6 Financial Benefits ng Pera Padala to Bank Account

Blog

February 21, 2022

6-Financial-Benefits-ng-Pera-Padala-to-Bank-Account-1

May kasabihan na kapag kumati ang palad ay magkakapera daw ang tao, Suki. Pero ang totoo, mas madalas dumulas ang pera mula sa kamay ng di mo namamalayan. Yung tipong akala mo may natitira ka pang pera pero hindi mo namamalayan na naubos na pala dahil sa mga microtransactions na kumakaltas sa savings mo gaya na lang ng simpleng bank transfer.

This 2022, mag glow up ka na rin Suki sa’yong saving techniques by trying out Palawan Pawnshop’s Padala to Bank Account.

Get as low as ₱ 2.00 sa Pera Padala ng Palawan Pawnshop, di tulad ng ibang bank transfer na kumakaltas ng minimum na ₱ 15.00 sa bawat transaction mo. Imagine, Suki, kung dalawang transactions ang kailangan mong gawin, ₱ 30.00 ang nawawala sayo. Pang load na iyon para tawagan ang Bebe loves mo, o kaya pamasahe papuntang trabaho!

Sa paanong paraan pa ba nakatutulong ang Pera Padala to Bank transfer sa iyong journey sa pagtitipid this 2022? Basahin at alamin sa ibaba kung paano:

6 Paaraan Kung Paano Nakatutulong ang Padala to Bank Account Sa Iyong Money Management

Maraming advantages ang mga nakukuha ng mga Suki ng Pera Padala sa paglilipat nila ng pera sa kanilang bangko. Ilan dito ang mga sumusunod:

1. Nagkakaroon ka ng sub-account para sa iba’t iba mong transaction

Nagkakaroon ka ng sub-account para sa iba't iba mong transactionPhoto courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Sa tulong ng Pera Padala ng Palawan Express, nagiging malinaw sa’yo ang flow ng pera mo. Ibig sabihin, alam mo kung paano at kailan lumalabas ang iyong pera tuwing magpapadala ka sa’yong kakilala.

Dahil may sarili kang account sa Palawan Express na kaiba sa iyong personal savings bank, naililipat mo lamang ang pera na kinakailangan mong ipadala. Mas napipigilan mo ang sarili mo na magdagdag ng extra tuwing ikaw ay magpapadala. Maiiwasan mo yung mga moments na sasabihin mong maglalabas ka ng extra for your personal benefit. At higit pa dito, nakikita mo agad kung magkano ang nababawas sa iyo.

Pero hindi pa natatapos diyan Suki, dahil na nga may sarili kang account sa Palawan Pawnshop sa tulong ng Suki Card, nakukuha mo rin ang benefits mula dito gaya ng pagkakaroon ng discount sa bawat transaction sa kanila.

Malaking tulong ang mga munting discounts na ito dahil in the long-run, nagiging malaki ang iyong natitipid.

2. Napipilitan kang pag-isipan ang bawat transaction mo

Napipilitan kang pag-isipan ang bawat transaction moPhoto courtesy of JeSHOOTS-com via Pixabay

Gaya ng nabanggit sa unang bahagi, napakabilis lamang dumulas ng pera sa mga kamay ng tao. Hindi nila namamalayan na ang paunti-unting dinadagdag nila tuwing magpapadala ng pera para sa pamilya o kaya pambayad utang ay nagiging malaki kung pagsasamasamahin.

Kung sa Pera Padala ka ng Palawan Pawnshop nagpapadala ng pera sa bangko, mapipilitan ka talagang tingnan nang mas maayos ang bawat transaction mo. Ibig sabihin hindi ka nagpapadala sa bugso ng iyong emosyon lalo na’t kung bank application lamang ang gamit mo, kaunting pindot lang ay naipapadala agad nang may bawas ang iyong transactions.

Sa Pera Padala ng Palawan, may mga kaunti subalit madadaling hakbang ka pa na pagdadaanan bago mo matupad ang isang Pera Padala transaction. Yes, Suki, mukha itong hassle para sa’yo pero sapat na window period na ito para mapag-isipan mo talaga kung magkano ba ang iyong ililipat at ipapadala na pera sa bangko.

