kung kailan ka ba dapat mag-pawn ay kapag may bills o utang kang lumagpas na sa deadline. Isang halimbawa nito ay kapag nakatanggap ka na ng Disconnection Notice o kaya kinakatok ka na araw-araw ng iyong landlady dahil hindi ka pa nakakapaghulog ng iyong renta sa bahay.

Sa tulong ng pagsasangla ng ginto sa Palawan Pawnshop, hindi mo na kailangan ma-delay sa bayarin dahil sa fast transactions dito!

Bukod dito, nililinaw din ng Palawan Pawnshop ang iba’t ibang hakbang at directions on how to pawn jewelry at pati na rin kung ano ang dapat mong bayaran kaya hindi ka mag-aalala sa biglang pagtaas ng interest pati na rin ang mga patong na hindi sinasabi sa iyo.

Transparent ang Palawan Pawnshop sa bawat transactions kaya laging malinaw lahat ng bagay lalo na’t usapin ito ng pera.

4. Kailangan mo ng panggastos para sa mga special occasions

reasons-to-pawn-5Photo courtesy of m_u_z007 via Pixabay

Minsan lang mag 7th birthday si bunso at once in a lifetime lang ang iyong wedding of your dreams. Ilang puso na ba ang nadurog dahil hindi nila makamit ang pangarap nilang celebration sa kanilang special day dahil lamang nagkataon na wala silang pera?

Gawing maligaya ang bawat okasyon sa tulong ng financial assistance na makukuha mula sa pagsasangla ng ginto sa Palawan Pawnshop. Dahil competitive ang pawning rates ng Palawan Pawnshop kumpara sa iba, makasisisguro ka na makukuha mo ang pinakamataas na appraisal rate mula sa iyong isasangla.

5. Napasobra ang iyong gastusin ngayong buwan o okasyon

reasons-to-pawn-6Photo courtesy of Max Fischer via Pexels

Suki, aminin na minsan pindot ka na lang nang pindot ng Add-to-Cart o kaya’y bili nang bili sabay sabi ng “I deserve this!”.

Hindi naman masama na i-treat ang sarili paminsan-minsan kasi totoo naman na deserve mo ang mga pinamimili mo, Suki! Pero minsan napapasobra na kaya magugulat ka na lang na tumatawag na si Kuyang Delivery Driver sa labas ng gate niyo pero wala ka pa palang pambayad.

Para maiwasan ang ganitong sitwasyon, ilista ng mabuti ang bawat item na iyong balak bilhin. Tanungin din ang sarili kung kailangan mo ba talaga ito.

Pero kung hindi mo talaga matiis ang urge at alam mong kukulangin ka, pwede ka magsanla ng ginto sa Palawan Pawnshop para magkaroon ng pansamantalang pera na pambayad sa mga ito.Mabilis mo lang din naman ito mababayaran sa tulong na rin ng magkakaibang customer choice packages ng Palawan Pawnshop sa pawning.

Mga Benefits ng Pawning sa Palawan Pawnshop

Ngayong nakita mo na kung anu-ano ang mga nangungunang dahilan kung bakit ba nagsasangla ng gold jewelry, ano naman ang advantages ng bawat transaction mo dito?

Tingnan kung bakit ba mas magandang magsangla ng ginto sa Palawan Pawnshop sa halip na mangutang sa iyong mga kakilala:

1. Inaalagaan ng Palawan Pawnshop ang iyong Impormasyon

reasons-to-pawn-7Photo courtesy of Viarami via Pixabay

Nangungunang dahilan kung bakit the best magsangla ng ginto sa Palawan Pawnshop ay ang privacy na makukuha mo rito. Nauunawaan ng Palawan na minsan talaga kinakapos ang mga Suki nito ng pera kaya naglaan sila ng ganitong serbisyo upang tulungan ka at ang ibang tao.

Hindi mo kailangan mag-alala na pagtsismisan dahil ginagalang dito ang bawat transaksiyon. Kaya huwag na intindihin ang mga Marites na ipapakalat na binenta mo raw ang iyong ginto, ang mahalaga ay ginagawa mo ito para sa’yo at para sa iyong pamilya.

2. Makukuha mo agad ang iyong cash

reasons-to-pawn-8Photo courtesy of Alexander Mils via Pexels

Hindi mo na kailangan maghintay pa ng ilang araw para lang makuha ang iyong cash mula sa Palawan Pawnshop. Agad nitong ibibigay ang iyong pera matapos maaprubahan ang iyong transaction. Ibig-sabihin nito maibabayad mo na agad ito sa iyong bayarin gaya ng electric bill, renta, at bayad sa tubig.

Bukod dito, mabilis lang din ang bawat transaksiyon sa Palawan Pawnshop. Sundin lamang ang mga hakbang ito kung paano ba mag-sangla sa Palawan Pawnshop upang maihanda mo na agad lahat ng iyong kailangan.

Ilang bagay na kailangan mong dalhin ay isang valid ID at ang iyong isasanglang alahas.

Sakaling kailangan mo rin agad ipadala ang pera mo, may Bills Payment service din na pwede mong subukan para di ka na pumunta sa mga Bayad Centers.

3. Makukuha mo ang tamang appraisal sa iyong alahas

reasons-to-pawn-9Photo courtesy of Qimono via Pixabay

Makasisiguro kang tama ang pagsukat ng halaga ng iyong alahas sa Palawan Pawnshop. Maraming batayan ang tintingnan ng Palawan Pawnshop sa pagtukoy ng halaga ng iyong ginto. Ilan sa mga ito ang purity ng gold, rarity nito, at quality o kalidad ng isinasanglang alahas.

Para malaman nang mas maaga ang estimated value ng iyong gold, pwede ka rin pumunta Suki sa iba’t ibang Palawan Pawnshop branches nang magkaroon ka ng idea kung magkano ang maaari mong matanggap.

4. Pwede mong ibenta ang iyong gold for more money

reasons-to-pawn-10Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Bukod sa gold pawning, maaari mo rin subukan ang gold selling. Sa ganitong transaction ay kailangan mong maghanap ng taong bibili ng iyong alahas. Siguraduhin lamang na mapagkakatiwalaang buyer ito para sa smoother and safer transactions.

Napakarami talagang benefits ng pagmamay-ari ng ginto dahil bukod sa ito lamang ang tinatanggap sa mga pawnshops, tumataas din ang value nito sa panahon. Kaya kung may extra kang pera, subukan na mag-invest dito!

5. Mabilis mo lang matutubos ang iyong sinangla

reasons-to-pawn-11Photo courtesy of Sasun Bughdaryan via Unsplash

Malinaw ang usapan sa Palawan Pawnshop. Kaya mabilis mo lang din matutubos ang iyong gold jewelry lalo na kung mahalaga ito sa’yo at may sentimental value dahil pamana ito sa’yo.

Sikapin lamang na mababayaran ang principal at redemption fee ng iyong sinangla. Makatutulong kung may magtatakda ka muna ng personal na petsa kung kailan mo tutubusin ang iyong sinangla para malinaw rin sayo kung kailan mo ito kukunin muli.

Mag-sangla na sa Palawan Pawnshop ngayon!

Ligtas at mabusising proseso ang pagsasangla kaya wala kang dapat ikatakot dito.

Bukod dito, nalaman mo rin ang iba’t ibang dahilan kung bakit ba patuloy na pinipili ng mga Suki na magsangla sa Palawan Pawnshop dahil sa maraming benefits na nakukuha nila mula rito. Isang mahalagang bagay na nga ang accurate at best appraisal ng iyong gold jewelries.

Share: