Best Way to Pera Padala? Dito ka na sa Palawan Express Pera Padala

Blog

April 18, 2022

Best-Way-to-Pera-Padala--Dito-ka-na-sa-Palawan-Express-Pera-Padala

Mahalagang bahagi ng pagpapakita ng pagkalinga ng mga Pinoy sa kanilang mahal sa buhay ang pagpapadala ng pera kahit gaano man kalayo ang distansiya niya sa kanila.

Nandiyan ang mga bayaning OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanilang pamilya, at mayroon din naman na magkahiwalay dahil kailangan mamasukan sa ibang lugar sa Pilipinas.

Kahit sino ka man at nasaan ka man, naririto ang Palawan Express Pera Padala para magbigay ng walang kuskos balungos na serbisyo para sa ligtas at mabilis na transaksiyon.

Maraming dahilan kung bakit pinipili ng mga wais at Suking Pinoy ang Palawan Express Pera Padala. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  1. Over 2000 branches and agent partners nationwide
  2. Lowest transaction fee in the industry
  3. Suki Card benefits
  4. Mabilis na transaksyon
  5. Walang hassle na proseso ang Pag-Pera Padala
  6. Secured money remittance process
  7. Palawan is with you all the way
  8. Maasahang staff + personnel
  9. Pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino
  10. # 1 Pera Padala partner for over 30+ years

Gusto mo bang malaman kung ano-ano ang benepisyong makukukua mo sa Palawan Express Pera Padala?

1. Over 2,000+ Palawan branches and Pera Padala outlets to serve you!

palawan-music-video-1Photo from Pala-Paraan Music Video via Youtube

Kahit saan ka man pumunta Suki, lagi at lagi kang may makikitang malapit na branch ng Palawan Express. Ibig sabihin, napakaraming options ang pwede niyong pagpilian para makapag-pera padala pati na rin sa tatanggap ng pera.

Palawan Express ang largest money remittance center in the Philippines na may mahigit 2,000 branches at 30 years of experience in the business. Kaya subok na ito!

Para mas matulungan ka pa Suki, heto ang Palawan Express branch finder na pwede mong gamitin para malaman kung nasaan ang pinakamalapit na branch sa lugar ninyo.

2. Lowest Transaction Fee in the Industry

palawan-music-video-2Photo from Pala-Paraan Music Video via Youtube

Minsan nakakastress dahil magpapadala ka na nga lang ng pera, ang laki-laki pa ng babayaran mo. Gaya na lamang sa online bank-to-bank transactions na kadalasan ay PHP 10 to PHP 25 pesos ang sinisingil gamit ang kanilang applications. Pamasahe na yun at pang-alkansya ‘di ba?

Kaya nga mas pinipili ng mga Suki na mag-pera padala sa tulong ng Palawan Express dahil sa napakababang pera padala rates.

Imagine Suki, for as low as PHP 2 (yes, Suki—dalawang piso lang!), makakapagpadala ka na ng pera. Perfect na perfect ito kapag mayroon kang multiple transactions.

Pero hindi pa natatapos diyan mga Suki. Dahil pwede mo rin tingnan ang remittance fee sa iyong pera padala transactions bago ka pumunta sa pinakamalapit na Palawan Express branch. Kaya nga totoong-totoo ang walang kuskos balungos na serbisyo dahil sinisigurado talaga ng Palawan na maayos at malinaw ang bawat transaksiyon kahit sino ka man.

3. Maraming Suki Card Benefits

suki-card-benefitsPhoto courtesy of Palawan Pawnshop via Facebook

Gusto mo bang i-level up ang Palawan Express Pera Padala experience mo? Bakit hindi mo subukan ang Suki Card?

Ang Palawan Pawnshop Suki Card ay isang lifetime loyalty card na pwede mong gamitin para makakuha ka ng discounts kada transaksyon mo sa kahit anong serbisyo na ino-offer ng Palawan Pawnshop-Palawan Express.

