Christmas Budget Challenge: 12 Tips Para Makatipid Sa Pasko

Suki, paano ba ‘yan—mahigit-kumulang dalawang buwan na lang ay Pasko na. Panahon na naman ng pikit-matang paggastos! Pero suki, don’t worry. ‘Di mo naman kailangan pahirapan ulit ang wallet mo tulad noong nakaraang mga taon. 

Kami ang bahala sa’yo, suki! May inihanda kaming 12 solid tips para tulungan kang mag-budget, mag-ipon, at magkapera this Christmas season! Oha, hindi lang basta-basta tipid tips para mapalusog ang Chrismas budget. Mayroon din kaming wais ways and means para kumita ng pera, mapa-freelance man o small business idea.

1. Alamin kung magkano ang nagastos mo last year

alamin-nagastos-last-yearPhoto by Breakingpic via Pexels

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, ay mauubusan ng pera sa kinabukasan. Sinabi ‘yan ng ating Pambansang Bayan— ay wait, hindi ba? Ah basta, ang point ay magandang tingnan muna kung paano ka gumastos dati, para malaman kung anong mga maling nagawa, at ano ang maaaring ma-improve sa pag-budget ng pera this year.

Kung naaalala mo pa, kahit sa pinakamalapit lang na presyo ng mga nagastos mo sa pagkain, regalo, at mga event na pinuntahan mo. Ilista ito sa isang papel, at itabi sa listahan ng perang tinatansyang mailalaan mo this year sa holidays.

2. Maglaan ng tamang budget

Hindi lang naman sa Pasko umiikot ang buhay natin ‘diba, mga suki? Napakarami pa nating kailangan bayaran at pagkagastusan labas pa sa holiday. Kaya naman mainam na mula sa kinikita natin, maglaan lang tayo ng parte para sa Christmas budget. Huwag natin ibuhos lahat para sa mga regalo o handa.

Unahin ang paglalaan ng pera para sa mga gastusin sa bahay at pagtatabi para sa mga emergency bago simulang maghiwalay ng pera para sa Pasko. Kailangan mo rin isiping mabuti kung paano mo iba-budget ang iyong 13th month pay. Tukso ‘yang bonus na ‘yan kaya kailangan mong pag-isipan nang mabuti kung gusto mong wais ang paggastos mo.

3. Mag-ipon na nang maaga

magipon-ng-maagaPhoto by maitree rimthong via Pexels

Isa ring sure way para makatipid at makapag-ipon for Christmas ay ang pagsisimula nang maaga. Hindi naman malayo ang mararating ng alkansya mo suki kung magsisimula ka sa December na! Magandang October pa lang (o di kaya’y July pa lang!), ay nagsisimula ka nang maging maagap sa mga gastusin mo. Magtabi na mula sa sahod, at itago ito sa lugar na hindi mo maabot ‘pag nangangati na ang kamay mong bumili nang kung anu-ano.

4. I-record ang iyong mga paggastos

Suki, mainam din na inire-record mo ang mga ginagastos mo. Para makita mo rin kung saan ka pinakagumagastos, at kung paano ‘yon kokontrolin kung sumosobra. 

Paraan din ‘to para ‘di ka mawindang kapag biglang wala ka nang pera. Makikita mo kung saan at kailan mo ginastos, at hindi ka na magtataka kung saan napupunta ang pera mo. Ngayong nalatag na natin ‘yong mga basic pagba-budget tips, puwede naman natin ngayong pag-usapan ang pagbabawas ng paggastos. 

5. Baguhin ang iyong lifestyle

baguhin-ang-lifestylePhoto by Josh Appel via Unsplash

Mahilig ka ba lumabas at kumain sa mamahalin? Paborito mo ba ang mga branded na damit? Kung gusto mong makapag-ipon at makapagtipid, kakailanganin mong baguhin ang lifestyle mo, suki! 

Hindi naman importante ang brand, ang importante ay matibay at magagamit nang matagal. Hindi rin naman kailangang lumabas nang madalas o magastos; puwede pa rin naman mag-bonding ang mga magkakaibigan at kaanak sa bahay o sa mumurahing tambayan. 

Kahit naman ang mga Christmas date ay pwede maging budget-friendly ngayong Pasko. Sa huli’t huli, ang importante naman ay magkasama kayo, ‘diba?

6. Baon muna sa opisina

baon-muna-opisinaPhoto by Ella Olsson via Pexels

Isa pang low budget Christmas idea ay ang pagbabaon na lang muna sa opisina. Hindi naman kailangan makipagsabayan sa mga ka-office mo at maglabas ng pera para sa fastfood. Puwede namang magluto na lang sa bahay at baunin, tipid pa at sure na masarap! 

