12 In Demand Small Business Ideas for Extra Income This 2020

Daig ng madiskarte ang masipag. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit pa may full time work ka na, maganda kung meron ka ring extra income para sa pambayad ng mga bills. Kailangan lang ng sipag at tiyaga para malaman kung anong patok na negosyo ang pwede mong subukan.

Kung business-minded ka, isa sa mga tips sa pagsisimula ng negosyo ay ang maging maingat na paghahanap, pagkilatis, at pagpili ng small business ideas na maaari mong subukan. Syempre, ‘di mo naman gugustuhin na mamuhunan ng pera at pagod para lang malugi sa huli.

Maraming patok na negosyo sa bahay ang pwede mong pagkaperahan lalo na kung may hobby o talento ka. Kung magaling ka sa drawing or painting, pwede kang mag-commission ng mga artworks. Kung mahilig at masarap kang magluto, subukan mo ang food business. Kung mahilig ka sa fashion, pwede kang magbenta ng damit o accessories.

Para sa mga naghahanap ng patok na negosyo ngayong 2020, ito ang isang dosenang small scale business ideas na pwede ninyong subukan:

1. Online Selling

tablet-on-table-5598Photo courtesy of Kaboompics.com via Pexels

Hindi mo na kailangang gumastos ng nang malaki para masimulan ang iyong online business. Computer, Internet, at product suppliers lang ang puhunan mo bilang isang home-based online seller. Kailangan mo rin ng easy and affordable payment options tulad ng Palawan Express Pera Padala kung saan ipapadala ng customers mo ang bayad nila sayo nang hindi naha-hassle sa pagpila sa bangko.

Para magkaroon ng mga customers, isa sa mga tips sa pagsimula ng online shop ay ang pag-post ng mga produkto mo sa mga social media sites tulad ng Facebook at Instagram. Kung magaganda ang quality ng mga binebenta mo for sure mapupuno ang inbox mo ng mga messages at marami pang iba. Tandaan, ang mahusay na pagpapatakbo ng iyong patok na negosyo ang susi hindi lang para kumita ka ng pera, kundi para mapalago mo rin ito.

2. Blogging

blogging-blur-business-communication-261662Photo courtesy of Pixabay via Pexels

You read that right, Suki. Hindi lang libangan o pampalipas oras ang blogging; isa rin itong patok na negosyo sa Pilipinas. Pwede mo itong pagkakitaan through ad displays, sponsored posts, at affiliate marketing. Kung meron kang online business, pwede mo ring i-promote sa mga blog mo ang mga binebenta mong produkto.

Para simulang kumita ng extra sa iyong blog, kailangang meron kang computer o laptop, internet, at domain name para sa blog mo. Pag-isipan nang mabuti kung ano ang mga ibabahagi mo sa iyong blog na magiging interesting at helpful sa mga readers at followers mo. Halimbawa, kung isa kang stay-at-home mom, pwede kang maging mommy blogger na nagbabahagi ng tips at experience bilang isang ina. Kung food and travel lover ka naman, maganda kung magpo-post ka ng blog o kaya’y vlog tungkol sa mga lugar na napuntahan mo na.

3. Sari-sari Store

man-in-blue-top-giving-box-to-man-in-gray-top-696205Photo courtesy of Quintin Gellar via Pexels

Kung may sapat kang ipon at tingin mo ay kayang-kaya mong magpatakbo ng munting tindahan, profitable na negosyo ang sari-sari store. Kapag itinayo mo ito sa isang mataong lugar at sinabayan mo pa ng diskarte, pwede kang kumita kada araw ng Php3,000 hanggang Php20,000 tulad ng isang sari-sari store owner na napalago ang negosyo sa isang three-storey grocery at naging milyonarya.

Speaking of diskarte, may mga paraan para madagdagan ang panggastos sa pagpapatakbo ng iyong sari-sari store. Halimbawa, kung loyal customer ka ng Palawan Pawnshop, sulitin mo ang transactions mo with discounts and rebates you can get from a Suki card

4. Virtual Assistant

startup-planning-notes-mac-book-7357Photo courtesy of Startup Stock Photos via Pexels

Hanggang ngayon ay in demand sa U.S. at Australian clients ang mga Pinoy na virtual assistants. Dahil sa tayo ay maaasahan, masipag, loyal, at mahusay sa English, marami ang gustong mag-hire ng virtual assistants sa Pilipinas.

Isa sa mga patok na negosyo sa bahay ang pagiging virtual assistant lalo na kung gusto mo ng extra income nang hindi lumalabas ng bahay at kasama ang iyong pamilya. Nasa $3-$5 ang tipikal na kinikita ng isang Pinoy virtual assistant per hour (Php20,000 hanggang Php40,000 per month).

5. Food Business

photo-of-assorted-food-hanging-on-gray-metal-railings-680302Photo courtesy of Min An via Pexels

Kung patok na negosyo lang din naman ang pinag-uusapan, syempre ‘di pwedeng mawala ang pagkain dahil mabenta ito at mura pa ang puhunan. Kung foodie ka at magaling kang magluto o mag-bake, maraming food business ideas ang pwede mong pasukin: catering  for occassions, samalamig at burger stand business, ihaw-ihaw at lugawan, o mag-franchise ng food cart. Kung may full-time work ka o ang mga kapamilya mo, pwede kang magsimula sa pagbebenta ng packed meals sa mga kasamahan mo sa trabaho.