Isa sa mga perks of having Suki Card ay ang Suki Rebates. Sa bawat transaction mo sa pera padala, makakakuha ka ng puntos na pwede mong gamitin pangbayad ng remittance fee. Sa tulong ng Suki Card, may 10% discount ka na din sa lahat ng gold jewelry items.

Napakadali lang kumuha ng sarili mong Suki Card! Sunding lamang ang sumusunod:

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch.
  2. Punan ang Customer Information Sheet na ibibigay ng agent.
  3. Bayaran ang Suki Card membership fee.
  4. Kunin ang Suki Card dahil agad itong ibibigay sayo.

Ano pang hinihintay mo Suki? Gora na para makakuha ka ng sarili mong Suki Card sa Palawan Pawnshop!

4. Mabilis ang bawat transaksyon

automatedPhoto from Pala-Paraan Music Video via Youtube

Hindi part ng vocabulary ng Palawan Express ang mga salita gaya ng “mabagal” at “delayed.”

Alam namin na kailangan agad ng tao ang kanilang matatanggap na pera kaya sinisiguro nila na mabilis ang bawat transaksyon.

Kung papansinin mo nga Suki, napakaraming paraan na ginawa ng Palawan Express para mas mabilis at maging walang kuskos balungos ang bawat transaksiyon. Mula branch finder pati na rin ang low remittance fees, bago ka pa man pumunta sa pinakamalapit na branch ay pwede mo na agad ayusin ang lahat ng requirements para mabilis ka rin matatapos. Napakabilis din na matatanggap ng iyong padadalhan ng pera ang iyong cash!

Kaya trust only brand na pupunta ka pa lang sa kanila, sinisigurado na nilang magiging maayos at maaliwalas ang transactions mo.

5. Waley hasul na proseso ang pag-pera padala

palawan-music-video-3Photo from Pala-Paraan Music Video via Youtube

First time mo bang pupunta sa Palawan Express para mag-money remittance? ‘Di mo kailangan mag-alala dahi narito ang walang kuskos-balungos steps to send money to your loved ones:

  • Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Express branch o Palawan Express Pera Padala outlet.
  • Isulat ang kailangang information sa Send Money Form. Siguraduhing nafill-out mo ang iyong name at cell phone number pati ang name at cell phone number ng taong tatanggap ng money remittance.
  • Kapag nakumpleto mo na ang form, ilagay ito kasama ang iyong valid ID sa tray na nasa counter.
  • Hintaying tawagin ng staff ang name mo. Kapag tinawag ka na, bayaran mo ang iyong principal remittance at kaukulang fee.
  • Pirmahan ang form at kunin ang iyong copy.

Kung may katanungan ka, Suki, wag magdalawang isip na magtanong sa Palawan Pawnshop cashier na laging handang tumulong sayo.

6. Secure ang Money Remittance Sa Pera Padala

palawan-music-video-5Photo from Pala-Paraan Music Video via Youtube

Bukod sa mabilis ang transaksiyon sa Palawan Express, makasisigurado ka rin na laging inaalagaan ang iyong pera kahit pa magkano ito. Para sa mga tatanggap ng pera na pinadala, may ilang hakbang at dokumento na hihingin ang branch na pupuntahan mo para siguradong secure ang transaction.

  • Bukod sa super helpful feature na ito, may mga dapat ka ring tandaan bago mo kunin ang pinadalang pera. Sundin ang mga sumusunod na hakbang:
  • Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch o Palawan Express Pera Padala outlet.
  • Isulat ang kailangang information sa Receive Money Form. Siguraduhing nafill-out mo ang name mo at name ng nagpadala ng pera. Kailangan mo ring isulat ang transaction code at halaga ng money remittance.
  • Kapag nakumpleto mo na ang form, ilagay ito sa tray kasama ang isa sa mga type of valid IDs accepted:
    • Driver’s License
    • Professional Regulations Commission (PRC) ID
    • Postal ID (New)
    • Person with Disability (PWD) ID
    • Card Government Service Insurance System (GSIS) E-Card
    • Social Security System (SSS) Card
    • Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
    • Pag-Ibig Loyalty Card Home Development Mutual Fund (HDMF)
    • NBI Clearance
    • Voter's ID
    • Senior Citizen ID
    • School ID
    • Philhealth Insurance Card
    • Company ID
    • Barangay ID
    • Tax Identification Number (TIN)
  • Pirmahan ang form at kunin ang iyong copy.
  • I-check at bilanging maigi ang pera bago umalis sa Palawan branch.

