Make Your Mama Proud: Mga Simpleng Regalo sa Mother’s Day

Suki, alam niyo ba na ang buwan ng Mayo ay ang buwan ng mga nanay? Kada pangalawang linggo ng Mayo ay ipinagdiriwang natin ang araw ng mga nanay o Mother’s Day. Syempre dapat araw-araw pinapakita ang pagmamahal natin sa ating mga mommy. Pero ang Mother’s Day ay ang espesyal na araw para buhusan ng madami na pasasalamat at pagmamamahal sa ilaw ng ating mga tahanan.

Ngayong Mother’s Day 2019, i-treat naman natin ang masisipag nating mommy! Sa dami ng ginagawa nila para sa atin bilang asawa at magulang, ito ang tamang araw para bumawi. Kung may budget man o wala, nag-lista kami ng mga bagay on how to make your mom proud na pwedeng-pwede mo gawin para maging proud sa’yo si mama at mapakita mo mahal mo talaga siya at na-appriciate mo lahat ng ginagawa niya para sa’yo:

1. Linisin ang buong bahay

Photo courtesy of rawpixel via Pexels

Isa itong madaling paraan on how to make your mom happy ngayong Mother’s Day! Gusto nila palagi na maayos ang sala para sa mga bisita; malinis ang kusina para iwas sa mga sakit na nakukuha sa pagkain; at kahit sa mga kwarto kailangan maayos at komportable para mahimbing ang tulog ng pamilya.

Palagi natin silang nakikitang aligaga sa paglinis, pero ginagawa ng mga nanay ‘to para lang sa pamilya. Kaya naman sa Mother’s Day 2019, ‘wag natin sila pahawakin ng walis at pamunas! Hayaan natin sila magpahinga at matulog habang ang pamilya naman ang magasikaso sa mga kailangan linisin sa araw na ‘yon.

2.  Gawin lahat ng hugasin

Photo courtesy of rawpixel via Pexels

Isa pang araw-araw na gawain ng mga nanay ay ang maghugas ng mga plato. Araw-araw silang nagsasabon at nagbabanlaw ng mga pinagkainan at pinaglutuan. Bigyan naman natin sila ng oras para mag-relax ngayong Mother’s Day, mga suki. Pagpahingahin muna natin ang kanilang mga kamay at katawan sa paghuhugas ng mga pinggan.

3. Magluto ng mga paborito niya na pagkain

Photo courtesy of Fancycrave via Pexels

Aminin natin, iba talaga ang luto ni mama. Alam mo na pag nakauwi ka na sa bahay ‘pag naamoy mo na nagluluto na siya sa kusina o kaya may naghihintay na sa’yong ulam at kanin sa mesa, gaganda agad ang mood mo. Kahit gaano mo pa kamahal ang lutong bahay ni nanay, bumawi tayo sa kaniya at ipagluto natin sila buong araw!

Kahit simpleng almusal lang na itlog at corned beef, o kaya ay isang simpleng handaan na may iba’t ibang ulam. Basta gawa mo o ng buong pamilya siguradong paraan ito to make your mom happy on mother’s day.

4. ‘Wag makipag-away sa kapatid

Photo courtesy of Min An via Pexels

Hindi lang naman ito dapat tuwing Mother’s Day kundi araw-araw ay dapat hindi makipagaway sa ating mga kapatid. Pero isa ito sa mga pinakamadaling sabihin kaysa gawin sa mga simpleng mother’s day gift ideas. ‘Wag mo na dagdagan ang stress si mama at magpakabait ka sa kanya at sa iyong mga kapatid.

Ipagawa mo ‘to sa mga kapatid mo at pagkasunduan niyo na sa Mother’s Day weekend (o kaya kahit araw-araw na walang okasyon) ay iwasan ang mga simpleng away at intindihin ang isa’t isa para hindi dumagdag sa stress ni mama.

