Paskong Pinoy Tips Para Sa Early Bird Noche Buena Preparations

Blog

March 19, 2021

paskong-pinoy

gor-davtyanPhoto courtesy of Gor Davtyan via Unsplash

Ang mga Pilipino, mahilig talaga ‘yan sa handaan, or more specifically, sa salu-salo. Mas importante sa mga Pinoy ang magkakasamang kaanak at kaibigan kaysa ang punong hapagkainan. Mas nakakabusog ang mga chika at tawanan kaysa sa handaan.

At ano pa ba ang pinakabonggang salu-salo ng taon kundi ang pinaka-iintay na Noche Buena? Kaya naman suki, andito kami para tulungan kang paghandaan ang papalapit na Pasko at gawing d’best ang ‘yong Noche Buena.

Dalawang buwan na lang ang natitira para sa mga preparasyon sa Pasko. Medyo malayo pa naman, pero wala namang mawawala sa pagiging early bird. Sobrang hassle pa naman ng mga Christmas preparations, especially ang Noche Buena. Kaya tara, suki, tingnan natin ano ba ang magpapabongga pa ng Noche Buena plans mo habang iniiwasan ang stress nito.

1. Ihanda ang Noche Buena Budget

silver-and-gold-coinsPhoto by Pixabay via Pexels

Syempre hindi tayo puwedeng pikit matang gumastos porket gusto natin ng pangmalakasang Noche Buena. Dabest pa rin ang pagiging wais, suki! Hindi lang naman pagkain ang kailangan sa Pasko, diba?

Kailangan ang Noche Buena budget para matansya kung magkano ang kakailanganin para sa dami ng taong inaasahang darating. Kailangan din ito para maiwasan ang paggastos nang marami kung puwede naman makatipid, lalo na kung ang balak ninyong gastusin ay ang inyong 13th month pay. Dapat hindi basta-basta ang paggastos dito, dahil once lang naman in a year magkakaroon ng sobrang income na ganoon, kaya dapat planado ang lahat, Suki.

Dapat ding makilahok sa budget planning ang mga kaanak na dadalo, at kung family reunion ang gaganapin, kailangan ng isang malaking meeting para dito. Hindi naman lahat tayo may next level na relative na willing maglabas ng kaban ng pera para bayaran lahat, ‘diba?

Madalas ngang point person sa mga gantong okasyon ay ang mga OFW sa ibang bansa. Makakatulong ang Palawan Express Pera Padala rito, dahil mayroon itong international remittance partners sa maraming bansa, at maraming branches dito sa Pinas. Mababa ang minimum remittance rate, at mabilis ang pagpapadala; parang ang kaanak mismo ang nagbigay.

I-familiarize ang sarili sa proseso ng pagpapadala through Palawan Pawnshop Express Padala gamit ang napakarami nating articles at resources sa website.

2. Gumawa ng Noche Buena Plan

plush-design-studioPhoto by Plush Design Studio on Unsplash

Kasama sa paghahanda para sa salu-salo ay ang paghahanda ng menu. Kung may tradisyon ang pamilya ninyo ng mga pagkain na laging asa mesa kapag Pasko, madali na lang ‘to. Pero exciting din gumawa ng bagong menu, at puwedeng makatulong ang buong pamilya. 

christmas-decorationPhoto courtesy of picjumbo.com via Pexels

Mayroon din kaming iilang suggestions para sa inyong handaan:

1. Quezo de Bola

Sino bang makakahindi sa pagkain na ‘to? Kadalasang pinipilahan at pinag-aagawan sa mga bilihan, minsan tinatawag ding Star ng Pasko ang Quezo de Bola. You can never go wrong with this classic.

2. Hamon

At ang best partner ng Quezo de Bola sa salu-salo, ang hamon. Puwedeng bumili sa grocery ng nakahanda na, o kung may kaya sa pamilya, bumili na lang ng karne sa palengke at sariling timpla na ang ilapat.

3. Fruit salad

Isa sa pinaka-favorite na dessert tuwing salo-salo, mapapatamis din ng fruit salad ang handaan Noche Buena n’yo. 

Ang maganda pa dito, hindi kailangan nang mataas na level sa pagluluto para mabuo ‘to. Puwedeng pagtulungan ng mga chikiting ang paggawa ng fruit salad. Pero bantayan n’yo, ha! Baka mangalahati ang rekado sa kakapapak nila.

