Palawan Pawnshop is Your One-Stop Money Services Shop



Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Naranasan mo na bang mabilad sa ilalim ng araw o sumugod sa ulan kakapunta kung saan-saan para magsangla, magpadala ng pera, magbayad ng bills, magpa-load, magpapalit ng foreign currency, o iba pang transactions? Nakakapagod at nakakaubos ng oras 'yan, mga suki.

Good news: may solusyon diyan! Meron kang dapat malaman tungkol sa Palawan Pawnshop: ito ang maaasahang one-stop shop for all the money services you need. Palawan Pawnshop lang ang ibibigay na lahat sa ’yo, ‘wag ka lang mahirapan.

Ilan sa mga transaction na ito ang pwede mong gawin sa isang visit mo lang sa Palawan:

  1. 1. Sangla
  2. 2. Pera padala
  3. 3. Money changing
  4. 4. Pag-enroll o pag-claim ng insurance
  5. 5. Bills payment
  6. 6. ATM withdrawal
  7. 7. Mag-apply at gumamit ng Suki card
  8. 8. Magpadala sa inyong bank account
  9. 9. E-loading

Bakit ka pa lalayo kung may malapit na Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala branch kung saan magagawa mo lahat ng ito sa isang visit lang?

Malaking tulong ang pagiging one-stop money shop ng Palawan lalo na kung may emergency o gipit ka sa oras. Pwede kang magsangla ng iyong gintong alahas at ipadala agad ang nakuha mong pera para sa tuition ng anak mong nag-aaral sa Maynila. Pagkatapos, magpa-load ka agad para matawagan mo siya later at kumustahin kung mayroon pa siyang ibang pangangailangan. Pwede ring pagkatanggap mo ng perang padala ng asawa mo from abroad, bayaran mo na agad ang bill sa tubig at kuryente. 

Hindi mo na kelangang magpalipat-lipat sa malls, bangko, at ibang payment centers para lang magawa itong lahat. Happy to serve ang Palawan para sa needs mo!

1. Pawning

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Malulula ka sa baba ng pawning interest rates ng Palawan. For as low as 1%, matutubos mo ang sangla mo nang hindi mabubutas ang bulsa mo. May apat na interest packages ka pang pagpipilian depende sa needs mo. Kaya dito ka na magsangla ng iyong gold jewelry para pandagdag sa emergency na gastos!

Visit our Pawning page for more details about Palawan's Customer Choice Packages and steps para sa sangla, tubos, bili-sangla at pawn renewal. 

2. Pera Padala

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Korek si Mommy D! Makakapagpadala ka ng pera sa iyong loved ones for as low as 2 pesos. Bukod sa mura, mabilis at walang hassle ang money remittance sa Palawan. Sulit!

Visit the Pera Padala page para malaman ang money remittance fee base sa halagang ipapadala at location mo. Makikita mo rin dito ang instructions sa pagpapadala at pag-claim ng remittance, pati ang listahan ng Palawan authorized agents at international partners.  

3. Money Changer

Best foreign exchange rates ba kamo? Sa money changer ng Palawan Pawnshop mo 'yan matatagpuan! Pagkatanggap mo sa Palawan ng dolyar, riyal, o dirham na padala ng iyong asawa from abroad, papalitan mo na agad 'yan to pesos sa mismong Palawan branch. Convenient, 'di ba?

Para sa kumpletong listahan ng foreign currencies na pwede mong papalitan sa Palawan, go to the Money Changer page.

4. Accident Insurance

Bente pesos na insurance? Seryoso? Yes, mga suki. Hindi 'yan joke! Meron niyan sa ProtekTODO insurance plan na pwede mong i-avail sa Palawan. Proteksyon para sa pamilya mo sa abot-kayang halaga—saan ka pa? Kung may sukli kang at least Php 20 sa iba mong transactions sa Palawan, apply ka na rin for an insurance!

Check mo ang Accident Insurance page para sa kumpletong detalye ng tatlong ProtekTODO policies, mga benepisyo ng bawat isa, at paano mag-enroll o mag-claim ng insurance. 

5. Bills Payment

Swabe magbayad ng bills sa Palawan dahil iwas ka sa mahahabang pila sa malls at bangko lalo kung due date na ng kuryente, tubig, at iba mo pang bayarin. 

Pumunta sa Bills Payment page para makita ang listahan ng lahat ng utility bills na tinatanggap sa Palawan.

6. Cash Card and ATM Withdrawal

Kung malayo ka sa bayan at walang ATM na mapupuntahan (o palaging offline o mahaba ang pila kung meron man), sa Palawan Pawnshop ka na lang mag-withdraw o balance inquiry through its Point-of-Sales (POS) terminals. 

Para malaman kung pwede kang mag-withdraw o balance inquiry sa pinakamalapit na Palawan branch, check mo ang Cash Card/ATM Withdrawal page.

7. Suki Cards and Cash Cards

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Mahal ng Palawan Pawnshop ang mga loyal na suki kaya mas pinasulit pa nito ang sangla, pera padala, at insurance premium through the Suki card. Sa abot-kayang halaga, mae-enjoy mo ang discounts, rebates, at Suki points para mas malayo pa ang mararating ng pera mo. At singkwenta pesos lang kailangan mo para makakuha nito!

For more info, go na sa Suki Cards/Cash Cards page.

8. Padala to Bank Account

Lagi bang mahaba ang pila sa bangko? Mas malapit ba sa 'yo ang Palawan branch kaysa sa bangko? Kung may ibang transactions ka sa Palawan Pawnshop, dito ka na magpadala ng pera to your bank account kaysa magtiyaga ka sa pagpila nang matagal sa bangko.

Para malaman kung pwede kang mag-remit ng cash sa iyong bank account through Palawan Pawnshop, i-check ang Padala to Bank Account page.

9. E-loading

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Pagkatapos ng sangla, pera padala, o bills payment transactions mo sa Palawan branch at kailangan mong magpa-load, pwede mo na ring gawin 'yan dito! Bukod sa prepaid load, pwede ka ring mag-load ng iyong PayMaya, game pins, at utility pins gaya ng Meralco Kuryente Load at Cignal.

For more details, paki-check ang E-loading Services page ng Palawan Pawnshop site.

Sa Palawan Pawnshop, hindi lang pera ang natitipid mo. Makaka-save ka rin ng oras dahil lahat ng financial services na kailangan mo, pwede mong asikasuhin sa iisang Palawan branch lang. Ang oras na natipid mo, pwede mong ipang-pasada pa ng iyong tricycle, pang-bantay sa tindahan mo, o pang-raket pa para pandagdag sa kita mo. Kaya dito ka na sa Palawan pumunta for all your money services needs!