5. I-libre siya sa labas -- kahit kape lang!

Photo courtesy of Kaboompics via Pexels

Kung nagtatrabaho ka na o kaya ay may extra ipon galing sa baon, yayain mo lumabas si mama para sa isang simpleng Mother’s Day treat! Magpa-reserve sa isang gusto niyang subukuan na restaurant kung may malaking naipon. Pero pwede din na kahit libreng kape o ice cream lang sa malapit na kainan ay siguradong ikatutuwa niya. Hindi naman sa halaga ng binili ang tinitingnan, kung ‘di yung pagpapahalaga mo sa taong nagpalaki sa’yo ang mas importante.

6. Mag-plano ng bakasyon

Photo courtesy of rawpixel via Pexels

Kahit saan at anuman na plano, Kahit simpleng summer activity lang kasama ang pamilya o isang all-out summer vacation, hayaan natin na mag-relax at i-enjoy lang ni mama ang Mother’s Day. Sa mga bakasyon o labas ng pamilya, madalas ang nanay ang nag=aayos at nag-aasikaso. Sa Mother’s Day  paghatian ang responsibilidad at pag-aayos sa buong pamilya para ang gagawin na lang ni mama ay mag enjoy sa inyong bakasyon.

Pwedeng si papa na ang bahala sa sasakyan at mga magiging gastusin; si ate naman ang mag-aayos ng itinerary o mga lugar pupuntuhan; kay bunso naman ang bahala sa mga pagkain at inumin na dadalhin sa biyahe, para sigurado na lahat ay pantay-pantay sa pag plano at gawain sa next Mother’s Day vacation ninyo.

7. Tulungan siya sa mag-grocery

Photo courtesy of rawpixel via Pexels 

Mga suki, ito ay isa sa nga simpleng paraan on how to make your mom happy. Samahan mo siya sa mga madalas niyang gawain sa bahay tulad ng pagpunta sa palengke o grocery store. Tulungan si mommy sa pag-tulak ng cart o taga-bitbit ng mga pinamili, pero tingnan mo rin kung gaano ka-metikuloso ang mama mo sa mga bagay sa bahay para next time, ikaw nalang ang mamimili ng mga groceries para sa pamilya.

8. Makipagkwentuhan kasama siya

Photo courtesy of Albert Rafael via Pexels 

Isang paraan para pasahayin ang mga mommy ngayong Mother’s Day? Kamustahin sila. Palagi na lang sila nag-aalala sa mga anak at nag-aayos ng mga bagay na para sa atin at para sa buong pamilya na hindi natin namamalayan o kaya nabibigyan ng pansin at nakalimutan natin tanungin kung kamusta na sila. 

Baguhin ngayong 2019 at maging mas open sa pag-kwento ng mga bagay na masaya o kaya kahit na nakakalungkot kay mommy. Tutal ang pagiging pamilya naman ay ang pagbibigay supporta at pagmamahal sa mga taong malapit sa atin. Bakit hindi natin simulan sa mga nanay natin na walang sawa na umiintindi sa atin?

9. Magsabi ng ‘thank you’ at ‘I love you’

Photo courtesy of Giftpundits via Pexels

Isa ito sa pinakamadaling mother’s day gift ideas na kayang ibigay ng buong pamilya. Ang pasasalamat at pagsabi ng I love you sa ating mga nanay ay walang bayad na pwede gawin araw-araw.

Hindi naman palaging malaki o mahirap ang hinihingi sa atin ng mga nanay natin. Ang bigyan lang sila ng nararapat na pansin at pagmamahal para sa lahat ng oras at panahon na binibigay nila sa atin ay sapat na sa kanila. Ganyan ka-selfess ang mga nanay. Kaya make your mom happy ngayong Mother’s Day at yakapin sila ng mahipit at sabihin ang “I love you”.

Ngayong Mother’s Day 2019, ‘wag sayangin ang araw sa mga simpleng away at hindi pagkasunduan. Mag-focus sa mga bagay na importante at lalo na sa pinaka-importanteng tao sa isang pamilya; ang ating mga nanay! Isang malaki at masayang Happy Mother’s Day para sa mga suki nating nanay! Saludo ang Palawan Pawnshop sainyo!