Kumita Kahit Retired! 9 Na Magandang Business Ideas Para Sa Retirees

Araw-araw tayong kumakayod para sa ating mga pangarap. Pero sa dulo ng lahat, gusto lang natin makapag-enjoy sa life. Kaya naman suki, dapat ngayon pa lang may plano ka na para sa iyong retirement. What better way to earn than through business ideas for retirees, ‘di ba suki?

Kung nagtataka ka kung anong pwedeng gawin, simple lang ang sagot: magkaroon ka ng sarili mong business! Kahit mga retirees, pwedeng-pwede maging wais na negosyante kahit baguhan!

With these smart business ideas, siguradong sulit na sulit ang iyong oras at panahon kahit na ikaw ay retired na!

#1: Magtayo ng online business

online business Photo Courtesy of Pixabay via Pexels


Iba na talaga ang buhay dahil sa technology! Mas napapadali nito ang lahat ng bagay at mas napaparami nito ang ang mga business opportunities na meron tayo. Anong ibig sabihin nito para sa mga suki after their retirement? Pagkakataon kumita sa pamamagitan ng online business.

Kung lagi na lang "no" ang sagot mo sa tanong na "should I start a business after I retire" dahil sa tingin mo’y maraming kailangan gawin para dito, online business ang sagot para sa iyo. Maraming online businesses ang pwede mong pasukin at isa na dito ang resale. Dahil online ang iyong business, wala ka nang masyadong kailangan asikasuhin tulad ng pwesto o property kung saan ilalagay ang iyong business.

Ang maganda pa dito ay pwede mo ding kasangga ang Palawan Pawnshop sa kanilang money remittance service. Kikita ka na, hassle-free pa ang pagpapatakbo mo sa business kapag retired ka na. Panalong panalo ka dito suki!


#2: Kumita sa tutoring o teaching

tutoring or teaching Photo Courtesy of Pixabay via Pexels


Ang retirement daw ay panahon ng iyong buhay kung saan ikaw ay tahimik at mapayapa na sa mga bagay-bagay. Kaya naman medyo mahirap ipagkasundo ang retirement sa pagtatrabaho. Kung ikaw ay naghahanap ng paraan para kumita kahit ikaw ay retired na at gusto mong chill at magaan ang workload na iyong pipiliin, magandang business idea for seniors ang pag-tutor o ang pagiging guro. Iba din ang gaan ng working environment na dala ng mga bata, ‘di ba?

Hindi lang conventional teaching ang pwede mong pasukin. Sa work experience na nakuha at na-ipon mo kapag nagretire ka na, pwede kang maging consultant sa iyong area of expertise. Ang consultancy ay isang line-of-work kung saan ikaw ay kinukuha ng mga kumpanya para sa humingi ng advice sa iyong knowledge and skill. Ang maganda dito, hindi mo kailangan mag-report sa trabaho araw-araw at kadalasan pwede ang remote work para sa iyo.


#3: Magsulat at mag-simula ng blog

start a blog Photo Courtesy of Rawpixel.com via Pexels


Isa na namang smart business idea para sa iyong retirement ang pagiging online writer at ang paba-blogging. Let’s face it suki, maraming tao ang naghahanap ng information online. Kaya naman kung kaya mong magsulat ng mga blogs na makukuhanan nila ng impormasyon, kayang-kaya mong pagkakitaan ang iyong blog gamit ang iba’t-ibang monetization options.

Kung ayaw mo naman gumawa pa ng bagong blog mula step 1, maraming mga kumpanya ang naghahanap ng external writer na pwede mong pag-applyan. Ikaw ay babayaran para sa mga articles na isusulat mo para sa kanila at mga clients nila.

Blogging man o external copywriting, parehas ito sa mga business ideas for retirees na pwede mong subukan para sa iyong future.


#4: Pumasok sa food industry

Kaya naman para sa retirement mo, bakit hindi ka magtayo ng sarili mong food business?

Mula sa pagkakaroon ng sarili mong karinderia o bakery hanggang sa pagbebenta tin can chocolate cakes ala Le Sucre Lab’s Chocolate Dream Cake. Perfect ang food industry bilang business para sa iyong retirement kasi low effort lang ang kailangan para sa malalaking return! Siyempre factor ang pagmamahal mo talaga sa luto pati na rin ang hottest trend in food culture (na sa ngayon, ay dominated ng KBBQs) pero hindi mapagkakaila na ang pagpasok sa food industry ay smart investment idea para ma-secure ang iyong retirement life!


#5: Subukan ang TNVS

try TNVS Photo Courtesy of Marie Whitney via Pexels


Maraming balita ang lumabas pero isa lang ang masasabi ng lahat: ang Transport Network Vehicle Service o TNVS is here to stay.

Mula sa Uber at Grab hanggang sa Angkas at Wunderpool, ang mga TNVS ay malaking bahagi na sa buhay transportasyon ng mga Pilipino. Umaga hanggang gabi ay may mga nagco-commute at tinatangkilik ang mga TNVS na ito kung kaya naman hindi mapagkakailang kikita ka dito.

Ang maganda pa dito ay pwedeng pwede mo itong pasukin at gawing source of passive income. Swak talaga ito para sa mga retirees!


#6: Go, go, go sa franchising!

try franchising Photo Courtesy of Gratisography via Pexels


Usong-uso talaga ang franchising. Marami kang business na pwedeng pagpilian na pwede mong i-franchise for your retirement. Kung nagtataka ka ano ang magandang i-franchise, ang pagkakaroon ng sariling laundry shop ay magandang business idea din para sa iyong mga retirement years.

Isipin mo suki: ilang mga pamilya ang nagususuot ng damit? Gaano sila kadalas maglaba? Mayroon talagang demand para sa laundry shop. Ang maganda pa sa pagkakaroon ng sariling laundry shop ay pwedeng pwede ka makatipid sa pagpapasweldo sa tao dahil may mga laundry shops na self-service na!

#7: Magtayo ng internet cafe

internet cafe Photo Courtesy of system32bitt via Pexels


Ang internet at computer ay sinasabi nang basic necessity dahil sa pag-depende ng mga tao dito. Mula sa pag-aaral hanggang sa pagtatrabaho, kailangan at kailangan ang computer-internet connection na combo. Kaya naman hindi na nakpagtataka at may makikita kang internet cafe sa bawat kantong madadaanan mo.

Idagdag pa dito ang pagiging sikat ng iba’t ibang online computer games, siguradong magandang business ang kalalabasan ng pagkakaroon mo ng sariling internet cafe.

Ano ba itong internet cafe na patok sa mga chikiting? Ito lang naman ang smart business idea na pwede mong gawin para sa iyong retirement years!


#8: Magpa-rent ng property

internet cafe Photo Courtesy of Pixabay via Pexels


Kapag ikaw ay retired na, maghahanap ka ng pagkakakitaan kung saan malaki ang kita pero maliit lang ang effort na kailangan. Suki, if nakakarelate ka na kahit hindi ka pa retired, simulan mo na ang pagplano para ikaw ay makapagparenta ng sarili mong lupa ‘pag dumating na ang retirement!

Ang katotohanan ay maraming naghahanap ng spaces for rent. Bakit hindi mo gamiting ang iyong advantage bilang retiree,, hindi ba suki? Maraming mga babasahin para makatulong sa iyong siguraduhin na kikita ka talaga sa pagpapa-rent mo ng property.

Malaki man ang kailangan (siyempre, property ang usapan) pero sabi nga nila sa business: the higher the risk, the higher the reward. Pero dahil ikaw ay isang wais na suki, tiyak na magpaplano ka na ngayon pa lamang para madali na lang i-manage ang mga risk and requirements.


#9: Ilaban ang retirement sa pagretail

retail Photo Courtesy of Artem Bali via Pexels


Ano ang common sa Baguio, Tagaytay, at Taytay? Ito ang kanilang mga patok na patok na ukay-ukay. Marami pang mga lugar ang kilala sa ukay-ukay kaya naman hindi mapagkakaila na mabenta talaga ang ukay-ukay. Kaya bago ka pa magretire, i-consider mo nang pumasok sa retail business of ukay-ukay!

Ang pagpasok sa retail ay isa sa mga smart investment ideas na pwede mong simulan dahil malaking bahagi nito ay kung mayroon ka nang malaking koleksyon ng iyong ibebenta. Kung ukay-ukay ang paguusapan, madali na lang makaipon ng mga damit na iyong ibebenta kung ikaw ay magsisimula na ngayon. Kapag mayroon ka nang naipon bilang panimula, madali na lang magpaikot ng pera at bumili ng mga bagong supply ng damit.

Maliban sa mga business ideas for retirees na binigay namin sa iyo, marami pang iba’t ibang pwedeng gawin pagkatapos ng iyong retirement. Suki, simulan mo nang patunayan na life begins after retirement sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sarili mong business. Enjoy your retirement by having a plan for your future business!