Kapag unti-unti nang kumikita ang patok na negosyo mo, mapapalago mo na ito. Sumali sa mga food bazaar at expo para mas ma-expose mo ang business mo sa mga customers at magkaroon ng mas malawak na network para sa iyong business.

6. Financial Advisor or Insurance Agent

Kung mahusay ka sa usapang pinansyal, may future ka bilang isang part-time o full-time financial advisor o insurance agent. Makikipag-usap ka sa mga posibleng kliyente na interesadong mag-avail ng insurance o mag-invest ng kanilang pera sa stocks. Tutulungan mo silang pumili ng tamang produkto o option na bagay sa pangangailangan nila. Ang extra income mo ay manggagaling mula sa mga commissions sa mga nabenta mong financial products.

Para simulan iyong patok na negosyo bilang financial advisor o insurance agent, mag-apply sa isang mapagkakatiwalaang insurance company na nagbibigay ng training. Requirement din na ipasa ang exam at iba pang requirements bago ka maging licensed financial advisor. 

7. Photo Booth Business

assorted-color-mask-and-glasses-2606402 _1)Photo courtesy of Michael Morse via Pexels

Bukod sa pagkain, ang isa pang favorite ng mga Pinoy ay pictures! Basta may makitang camera, pose agad! Kaya nga tuwing may party at event tulad ng kasal, mahaba ang pila sa mga photo booth, kaya isa ito sa mga patok na negosyo sa Pinas.

Magandang business idea ito for you Suki kung may photo editing skills ka o may mga kakilalang event planners o organizers na pwedeng i-refer ang business mo sa mga clients nila. A must din ang DLSR camera, light stand, laptop, printer, at props.

8. Prepaid Load Retailer

blur-cellphone-close-up-device-369376Photo courtesy of Porapak Apichodilok via Pexels

Kung hanap mo ay patok na negosyo na madadala mo kahit saan, prepaid loading business ang para sa’yo, Suki! Simple lang ang mga kailangan para masimulan ang small scale business na ito: cellphone at retailer SIM card. Dahil unli-data, call, and text is life para sa mga Pinoy, marami ang nangangailangan ng load para dito.

Kung may tindahan ka, maaari mo itong idagdag sa mga services sa tindahan mo para mas kumita ka pa. Kung wala naman, pwede kang kumita kapag sa iyo nagpa-load ang mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, katrabaho, at kaklase mo. 

9. Pet Care Services

Marami ang pet owners dito sa Pilipinas. Syempre, ang mga pets lalo na ang mga aso at pusa ay nangangailangan ng grooming at boarding kung magbabakasyon ang kanilang mga owners. Kung isa kang pet lover, Suki, subukan ang pet care services.

Pwede mong i-offer ang services tulad ng paglalakad sa mga aso, pagpapakain, grooming, o pagbabantay sa kanila kung magbabakasyon ang mga amo nila. Usually, nagsisimula sa Php150 per night ang bayad para sa pet boarding dito sa Pilipinas. Kung grooming naman ang gusto mo, pwede kang mag-aral ng basic dog and cat trimmings at mag-offer ng home services kung wala ka pang sariling pwesto.

10. Buy and Sell

man-standing-beside-man-holding-gray-club-1325735Photo courtesy of Jopwell via Pexels

Para makatipid, mahilig bumili ang mga Pinoy ng patingi-tingi. Kaya naman, kung patok na negosyo ang hanap mo, suki, subukan mo ang buy-and-sell business. Pumili ng mga items na papatok sa mga mamimili. Pagkatapos, bilhin ito ng whole sale at ibenta naman sa retail price para kumita ka.

Ang nakakatuwa sa buy-and-sell business ay marami kang choices kung anong pwede mong ibenta. Halimbawa, pagkain, damit, accessories, at iba pa basta alam mong papatok sa mga customers. Kung meron kang social media accounts—personal man o for online selling—pwede mo rin dun i-post ang mga items na binebenta mo. 

11. Grab Driver

adult-automotive-blur-car-13861Photo courtesy of JESHOOTS.com via Pexels

Kung isa kang OFW at may naipundar ka nang sasakyan na hindi naman masyadong nagagamit, isa sa mga patok na negosyong pang OFW na pwedeng subukan ay ang pag-enroll ng iyong sasakyan sa Grab para mabyahe ito gamit ang app.

Kung meron kang mapagkakatiwalaang kamag-anak na pwedeng maging driver, mas maigi dahil alam mong iingatan ang sasakyan mo. Kung ikaw naman ay may full time na trabaho pero may spare time naman, pwedeng ikaw rin ang maging driver para sayo na ang 100% ng kita mo.

12. Palawan Express Padala Authorized Agent

Kung meron ka nang patok na negosyo tulad ng internet shop, grocery, o pharmacy at naghahanap ka pa ng extra income para sa business mo, pwede kang mag-apply bilang Palawan Express Pera Padala authorized agent. Bukod sa dagdag na kita, dadami rin ang loyal customers mo dahil partner mo ang pawnshop na pinagkakatiwalaan ng bayad for over 30 years. 

Madali nang magkaroon ng business dahil sa internet at social media at hindi mo na kailangan ang malaking capital para mapatakbo ng successful ang iyong negosyo. Anumang patok na negosyo ang papasukin mo Suki, magtatagumpay ka basta meron kang diskarte, sipag, at tiyaga.