4.  Lechon

Isa ring Noche Buena favorite ang lechon— ‘yong crispy balat at juicy laman ang ultimate putok-batok experience. Kahit ang mga tito at titang may high blood ay kinasasabikan nito. Maraming puwedeng pagkuhanan ng lechon sa Pinas, kahit sa Maynila.

5.  Family dish

Hindi dapat mawala sa handaan ang tradisyunal na putahe ng angkan. Ito ‘yong ilang taon nang pride and joy ng kanya-kanyang pamilya, kung saan ang recipe ay ipinamana na sa maraming henerasyon ng mga kaanak. 

Maganda ‘tong ideya kung ang pinaplano n’yo ay isang malakihang family reunion. Puwede n’yo pang gawing mini-competition, na may kanya-kanyang luto ang mga pamilya ng putahe na may sari-sariling twist. 

3. Ihanda ang venue

table-in-vintage-restaurantPhoto courtesy of Kaboompics. Com via Pexels

Speaking of family reunion, kung ‘yon ang bet n’yo this Christmas, dapat ngayon pa lang okay na ang venue. Hindi madali magpareserve ng venue tuwing Pasko kaya magadang malayo-layo pa ay ready na ang lahat.

Kung ang balak n’yong pagdausan ay events place, kailangan ngayon pa lang mayroon na kayong tinatanaw. Syempre kailangan din i-consider ang mga kaanak na sa malayo pa nakatira; ‘yong travel time at accommodations ay importante rin. Mahalaga ring mapag-usapan na ngayon pa lang ang hatian sa budget baka kasi magkalimutan matapos ang party.

Kasama rin sa paghahanda ng venue ang paghahanda ng catering, kung hindi kaya ng potluck ang dami ng pupunta. Puwede pa rin naman magdala ng pagkain, pero mainam na ring mayroon kayong nakahandang menu sakaling hindi magkasya ang dala-dala ng mga kaanak. Mabuti nang sobra, kaysa kulang— sa sobra may mababaon pa pauwi!

4. I-schedule nang maaga ang Noche Buena shopping

fikri-rasyidPhoto by Fikri Rasyid on Unsplash

Para hindi magwarla sa dami ng tao sa grocery o palengke, mainam kung maaga gawin ang Noche Buena shopping. May mga rekado namang matagal ang shelf life, kaya nasa strategy na lang ng pamilya kung paano isusunod-sunod ang pagbili ng mga ingredients.

Isa pang tip, suki. Mas tumataas ang presyo ng mga rekado habang papalapit ang Pasko, kaya mas maganda ngang early bird ‘pag ikaw ang designated Christmas shopper at naatasang mag-tipid sa pamimili.

Kung hindi kayanin na maaga makabili ng mga rekado, siguro mainam na iwasan ang peak hours ng mga bilihan, o kaya nama’y mag-call a family member na para tulungan kayong mamili— divide and conquer ika nga. Mas maraming nakatoka sa pamimili, mas magaan— hindi lang ang mga paper bag pero pati ang stress.

5. Maging praktikal sa pamimili

young-woman-thinking-with-penPhoto by Kaboompics .com from Pexels

Sa usapin ng pamimili, magandang tandaan na hindi importante ang brand ng mga ingredient na bibilhin, lalo na kung mahal ang mga ito. Kung mayroon namang cheaper alternatives para sa Noche Buena, bakit hindi? More money ang matitira para sa ibang pang kailangang pagkagastusan ngayong Pasko, gaya ng mga regalo at dekorasyon. Kaya kailangang laging mayroong tiyak na budget na susundin para makatipid at makapag-ipon ng pera para sa iba pang mahahalagang bagay.

Isang paraan para sure na makatipid, imbis na mag-order ng luto nang mga putahe, puwedeng rekado na lang ang bilhin, at magluto na lang sa bahay. Mas matipid ito at avenue pa para sa family bonding. 

Ang pamilya naman talaga ang sentro ng Pasko, kasama ang pagdiriwang ng birthday ni Papa Jesus. Hindi kailangan ng mamahaling putahe, o kahit regalo. Ang importante sa Noche Buena ay ang pagsasalu-salo, hindi naman talaga ang handa. 

Mukhang handa ka na at ang pamilya mo para sa early bird planning para sa Noche Buena, suki! Mas mainam nang ganto pa kaaga ay handa na ang mga bagay, kaysa hindi kayo magkamayaw sa mga araw bago ang Pasko. Kaya good luck, suki! Happy planning!

Share: