Have a Merry Christmas With This Pangmalakasang Guide Sa Pasko

Ang bilis-bilis ng panahon, suki! Dalawang buwan na lang Pasko na! Nakapagsimula ka na bang magplano para sa mga handaan? Medyo malayo pa naman nga, pero wala naman problema sa pagiging early bird ‘di ba? Kaysa naman mag-panic last minute at maging chaka ang celebration o magkulang ang mga regalo.

Don’t worry, suki! Mayroon kaming pangmalakasang early Christmas Guide para iwas hassle ngayong kapaskuhan. Kami ang bahala sa’yo!

1. Magsimula nang maglaan ng pera para sa Pasko

maglaan-ng-pera-para-sa-paskoPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Habang malayo pa, simulan mo nang magtabi ng pera para sa mga ganap sa holilday season. Magtabi na para sa regalo, handaan, at kahit sa mga lakad. Maraming puwedeng gawin o bisitahin sa Christmas season, at kahit na may dumagsang pera sa Christmas bonus, mas maganda pa ring nakapaghanda ng malaki-laki para mas maraming ma-experience, ‘di ba suki?

2. Gumawa ng komprehensibong Christmas Plan

komprehansibong-christmas-planPhoto courtesy of Pexels via Pixabay

Ang wais na taga-pagdiwang ng Christmas ay nagsisimula sa plano. Ilatag mo na muna ang mga dapat gawin, mga schedule ng party sa trabaho o sa school, mga reunion ng pamilya, at kahit mga bisita sa inaanak. Kumbaga, gagawa ka ng mapa at itinerary mo ngayong Pasko. Kapag mayroon ka kasing ganon, puwede mong mapaghandaan ang mga ganap in advance.

3. Magplano ng Christmas budget

magplano-ng-christmas-budgetPhoto courtesy of Allef Vincius via Pixabay

Isa pang mahalagang parte ng paghahanda para sa Pasko ay ang pagkakaroon ng budget. Syempre, mas okay na yung nakaplano na ‘yong puwede mong gastusin para i-manage mo na ang iyong pera! Kaysa naman sige lang ang hatak sa wallet, baka mamaya, suki ‘di mo mamalayan, wala na siyang laman!

4. Maglista ng bibigyan ng regalo

maglista-ng-bibigyan-ng-regaloPhoto courtesy of Matthias Cooper via Pexels

Ayan, suki. May battle plan ka na para sa Pasko, complete with budget plan. Ngayon, kailangan mo nang i-coordinate ito sa listahan ng kailangan mong bilhan ng regalo. Puwede mong simulan sa’yong pamilya, at pagkatapos ay sa’yong mga kaibigan. Sinu-sino sa mga pinsan at tita ang makakatanggap? Sinu-sino ang magtatampo kapag inetsepwera? Lahat ‘yan kailangan ikonsidera kapag gumagawa ng early Christmas shopping list.

5. Maglista ng mga kailangang bilhin (regalo, rekado, dekorasyon)

maglista-ng-mga-kailangan-bilhinPhoto courtesy of StartupStockPhotos via Pixabay

Liban pa sa mga taong kailangang regaluhan, kasama dapat sa gagawan ng listahan ay ang mga puwedeng i-regalo sa kanila. Kung kaya, maglagay ng ilang opsyon para sa bawat tao, kung sakaling hindi mahanap ang isa, mayroon ka namang back-up!

Kailangan ding ilista na ang mga kailangang bilhing dekorasyon at rekado para naman sa Noche Buena. Maaayos mo ‘to kung magpaplano ka na rin sa gantong panahon ng handa ninyo sa Pasko.

6. I-plano na ang Noche Buena

iplano-ang-noche-buenaPhoto from Kaboompics.com via Pexels

Sa dami ng ginagawa bago mag-Pasko, nakaka-tempt nga namang ‘wag nang paghandaan ang handa at mag-settle na lang sa kung anong nao-order na pangmaramihan na. 

Pero suki, kung early Christmas planning naman ang peg natin this year, iwas hassle naman tayo. Kaya, ngayon pa lang, puwede na ninyong pag-usapan kung anong ihahanda ninyo sa Noche Buena, o sa iba pang handaan sa inyong tahanan.

Puwede mong konsultahin ang mga dadalo, kung anong puwede nilang dalhin sa handaan. O kaya naman puwede ka nang maghanap ng mga Noche Bueno recipe na dati mo pa gustong subukan, at puwede mo nang pagpraktisan habang malayo pa ang Christmas.

7. I-map ang mga shopping spree

shopping-spreePhoto from Anna Dziubinska via Unsplash

Makakatulong din sa ating mga early Christmas na paghahanda ang pagmapa ng pamimili. Ibig sabihin, ikukumpol mo ang mga nalista mong dapat bilhin batay sa kung saan sila isahang madadatnan sa pamilihan. Ang layunin ng tip na ito ay mabawasan ang mga pagpunta mo sa mall o palengke, para makatipid sa oras at sa pera.

8. Abangan ang mga sale at discount

abangan-ang-sale-discountPhoto from Claudio Schwarz via Unsplash

Kahit naman hindi pa sumasapit ang Pasko, marami naman nang naka-sched na sale at discount sa mga mall. Kahit nga sa Divisoria o Taytay, kung saan dagsa ang mga tao para mamili, mayroon nang mga bagsak presyo para sa iniintay na Christmas shopping ng mga Pinoy.