Tandaan, mga Suki: required na mag-prisinta ng isang valid ID para makapag-claim ng money remittance. ‘Yan ang pruweba mo na ikaw nga ang taong pagbibigyan ng pera.

7. Palawan Express is with you all the way

palawan-music-video-7Photo from Palawan Express Pera Padala TVC via Youtube

Para sa nagpadala ng pera, makakatanggap ka ng text confirmation kapag naipadala na ang pera mo.

Makakatanggap din ng text ang pinadalhan mo na ready na ang cash for pickup. At kapag na-claim na ang money remittance mo, ipapaalam din ito sa ‘yo through text.

Ibang iba di ba? Hindi mo kailangan mag-alala kung nasaan na ba ang pera mo dahil laging may update sa bawat transaction mo sa Palawan Express.

8. Maasahan ang mga Staff at Personnel

palawan-music-video-6Photo from Pala-Paraan Music Video via Youtube

Suki, mahalaga ka sa amin kaya sinisigurado nila na kahit mga staff at personnel nila ay laging handang tumulong sayo kapag nalilito ka.

Hindi ‘to bola! Committed ang mga empleyado ng Palawan Express na bigyan ka ng de-kalibreng serbisyo. Friendly at helpful ang staff, kaya nakaka-good vibes ang bawat transaction sa Palawan. Sa ilang minuto mong interaction sa kanila, makakalimutan mo kahit papano.

Hindi ka customer lang sa Palawan Pawnshop, Suki. Pamilya ka na pinapahalagahan.

9. Pinagkakatiwalaan ng Pilipino

palawan-suki-of-the-weekPhoto courtesy of Palawan Pawnshop via Facebook

With over 2 million likes sa kanilang Facebook page at iba’t ibang testimonials sa mahusay na serbisyo ng Palawan Express, walang makapagsasabi na hindi napatunayan ng Palawan ang kanilang sarili para sa kalidad at walang kuskos balungos na serbisyo sa Pilipinas.

Bakit ka maghahanap pa ng ibang partner sa iyong money remittances at pera padala transactions kung nandito naman na ang the best at pinagkakatiwalaan ng sambayanang Pilipino?

Maging bahagi sa pinakamalaki at pinakamasayang community ng Suki na nagtitiwala sa Palawan Express!

10. Palawan Express ang trusted parter ng mga Pinoy for over 30+ years

palawan-music-video-8Photo from Pala-Paraan Music Video via Youtube

Hindi tatagal ang Palawan kung hindi dahil sa suporta mo, Suki. Kaya lagi’t laging inuuna at pinapatunayan ang mahusay, mabilis, at mapagkakatiwalaan na serbisyo dahil ito ang pangunahing prinsipyo na nag-guiguide sa Palawan Pawnshop sa more than 30 years nitong serbisyo.

Kaya wala kang dapat ipag-alala kapag pinili mo na mag-Pera Padala sa Palawan dahil more than 30 years na rin itong serbisyo at pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino.

Napakaraming dahilan kung bakit nanatili ang tiwala ng mga Pinoy sa Palawan kahit higit sa 30 years na itong nasa Pilipinas. Tuwing magpapadala ka ng pera sa iyong mahal sa buhay, magtiwala lamang sa serbiyong mabilis, maasahan, ligtas, at pinapahalagahan ka at ang iyong perang pinaghirapan.

Share: