Sulit na Sangla with Palawan Pawnshop Customers’ Choice Packages


Photo courtesy of Palawan Pawnshop via GIPHY

Lahat na lang, nagmamahal—bigas, pagkain, gasolina, gamot, tuition, pamasahe, at marami pang iba. Nakaka-stress mag-budget ng mga gastusin dahil tumataas ang presyo ng mga bilihin at bayarin, ‘di ba?

Mabuti pa ang interest rates ng sangla sa Palawan Pawnshop, hindi nagmamahal! At ‘yung akala mong mababang interest ng Palawan, may ibababa pa pala? Confirmed yan, mga suki! Parang ispageting pababa, pababa nang pababa. Aw!

Mas flexible na ngayon ang pagsasangla through the Customers’ Choice Packages ng Palawan. May apat na interest packages kang pagpipilian, at sure na isa sa mga ito ay swak sa iyong pangangailangan:

  1. 1. Negosyante Package (1% for 1-11 days; 2% for 12-22 days; 3% for 23-33 days)
  2. 2. No Advance Interest Package (3.5% monthly interest)
  3. 3. Sulit Advance Interest Package (2.5% monthly interest; 1 month advance interest)
  4. 4. Interest Tipid Package (2% monthly interest; 2 months advance interest)

Alin sa sangla packages na ito ang da best para sa ‘yo? Tutulungan ka naming pumili ng pinakasulit na package para wagi ka lagi tuwing nagsasangla. Pero bago ‘yan, isang mabilis na paalala lang: gold jewelry lamang po ang accepted items for pawning sa lahat ng branches ng Palawan Pawnshop.

Para sa sulit na sangla sa Palawan, narito ang guide sa pagpili ng pak na pak na interest package mula sa apat na Customers’ Choice Packages.

1. Need mo ng quick cash para sa iyong negosyo? Negosyante Package ang bagay sa ‘yo!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala

Kung meron kang maliit na negosyo (tulad ng sari-sari store, online store, stall sa palengke o sidewalk, etc.), hindi ka dapat nasho-short sa cash kahit ang dami mong binabayaran. Pero madalas, kinakapos ka para sa puhunan, pambayad sa suppliers, pang-sweldo sa mga tao mo, at kahit ‘yung bill sa kuryente at tubig. Kapag hindi mo mabayaran agad ang mga ‘yan, tiyak na mababawasan ang kita mo. 

Kaya kung short ka sa pera para sa business mo at kailangan mo na ito agad as in now na, huwag na huwag kang kakapit sa mga Bumbay na naka-motor (hindi literal ha, delikado rin ‘yun!). Malulugi ka lang sa pangungutang sa 5-6 dahil sa napakataas na 20% interest nito.

Pero kung sa Palawan Pawnshop ka magsasangla para makakuha agad ng short-term loan, ikaw ang winner. Alam mo kung bakit? Sa Negosyante Package ng Palawan, 1% lang ang babayaran mong interest kapag tinubos mo ang sangla mo within 11 days. Sa loob naman ng 12-22 days, matutubos mo ang sangla mo at 2% interest rate. At kung umabot sa 23-33 days bago mo matubos ang sangla mo, 3% lang ang interest. 

Perfect ang sangla package na ito para sa small business owners. Kung may extrang kita ka na pangtubos sa sangla mo sa loob lamang ng ilang araw o linggo, mae-enjoy mo ang lowest pawning interest rate in the Philippines ng Palawan Pawnshop. 

Hindi ka rin mag-aalala na baka hindi mo na mabawi ang alahas na isinangla mo dahil kering-keri mong bayaran ang napakababang interest.

May 1% advance interest ang Negosyante Package, kaya kapag tinubos mo ang iyong sangla within 11 days, wala ka nang babayarang additional interest.

2. Gusto mong makuha ang halaga ng iyong sangla nang buo? No Advance Interest Package ang magiging bet mo!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala

Walang advance interest ba ang hanap mo? Meron ang Palawan niyan! Kapag pinili mo ang No Advance Interest Package, buo mong makukuha ang halaga ng iyong sangla. Sa loob ng isang buwan, 3.5% ang babayarang interest na mura pa rin kumpara sa ibang pawnshops sa Pinas. 

Swak ang sangla package na ito sa ‘yo kung may exact amount kang kailangan para sa mga gastusin tulad ng tuition, utility bills, at gamot, at kumpiyansa kang kaya mong tubusin ang iyong sangla matapos ang isang buwan.

3. Para sa no-worry na tubos, Sulit Advance Interest Package ang piliin mo, boss!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala

Magaan sa bulsa ang Sulit Advance Interest Package dahil 2.5% monthly interest lang ang babayaran mo. At dahil bayad na agad ang 1 month advance interest pagkasangla mo ng iyong alahas, wala ka nang aalalahanin pang interest na babayaran kapag tinubos mo ito sa loob ng isang buwan. 

Kaya swak ang sangla package na ito sa mga empleyadong tumatanggap ng sweldo tuwing kinsenas at katapusan. Pagkatanggap ng sahod, tubusin na agad ang iyong sangla sa Palawan Pawnshop para hindi ka lumampas ng isang buwan!

4. Kung hindi mo matutubos agad ang iyong sangla, ang Interest Tipid Package ang bahala

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala

Best choice ang Interest Tipid Package para sa mga suking may malalaking sangla dahil 2% lang ang monthly interest. Pagkasangla mo ng iyong gold jewelry, babawasan na ang halaga ng 2 months advance interest. Kaya ito ang bagay sa ‘yo kung hindi mo matutubos agad ang iyong sangla. Sulit na sulit ito dahil hindi mo na kailangang magbayad ng interest pagkatapos ng dalawang buwan. 

Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Nakapili ka na ba ng interest package para sa iyong next na sangla? Gamitin mo ang online calculator sa website ng Palawan Pawnshop para ma-compute mo in advance kung magkano ang tubos sa iyong sangla at ang halaga ng matitipid mo base sa pinili mong package.

Narito ang steps sa paggamit ng online calculator:

  1. 1. Pumili ng sangla package.
  2. 2. Ilagay ang halaga ng sangla.
  3. 3. Piliin sa kalendaryo ang petsa kung kailan ka magsasangla at petsa kung kailan mo balak magtubos.
  4. 4. Kung may Suki card ka, i-click mo ang bilog sa tabi ng “Suki Card Holder.”
  5. 5. Lalabas sa bandang ibaba ang halagang babayaran mo kapag magtutubos ka. Kung magre-renew ka ng sangla mo, makikita mo rin dito ang halaga nito.

Dito ka na sa pawnshop kung saan hindi ka malulugi sa sobrang baba ng interest rates! Pumunta lamang sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala branch at dalhin ang gintong alahas na iyong isasangla at isang valid ID.

Alam mo bang mas makakatipid ka pa sa iyong mga sangla? Pwedeng gamitin ang Suki card discounts sa lahat ng interest packages kaya huwag kalimutang dalhin ang iyong Suki card tuwing nagsasangla. Kung wala ka pa nito, apply ka na sa pinakamalapit na Palawan branch for only Php 50!