Nasa pag-strategize lang ‘yan ng plano mo kung saan at kailan ka mamimili na alam mong mayroong sale o discount. Iwas din to sa trapik sa kalsada at trapik sa pamilihan mismo. Gusto mo bang ang level ng crowd sa mall ay nagkakapalitan na kayo ng mukha? O gusto mo ba chill lang sa maluwag na mall at mababang presyo ng bilihin? Pumili ng mabuti, suki.

9. Bumili na ng panghanda

bumili-ng-panghandaPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Dahil naplano mo na ang mga putaheng ihahanda sa Pasko, puwede niyo na rin pangunahan ang siksikan sa palengke o grocery. Kung may mga rekadong puwede nang bilhin one week in advance, go na, suki! Huwag mo nang hintayin na blockbuster ang pila o stampede level na ang itsura sa pamilihan. Maganda na yung puwede ka pang sumayaw sa gitna ng daan habang namimili, kaysa stressed at haggard.

10. Subukang online bumili para sa mga regalo

bumili-ng-regalo-onlinePhoto courtesy of picjumbo.com via Pexels

Isa pang hassle-free na paraan para mag-shopping ay ang gawin to online. Kung hindi ka pa nahuhulog sa balon ng online shopping, pinakamagandang magsimula ay sa early Christmas na pamimili. Maraming promo at sale lagi sa mga online app. Marami ring mga magagandang item na online lang nabibili. Kailangan mo lang maging mapagbantay sa mga binibilhan mo para maging ligtas ang online shopping experience mo.

11. Subukan ang pangmaramihang pagbili ng regalo

Puwede mo ring subukang bulk ang bilhing mga regalo para sa Pasko. Halimbawa, keychain haull sa Divisoria, kung saan naka-engrave ang espesyal na mensahe mo para sa mga kaanak at kapamilya. Tipid ‘to at nagbibigay daan pa para i-customize mo ang mga regalo. Puwedeng T-shirt, notebook, mug, o pamaypay. Kahit anong maliliit at maramihang bagay na tatatak sa bibigyan mo, dahil ikaw ang nagdisenyo nito.

Siguraduhin lang na legit ang store at seller para hindi ka ma-scam ng wala sa oras at maiwasan na ring masayang ang effort mo sa pag-iisip ng design.

12. I-avail ang wrapping services sa mall

avail-ang-wrapping-services-sa-mallPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Isa pang Christmas hassle ang pagbabalot ng napakaraming regalo. Nakakaubos ‘to ng panahon, at minsan, pasensya. Pero puwede mo na ‘to laktawan sa pamamagitan ng pag-avail ng wrapping services sa mga pamilihan. Mayroong mga shop na libre ang pag-wrap ng Christmas gift, at mayroon naman ding may bayad. Depende sa’yo kung saan ka bibili at ano ang bibilhin mo.

13. Mag-recycle ng dekorasyon

magrecycle-ng-dekorasyonPhoto courtesy of Tj Holowaychuk via Unsplash

Kung mayroon ka pang nakatagong mga Christmas decoration mula pa sa mga nakaraang Pasko at okay pa naman ang mga ito, huwag ka na bumili ng bago. Kung wala naman, marami pa rin namang paraan para makatipid. Isa rito ang pag-recycle ng mga lumang bote, CD, papel, at kahoy para bumuo ng handmade Christmas decorations.

Magandang iplano at gawin ito ngayon habang medyo malayo pa ang Pasko. Magandang bonding ito ng pamilya, at malay mo, nasagot mo pa ang project ng mga chikiting sa eskwela.

14. Mag-book ng ticket habang maaga pa

magbook-ng-ticket-habang-maagaPhoto courtesy of Torsten Dettlaff via Pexels

Kung magpapasko kayo sa probinsya o ibang bansa, mainam na paghandaan niyo na ang trip habang maaga pa. Sanay na ang Pinoy sa last-minute na pagbili ng ticket o ‘yong pag-asa sa chance passenger sa eroplano man o sa bus pero napaka-stressful nito.

Puwede ka namang mag-book ng ticket isang buwan bago ang trip; ticket na papunta at pabalik, para hindi ka na rin ma-hassle sa pag-uwi. Makakapag-focus ka lang sa pagbisita sa pamilya o kaibigan, at hindi na kailangan isipin pa ang digmaan sa sakayan.

15. Magsagawa ng general cleaning sa bahay

magsagawa-ng-general-cleaning-sa-bahayPhoto courtesy of Volha Flaxeco via Unsplash

Habang papalapit ang Christmas vacation, paparami rin ang tambak na gawain sa work or school. Wala na halos oras para mag-ayos ng bahay. Baka nakabuyangyang lang ang mga papel o laruan sa mga kwarto dahil pag-uwi ay kain-tulog na lang ang routine.

Ayaw naman nating madungis ang bahay sa birthday ni Papa Jesus, ‘di ba? Lalo na’t baka magkaroon tayo ng mga bisita. Mainam na habang malayo pa, hinihimay mo na ang paglilinis sa bahay. Kahit paunti-unti kang nakakaraos ng paglilinis kada linggo. Puwede ka rin mag-schedule ng powerful na deep clean ng bahay ilang araw bago ang Pasko para shining, shimmering, splendid ang selebrasyon!

Suki, ngayon ready ka na to face ang huling dalawang buwan ng taon. Hindi mo na kailangang mawarla dahil kulang-kulang ka sa preparations. Pagdating ng Pasko, kapag nakahilera na ang mga regalo at nakaayos na ang hapag-kainan, chill ka na lang! Well, chill hanggang time na para maghugas ng pinggan at maghanda para sa Bagong taon. Good luck, suki!