Swak na Insurance Para ProtekTODO Ka This Fire Prevention Month

March is Fire Prevention Month. Sunud-sunod na balita na naman ang nababasa at naririnig natin tungkol sa mga insidente ng sunog. Sa Marso nagsisimula ang tinatawag na dry season sa bansa, kaya sa panahon ding ito laganap ang sunog sa mga kabahayan.

Sigurado ka bang ligtas ang iyong tahanan sa sunog? Sayang naman ang iyong mga naipundar, lalo ang safety mo at ng iyong pamilya, kung matutupok lang ng apoy ang inyong bahay sa isang iglap.

Huwag ipagpaliban ang kaligtasan, suki! Eto ang ilang mahalagang fire prevention tips and reminders mula sa Palawan Pawnshop.

Protektahan ang sarili at pamilya sa aksidenteng dulot ng sunog

Hindi choosy ang apoy—madadamay ang kahit anong maaabutan nito. Kahit OA ka sa pagiging maingat pero pabaya naman ang mga kapitbahay mo, wala ka pa ring takas sa sunog. Hindi mo masasabi kung maaapektuhan ka o hindi, at kung kailan ito mangyayari.

Kapag fire prevention tips ang pinag-uusapan, bihirang mabanggit ang insurance. Pero sa totoo lang, sobrang mahalaga ito sa panahon ng sakuna. Halimbawa, kung meron kang accident insurance plan, may cash assistance ka na matatanggap kapag naaksidente ka dahil sa sunog o anumang sakuna.

Magagamit mo ang benepisyo pandagdag sa bayarin sa ospital. O kung ikaw ang breadwinner ng pamilya at may nangyari sa 'yo, may dagdag na pera silang magagamit para makabangong muli.

Daig ng maagap ang masipag, kaya habang maaga pa, kumuha ka na ng insurance na makakatulong sa 'yo sa mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng aksidente.

May tatlong accident insurance packages kang pagpipilian mula sa Palawan Pawnshop. Mapa-single, taken, heartbroken, married, o pamilyado ka, may swak na insurance plan for you.

1. SULIT SOLO ProtekTODO

Proteksyon na hindi masakit sa bulsa—'yan ang SULIT SOLO ProtekTODO. Sa SULIT SOLO ProtekTODO, malayo ang maaabot ng bente pesos mo!

Narito ang mga benepisyong maaaring matanggap sa loob ng apat na buwan kapag nasunugan o naapektuhan ng anumang aksidente:

  • Php 10,000 - death due to accident
  • Php 5,000 - death due to motorcycle accident
  • Up to Php 10,000 - permanent disability or dismemberment

2. PREMIUM SOLO ProtekTODO

Kung gusto mong mag-level up ng accident insurance benefits, magagawa mo pa rin 'yan sa murang halaga. Singkuwenta pesos lang ang kailangan mo para sa mga benepisyong ito sa loob ng isang taon.

  • Php15,000 - death due to accident
  • Php 5,000 - death due to motorcycle accident
  • Up to Php 15,000 - permanent disability or dismemberment
  • Php 5,000 - burial benefit on death due to accident
  • Php 2,500 - cash assistance for death due to natural cause/sickness
  • Php 2,500 - educational assistance (for one beneficiary) on death due to accident

3. PREMIUM PAMILYA ProtekTODO

Eh kung itodo mo na ang proteksyon para sa buong pamilya? Sa halagang Php100, may mga benepisyo kang matatanggap, pati asawa o magulang at mga anak o kapatid mo sa loob ng isang taon. May fire assistance pa na makakatulong kapag ika'y nasunugan.

Principal:

  • Php 30,000 - death due to accident
  • Php 5,000 - death due to motorcycle accident
  • Up to Php 30,000 - permanent disability or dismemberment
  • Php10,000 - burial benefit on death due to accident
  • Php 5,000 - cash assistance for death due to natural cause/sickness
  • Php 5,000 - fire assistance
  • Php 2,500 - educational assistance (for one beneficiary) on death due to accident

Spouse/Parents (18-70 years old)

  • Php 15,000 - death due to accident
  • Php 2,500 - death due to motorcycle accident
  • Up to Php 15,000 - permanent disability or dismemberment
  • Php 5,000 - burial benefit on death due to accident
  • Php 2,500 - cash assistance for death due to natural cause/sickness
  • Children/Siblings (newborn-21 years old)
  • Php10,000 - death due to accident
  • Php 2,500 - death due to motorcycle accident
  • Up to Php 10,000 - permanent disability or dismemberment
  • Php 2,500 - burial benefit on death due to accident
  • Php 2,500 - cash assistance for death due to natural cause/sickness

Easy steps to enroll for a ProtekTODO Accident Insurance:

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch.
  2. Mag-fill out at pumirma ng enrollment form.
  3. Bayaran ang iyong napiling accident insurance package.
  4. Pirmahan at i-claim ang Confirmation of Registration (COR).
  5. Itago at ingatan mo ang COR dahil ito ang ipiprisinta mo for your insurance claim.

Iwasan ang mga sanhi ng sunog sa bahay

Bukod sa dasal, ibayong pag-iingat ang kailangan para iwas sunog. Maging alerto at agapan ang mga problemang maaaring magdulot ng apoy. 

Electrical fault, sigarilyo, at mga naiwang nakasinding kandila, gasera, at kalan ang mga kadalasang sanhi ng sunog, ayon sa Bureau of Fire Protection. Narito ang mga steps para maiwasan ang mga panganib na ito.

1. Ipa-inspect ang mga wiring sa electrician

Sa sobrang luma ng wires sa bahay, maaaring pagmulan ang mga ito ng sunog. Ugaliing ipa-check at ipaayos ang mga kable sa isang lisensyadong electrician para makasiguro.

2. Iwasan ang overloading

Photo courtesy of BipinSankar via Wikimedia Commons

Masyado bang maraming nakasaksak sa mga outlet sa bahay? Kapag nag-overheat o bumigay ang mga wire, tiyak na magdudulot 'yan ng sunog. I-unplug ang mga gadgets at appliances na hindi ginagamit, lalo na kung mawawala ka nang matagal para magbakasyon.

3. Mag-ingat sa paninigarilyo

Masama ang sigarilyo hindi lang sa kalusugan kundi pati sa kaligtasan. Kung hindi kayang tigilan ang paninigarilyo, iwasang gawin ito sa kama o malapit sa kurtina, mga papel, at iba pang bagay na madaling mag-apoy. Gumamit ng ashtray at huwag itapon ang upos ng sigarilyo kung saan-saan.

4. Huwag pabayaan ang mga nakasinding kandila, gasera, at kalan

Bago matulog sa gabi o umalis ng bahay, siguraduhing patay ang mga kandila, gasera, kalan, LPG, at iba pang gamit at appliances. Pigilan din ang mga bata at alaga na paglaruan ang mga ito.

Mas mabuti nang handa ka ngayon kaysa magsisi sa huli. Gawing gabay ang mga fire prevention tips and reminders na ito para ligtas at panatag kang hindi mapapahamak ang iyong pamilya at hindi masasayang ang iyong pinaghirapan.