How to Start Saving: Simple and Practical Steps

Blog

published: June 15, 2026 | modified: 2026-06-15

How to start saving sa panahon ng mataas na presyo ng mga bilihin? Don’t worry. Hindi lang ikaw ang nahihirapan, Suki. 

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mahirap mag-ipon sa panahon na ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o rising costs. Halimbawa, ang presyo ng pagkain, kuryente, pamasahe, at iba pang pangunahing pangangailangan ay patuloy na tumataas, kaya mas malaki ang kailangang gastusin araw-araw. Sa ganitong sitwasyon, mahirap makapagtabi ng pera dahil halos nauubos na ang kita sa mga gastusin.

Dagdag pa rito ang mga responsibilidad sa pamilya na kailangang unahin. Kabilang dito ang school fees at allowance ng mga bata, utility bills, gamot kapag may sakit, at iba pang gastusin na hindi pwedeng ipagpaliban. Dahil dito, marami ang nauubusan ng pera bago dumating ang sahod.

Mahalagang alisin ang mindset na ang hindi pag-iipon ay dahil sa kakulangan ng disiplina o bad luck. Hindi ito simpleng problema ng personal na pagkukulang kundi isang realidad na nararanasan ng maraming Pilipino. 

Ayon sa isang survey, halos 80% ng mga Pilipino ang walang sapat na ipon para sa emergency fund. Ibig sabihin, hindi ka nag-iisa sa hamon na ito. Ang mahalaga ay ang tamang mindset at tamang sistema para makapagsimula kahit sa maliit na paraan.

The Truth: Hindi Kailangan Malaki Para Mag-Simula

Isa sa mga maling paniniwala ng marami ay kailangan ng malaking kita para makapagsimula ng pag-iipon. Maraming tao ang naiinip o nawawalan ng gana dahil iniisip nila na hindi sapat ang maliit nilang naitatabi. Ngunit ang totoo, mas mahalaga ang consistency over amount.

Ang pag-iipon ay hindi kailangang magsimula sa malaking halaga. You can start small. Ang maliit na halagang naitatabi mo nang regular ay mas makakatulong sa pagbuo ng iyong ipon sa paglipas ng panahon. Dito pumapasok ang konsepto ng micro-saving—ang pag-iipon ng maliliit na halaga na hindi nakakaapekto nang malaki sa iyong pang-araw-araw na budget.

Halimbawa, kung magtabi ka ng ₱200 o higit pa bawat linggo, maaaring maliit ito sa simula, pero kapag ginawa mo ito nang tuloy-tuloy, lalaki rin ang iyong ipon. Ang ganitong paraan ng pag-iipon ay praktikal para sa mga Pilipinong may limitadong kita o hindi regular ang sweldo. Hindi mo kailangang maghintay ng malaking pera para magsimula; ang mahalaga ay ang habit ng pag-iipon.

What Makes PalaSave Different?

Isa sa mga pinaka-innovative na solusyon para sa mga gustong magsimula ng pag-iipon ay ang PalaSave, isang digital savings account na accessible sa pamamagitan ng PalawanPay app. Ano ang kakaiba dito?

Una, wala itong maintaining balance o minimum na kailangang iwan sa account para hindi ma-penalize. Nag-aalok din ito ng 4% annual interest—mas mataas kumpara sa karamihang tradisyonal na bangko—para sa balanse na hanggang ₱50,000. Ibig sabihin, habang lumalaki ang iyong ipon, lumalaki rin ito nang basta naiwan sa account. Ito ay malaking tulong lalo na sa mga nagsisimula pa lang mag-ipon o sa mga may hindi regular na kita.

Madali rin itong buksan dahil hindi mo na kailangang pumunta sa bangko o pumirma ng mahahabang dokumento. Lahat ay digital na, kaya swak ito sa mga daily wage earners at mga digital natives na mas gusto ang convenience ng online transactions. Sa halip na maglaan ng oras para pumila sa bangko, pwede mo nang gawin ang lahat sa iyong smartphone.

Pinapagana ito ng DiskarTech ng RCBC, isa sa mga pinaka-trusted na bangko sa Pilipinas, kaya siguradong ligtas ang pera mo. Ang DiskarTech ay kilala sa kanilang user-friendly at secure na digital banking services, kaya makakasiguro kang maayos ang paghawak sa iyong ipon.

Ang PalaSave ay dinisenyo ayon sa realities na minsan hindi consistent ang kita o fluctuating ang cash flow. It also considers the fact na minsan may mga biglaang gastusin, at hindi makakapaglaan ng para sa savings. Ito ay isang tunay na solusyon para sa mga Pilipinong gustong magkaroon ng financial security kahit sa maliit na paraan.

Paano Mag-Simula Kahit Maliit Lang

Saving doesn’t need to be stressful. HIndi mo kailangang maghintay ng malaking kita bago ito masimulan. Here are tips kung paano makapag-ipon ngayon.

Step 1: Set a Realistic Starting Amount

Hindi kailangang maglagay agad ng malaking halaga. Pwede kang magsimula sa halagang ₱200. Ang mahalaga ay ang mindset na kaya mong magtabi kahit maliit. Sa ganitong paraan, hindi ka mabibigatan sa gastusin at mas madali mong maitatag ang habit ng pag-iipon.

Ang pagsisimula sa maliit na halaga ay nagbibigay din ng psychological boost dahil hindi ka agad mapapagod o mawawalan ng gana. Kapag nakita mong kaya mong mag-ipon kahit maliit, mas malaki ang tsansa na magpatuloy ka.

Step 2: Tie Saving to Behavior (Not Schedule)

Imbes na mag-set ng rigid na schedule tulad ng pag-iipon lang tuwing payday, mas mainam na i-tie ang pag-iipon sa mga behavior o activities mo. Halimbawa, kapag nakatipid ka sa pamasahe o hindi ka bumili ng kape sa labas, ilaan mo ang natipid na pera sa iyong savings. Ang habit-based saving ay mas sustainable kaysa sa calendar-based dahil mas natural itong bahagi ng iyong araw-araw na buhay.

Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangang mag-isip pa ng schedule o mag-pressure sa sarili. Ang pag-iipon ay nagiging bahagi ng iyong routine, kaya mas madali itong mapanatili.

Step 3: Use Digital Tools

Gamitin ang mga digital tools tulad ng PalawanPay app para mas mapadali ang pag-iipon. Sa pamamagitan ng integration ng PalaSave sa PalawanPay, pwede kang mag-transfer ng pera sa iyong savings account anytime, kahit saan ka man naroroon. Hindi mo na kailangang pumila o magdala ng maraming dokumento.

Bukod dito, ang paggamit ng digital savings account ay nagbibigay ng transparency sa iyong ipon. Makikita mo agad ang balanse at mga transactions mo, kaya mas madali mong ma-monitor ang progreso mo.

Maliit na ipon na dumadagdag o dumodoble pa!

Hindi kailangang perpekto ang pag-iipon mo, ang mahalaga ay tuloy-tuloy ito. Ang bawat maliit na tagumpay ay nagbibigay ng emotional reinforcement na kaya mong mag-ipon, kaya huwag mawalan ng pag-asa.

Kapag naramdaman mong lumalaki ang iyong ipon, mas nagiging motivated ka para magpatuloy. Ang maliit na tagumpay ay nagsisilbing pundasyon para sa mas malalaking financial goals sa hinaharap.

Sa panahon ngayon, ang pag-iipon ay hindi na kailangang maging komplikado o mahirap. Sa tulong ng mga modernong solusyon tulad ng PalaSave, mas nagiging posible ang financial security para sa lahat, kahit paunti-unti lang ang naitatabi. Kaya ano pang hinihintay mo? 

Suki, simulan mo na ang iyong pag-iipon gamit ang mga digital tools na swak sa iyong lifestyle.

Share: