Mga Swak na Alahas Para sa Iba’t-ibang Okasyon

Kaugalian ng mga Pinoy ang pagsusuot ng alahas tuwing may espesyal na okasyon. May kaya ka man o hindi, basta may pupuntahang party, may gold jewelry dapat na suot! 

Mahilig ka ba sa jewelry pero nanghihinayang kang gumastos nang malaki para rito? May paraan para maka-iskor ka ng gold jewelry na swak sa budget mo. 

Sa Palawan Pawnshop, makakabili ka ng tunay na gintong alahas sa murang halaga through the Bili-Sangla service. When you buy pawned jewelry sa isang Palawan branch, pwede mong bayaran nang hulugan ang bet mong gold item. Ituturing itong sangla hanggang sa mabayaran mo nang buo ang halaga nito. Mapapasa'yo ito after you redeem the pawn. Hindi mo na kailangang bayaran ang interest ng pawned jewelry!

Oh, 'di ba? Sino'ng nagsabing kailangan mo ng limpak-limpak na salapi para makabili ng gold jewelry? Tsismis lang 'yun! Pwede kang magmukhang donya nang hindi kinakailangang maging dukha ang bulsa mo. 

Ngayong alam mo na kung saan mahahanap ang mura pero totoong alahas, pumili ka ng singsing, hikaw, o kuwintas na babagay sa 'yo at sa okasyong dadaluhan mo. Para hindi ka mahirapang pumili, eto ang tips sa pagbili ng swak na lahas para sa iba't-ibang okasyon.

1. Kasal

Para sa ikakasal:

Top choice ng mga ikinakasal na Pinoy ang gintong singsing dahil sa maraming magandang istilong pagpipilian. Pwede itong elegante o simple lang. 

Kung naghahanap kayo ng sweetheart mo ng wedding rings, pag-usapan ninyo muna kung ilang karat at ang design na gusto niyo. Magkasundo rin kayo sa budget ninyo para sa singsing. Wala namang rules sa pagpili ng wedding rings—ang importante ay gusto ninyo ang binili ninyo at matibay ito para tumagal nang maraming taon.

Kung ikaw naman ang bride, may K kang magpa-bongga sa iyong wedding jewelry dahil ikaw dapat ang pinakamagandang babae sa araw ng iyong kasal. Ibagay mo ang susuotin mong alahas sa wedding dress at ayos ng buhok mo. Sa kahit anong puting wedding dress, bagay ang gold necklace o earrings. Kung simpleng dress na mababa ang neckline ang isusuot mo, bagay ang malaking kuwintas na may eleganteng disenyo. Ang dangling earrings naman ay magandang tingnan sa nakapusod na buhok. 

Para sa nanay o ninang ng ikakasal:

Espesyal na araw rin para sa 'yo ang kasal ng anak o inaanak mo. Kaya dapat lang na maganda ang alahas na isusuot mo. Kung medyo bongga ang gown, sapat na ang gold chain necklace. Kung simple naman ang dress mo, babagay ang malalaking gintong hikaw. Basta keep it simple, mother! Ayaw mong magmukhang naglalakad na jewelry store sa pictures, di ba?

Para sa mga imbitado sa kasal:

Ibagay ang jewelry sa kulay ng damit na isusuot mo. Para safe, pumili ng necklace o earrings na ginto dahil bagay ito sa halos lahat ng kulay ng damit. Iwasang magsuot ng napakarami at bonggang alahas para hindi mo naman kabugin ang bride.

2. Anniversary o Valentine's date

Gusto mo bang sorpresahin ang iyong girlfriend sa inyong nalalapit na anniversary? Say "I love you" with a gold ring na may diamond na talagang mapapa-"oo" siya 'pag inalok mo ng kasal! Kung mahilig sa jewelry ang iyong mahal, dapat mabusisi ka sa pagpili ng engagement ring. Alamin mo kung ano'ng disenyo ang gusto niya pati kung gaano kalaki ang daliri niya para kakasya ang ring sa kanya.

Kung magde-date naman kayo ng boyfriend o mister mo sa anniversary ninyo o sa Araw ng mga Puso, siyempre paghahandaan mo 'yan. Para blooming kang tingnan, piliin ang alahas na sure na mai-in love lalo sa 'yo si mahal. Suotin lamang ang isa sa mga ito: hikaw, kuwintas, o bracelet. Hindi mo kailangang suotin lahat dahil simpleng date lang pupuntahan mo, hindi isang engrandeng party.  

3. Binyag

Tradisyon sa mga Katolikong Pilipino ang pagre-regalo ng gintong kuwintas na may cross na pendant sa mga sanggol na binibinyagan. Simbolo ito ng pagmamahal ng Diyos at pagsisimula ng pagiging Kristiyano ng bata.

Kaya kung magni-ninang ka sa binyag at wala ka pang nabibiling regalo, makahulugan ang pagbibigay ng gold cross chain necklace sa iyong inaanak para lagi siyang blessed ni Lord. Siguraduhing matibay ang bibilhin mo para suot palagi ni inaanak ang regalo mong kuwintas hanggang sa paglaki niya.

4. Graduation

May anak ka bang ga-graduate sa high school o kolehiyo? Baka mas excited ka pa sa anak mo ha! Siyempre naman, sino bang magulang ang hindi proud na mapagtapos sa eskwela ang kanyang anak?

Eto ang magandang graduation gift idea para kay bunso: simple pero magandang alahas na masusuot niya sa kanyang graduation rites at magandang tingnan sa pictures. Kung wala kang mapapahiram o maipamamana sa kanya, you can buy pawned jewelry sa presyong kayang-kaya mo sa Palawan Pawnshop.

Bago ka bumili ng pawned jewelry para sa graduation ng iyong anak, tanungin mo muna siya kung meron bang ipinagbabawal ng school para hindi naman sayang 'yung bibilhin mong kuwintas o hikaw. Baka bawal ang masyadong malalaking jewelry. 

Bagay ang gold necklace o earrings sa togang itim o puti. Kung hindi siya magto-toga, bagay ang gold bracelet. Maganda rin ang maliliit na hikaw na may makukulay na bato. Kung gusto mong bumili ng dangling earrings, siguraduhin mong komportable ito para sa anak mo dahil medyo mabigat ang ganitong hikaw sa tainga.

5. Birthday party

Madalas ka bang dumalo sa birthday parties na may maraming bata? Magsuot lamang ng simpleng jewelry gaya ng gold stud earrings at iba pang maliliit at maninipis na alahas. Madaling sumabit at hilahin ng mga bata ang mga malalaking hikaw na may hoops. Para hindi sumakit ang tainga o leeg mo, simple at konting jewelry lang ang isuot.

Para sa mga suki na mahilig sa jewelry, hindi kailangang mahal ang alahas na bibilhin mo. Sa Bili-Sangla ng Palawan Pawnshop ka bibili ng pawned jewelry, malaki ang matitipid mo. Ang savings mo, pwede mong pandagdag sa ibang importanteng gastos. Punta na sa pinakamalapit na Palawan branch para makabili ng mura pero tunay na gold jewelry.