Kung gumagastos ka ng 100 kada araw para sa pagkain lang sa opis, may 500 ka na agad sa isang linggo. Libo na ‘yang dagdag sa Christmas budget kung magsisimula ka na ngayon! Maganda rin ‘tong tip para sa mga chikiting na nagbabaon ng pera sa school. Imbis na puro pera lang, pagbaunin sila ng pagkain mula sa bahay, at tulungan silang makapagtipid.

7. Bumili lang kapag kailangan

Kapag sinabing kailangan, ‘yong totoong kailangan, ha? Hindi porket sinabi mong, ‘Kailangan ko ‘yong hikaw na ‘yon!” ay kailangan mo na, suki. 

Kung nag-iipon ka para sa Pasko, dapat ngayon pa lang binabantayan mo na ang mga binibili mo. Kailangan ba ‘yan sa bahay? Makakatulong ba ‘yan sa trabaho? Kasama ba ‘yan sa requirement ng mga bata sa eskwela? Kung hindi, baka mas okay na i-skip na muna ang pag-Add to Cart. Malaki ang matitipid mo kung magpopokus ka lang sa pinaka-urgent na bibilhin

8. Bantayan ang mga sale at discount

bantayan-ang-mga-salePhoto by Artem Beliaikin via Unsplash

Kung sa usapin naman ng mga regalo, puwede ka ring makatipid kung magiging mapagmatyag ka sa mga sale at discount sa mga bilihan; sa mall man o sa online. Ngayong papalapit na ang pasko, dumadalas na ang mga sale sa bilihan kaya marami ka ring mapagpipilian para sa Christmas shopping on a budget.

9.Mag-DIY ng mga regalo at dekorasyon

diy-regalo-dekorasyonPhoto by Suzy Hazelwood via Pexels

Isa pang paraan para makapagtipid ay ang pagdi-DIY o pagre-recycle mga Christmas gift at dekorasyon. Kung mahilig ka sa arts and crafts o kahit gusto mo pa lang matuto, puwede mong gawin ‘to.

Marami nang mga tutorial sa Internet para matulungan ang ‘yong creative at matipid side ngayong Christmas season. Mas okay din sa environment ang pagre-recycle at DIY, kaysa bumili ng bago. Mas ma-appreciate din ng ‘yong mga bisita at pagbibigyan ng regalo na pinag-isipan at pinaghirapan mo ang iyong mga dekorasyon at regalo.

Ngayong nakapaglista na tayo ng ilang tips para makapagtipid, pag-usapan naman natin kung paano patatabain ‘yang wallet mo with extra income, suki!

10. Maghanap ng raket

maghanap-ng-raketPhoto by Pixabay via Pexels

Kung kaya pa ng katawang-lupa mo na maghanap ng extra work, bakit hindi! Puwede naman ‘yong mga homebased positions lang like freelance writer, encoder, o kaya Palawan Pawnshop agent. Iba rin ang matutulong ng extra na pera sa bahay, hindi lang sa Christmas budget.

Syempre kailangan mong siguraduhing hindi masyadong stressful ang kukunin mong raket. Hindi naman din makakatulong ang maraming pera kung pagod na pagod ka na’t hindi na nakakapagpahinga. Syempre tamang self-care din tayo dito, suki!

11.  Magbenta ng mga hindi na ginagamit na bagay

magbenta-hindi-ginagamit-na-bagayPhoto by Roman Kraft via Unsplash

Marami ba kayong gamit na nakatambak na lang sa bahay, hindi na pinapansin ng buong pamilya? Baka puwede na silang bigyan ng bagong buhay sa pamamagitan ng garage sale! Magkakapera ka na, bawas abubot pa sa bahay.

Pero dapat sigurado kayong kaya niyo mawalay sa mga bagay na ‘yan ha. Hindi puwede ‘yong nakadisplay na sa labas at may bibili na saka niyo ma-appreciate ang worth nito. 

12. Magsangla muna ng alahas

magsangla-muna-ng-alahasPhoto by PhotoMIX Ltd. via Pexels

Kung hindi mo pa kayang forever mahiwalay sa ilang importanteng bagay pero kailangan mo ng pandagdag sa Christmas budget mo, puwede mo ring subukang magsangla ng iyong gold items. Hindi mo kailangang mag-alala dahil mayroon namang mga package o arrangement sa pagtubos sa mga sanglaan tulad ng Palawan Pawnshop

Ayan, suki. Siguro naman may idea ka na kung paano makapag-build ng solid na Christmas budget para sa taong ‘to. Just remember, tungkol sa pagmamahalan at pagbibigayan ang Pasko, pero hindi naman dapat mahal ang ibibigay. Maligayang pag-iipon, suki!