7 Bagay na Dapat Ninyong Malaman tungkol sa Palawan Pawnshop

"Pa, may pang-tuition na ba? Hindi ako makakapag-exam pag di ako makabayad bukas." "Ma, may 500 ka? Need ko pambili ng books." "Nay, kulang baon ko. Pwede po dagdagan kahit konti?"

Madalas ka bang tine-text nang ganito ng mga anak mo?

Bilang magulang, edukasyon ang pinakamahalagang maipapamana mo sa iyong mga anak. Sinong magulang ang hindi nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak? Sinong magulang ang hindi proud na makapagpa-graduate ng future lawyer, doctor, manager, o engineer? Syempre, gusto mong maganda ang kanilang kinabukasan.

Kaya naman kumakayod ka nang todo—nag-oovertime at rumaraket pa—para sumapat ang kita mo sa pang-araw-araw na budget pati sa pangangailangan ng mga anak mo sa school. 

Daming gastos pero short sa cash? Buti na lang, may mga mabilis at madaling paraan para mabayaran ang mga gastusin tulad ng tuition fees, school supplies, at pambaon ng mga bata. Pwede kang magsangla ng jewelry sa pawnshop.

Sa ganitong sitwasyon, malaking tulong ang pawning ng Palawan Pawnshop: ang matatag, maaasahan, at mapagkakatiwalaang partner mo para sa edukasyon ng iyong mga anak. Sino pa bang magtutulungan kundi ang kapwa Pinoy, ‘di ba?

Narito ang iba pang mga panalong dahilan kung bakit maraming Pinoy ang nagtitiwala sa Palawan Pawnshop para sa pawning services:

1. Lowest interest rates nationwide


Kapag mababa ang interest sa sangla mo, mas makakatipid ka kaya may extra budget pa para mga dagdag-gastos sa school ng iyong mga anak.

Pinakamababang interest rates ba hanap mo? Punta na sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop! 1% lang ang interest rate kapag tinubos mo ang sangla mo within 11 days. 

Flexible din ang pawning sa Palawan Pawnshop. May apat itong Sangla Packages na swak sa pangangailangan ng bawat breadwinner na kapos sa panggastos ng mga bata sa school:

  • Sangla Package 1
    • 1-11 days - 1%
    • 12-22 days - 2%
    • 23-33 days - 3%
  • Sangla Package 2 - 3.5% no advance interest

  • Ang Palawan Pawnshop ay isa sa mga highest appraisal pawnshop in the Philippines. Mas malaking halaga ang makukuha mo rito kada sangla. Kaya malaking tulong ito lalo na kung marami kang pinapaaral o may anak kang nasa college.

    Pinakamababa na ang interest para sa sangla, mataas pa ang tanggap para sa gold jewelry! Saan ka pa?!

    3. Maraming pawnshop branches and agents nationwide


    One of the largest pawnshops in the Philippines and Palawan Pawnshop na mayroong over 2,000 branches nationwide. Meron pang mahigit 2,000 Palawan Express Pera Padala agents and local remittance partners tulad ng SM at LBC. Present din ang international remittance partners like XOOM, Moneygram, Western Union, Transfast and iRemit. Hindi lang largest pawnshop, pinakamalawak na din ang network ng money transfer service nitong Palawan Express Pera Padala.

    Siguradong may Palawan Pawnshop branch agent na malapit sa ‘yo at sa anak mo saan man kayo sa Pinas. Kaya kapag may emergency at kailangan ng anak mo ng agad na pera—kahit nasa probinsiya ka at nasa Manila siya—mabilis kang makakapagsangla at agad ding makakapagpadala.

    4. Friendly service


    Sa Palawan Pawnshop, parang pamilya ang trato ng staff sa customers. Mga ngiti ang babati sa ‘yo pagpasok mo pa lang dahil masaya ang mga empleyado na paglingkuran ka. Mababait, accommodating, at approachable ang guards at branch associates. Nakakaganda ng araw, ‘di ba? Kaya maraming loyal customers ang pawn shop na ito—mas service-oriented kaysa profit-oriented ang staff ng Palawan Pawnshop.

    5.Text reminders para updated ka


    Maraming gamit ang isinanla ang hindi na natutubos. Minsan kahit may sentimental value, nareremata ng pawnshop dahil pwedeng hindi naaalalang due na pala—at ayaw ng Palawan Pawnshop mangyari iyan! 

    Palawan Pawnshop ang unang pawning service na nagpapadala na text reminders tungkol sa due dates para makaiwas ka sa additional penalty o mawala sa’yo ang pinaghirapan mong alahas.

    6. May malasakit sa kapwa at kalikasan


    Bukod sa pagtulong sa milyun-milyong Pilipino na matugunan ang kanilang urgent cash needs, tumutulong din ang Palawan Pawnshop sa komunidad sa pamamagitan ng education at environmental programs nito.

    May scholarship program ang Palawan Pawnshop para sa mga kapos-palad na estudyante ng Palawan State University at Western Philippines University. Sinusuportahan din nito ang environmental protection ng Palawan island kung saan nagsimula ang Palawan Pawnshop bilang isang pawnbroker noong 1985.

    Bilang customer, nakaka-good vibes na natutulungan ka ng Palawan Pawnshop sa pagpapaaral sa iyong mga anak, nagiging bahagi ka din sa mga makabuluhang proyeto para sa kalikasan at edukasyon ng kabataang Pilipino.

    'Yan ang bayanihan spirit ng mga Pinoy!

    7. Panalo ka sa Palawan Pawnshop!


    Matatag, maaasahan, mapagkakatiwalaan. ‘Yan ang serbisyong Palawan Pawnshop para sa mga Bagong Bayani ngayon—mga magulang at breadwinners na nagsisigasig para mabigyan ng edukasyon ang kabataang Pinoy. 

    More than just a pawning services provider in the Philippines, Palawan Pawnshop is your solid partner for funding your children’s education and giving them a brighter future. Kahit mahirap kumita ng pera, panatag kang may masasandalan ka sa oras ng pangangailangan. Kaya panalo ka rito!