3. Mas nagiging malinaw sa’yo ang short-term at long term goals mo

Mas nagiging malinaw sayo ang short-term at long term goals moPhoto courtesy of Natalia Vaitkevich via Pexels

Ang pagtitipid ay simpleng usapin lang ng money management. At napakahalaga ng pag-set ng goals sa money management dahil ito ang magiging guiding principle mo sa pagtitipid.

Ang mga goals na ito ay binubuo ng short-term at long term goals. Sa tulong ng Pera Padala ng Palawan Express, nagkakaroon ka ng malinaw na pananaw sa dalawang bagay na ito.

Halimbawa, bahagi ng short term goals mo ang magbawas ng kaunting luho at magtipid ng pamasahe. Kung pipiliin mo ang Pera Padala ng Palawan Pawnshop, hindi mo na kailangan mamasahe pa papunta sa bangko dahil halos bawat sulok ng Pilipinas ay mayroong Palawan Pawnshop branch. Kaya nga Palawan ang pinipili ng mga nagpapadala ng pera abroad dahil hindi na ito hassle para sa mga tatanggap ng pera dito sa Pilipinas.

Masasabi rin na bahagi ng long-term goal ang pagpili at pagpunta sa Palawan Pawnshop branch sa halip na bangko dahil walang mahaba na pila dito at kadalasang open spaces ang mga branch na ito. Ibig sabihin, hindi mo na kailangan maghintay nang matagal sa loob ng kulob na kwarto na super deliks ngayon Suki dahil sa bilis ng pagkalat ng mga variant ng coronavirus.

Kaya mag say bye, bye to bank lines na Suki para sa proteksiyon mo rin. Alam naman natin na health is wealth at ang pagkakaroon ng malakas na kalusugan in the long run ay napakahalagang salik para makapagtipid ka dahil hindi mo na kailangan bumili ng gamot, mag leave sa trabaho, at magpa-ospital.

Ang mga ganitong bagay na hindi mo namamalayan ang nakatutulong sa iyong money management goals sa malapit at malayong hinaharap.

4. Mas nagiging wais ka sa pangungutang at pagbabayad nito

Mas nagiging wais ka sa pangungutang at pagbabayad nitoPhoto courtesy of Precondo CA via Unsplash

Dahil nga mas namamalayan mo kung saan napupunta ang pera mo at paano mo ito ginagastos at nauubos tuwing nagcocompute ka para sa Pera Padala transaction mo, mas narerealize mo ngayon na hindi pala praktikal ang mangutang. Lalo na yung pinautang sa’yo ni Aling Marites na bukod sa may mataas na interes, ay may kasama pang chika sa kaniyang mga kaibigan tuwing umaga sa tindahan ni Aling Flor.

Bukod dito, nakatutulong rin ang pagbabayad gamit ang Pera Padala to Bank Transfer dahil sa mas mababang fee dito na hindi na dadagdag sa interes ng inutang mo. Napakabilis rin ng transaction kaya wala talagang masasabi si Aling Marites na delayed ka sa pagbabayad, Suki!

5. Hindi ka nag-aabala sa cash on-hand mo

Hindi ka nag-aabala sa cash on-hand moPhoto courtesy of Allef Vinicius via Unsplash

Mas na-tratrack down mo ang perang nilalabas at ginagastos mo tuwing ikaw ay gagamit ng Pera Padala sa Palawan Express kaya mas naiiwasan mo ang mga unnecessary na gastos na ‘di naman talaga kailangan.

Makatutulong Suki na kumuha ka ng isang notebook o personal ledger at gumawa ng plano kung paano mo gagastusin ang iyong pera. Magsimula muna sa anong gagastusin mo sa isang linggo hanggang sa makabuo ka ng isang buwan. Mula rito, pwede mo nang balikan ang bawat gastos mo at suriin kung aling mga transactions ang pwede mo nang iwasan.

6. Nababayaran mo agad ang iyong bills

Nababayaran mo agad ang iyong billsPhoto courtesy of Artem Beliaikin via Unsplash

Suki alam mo bang pwede ka magbayad ng bill sa Palawan Express? Oo, matapos ang Pera Padala transaction mo, pwede mo rin agad bayaran ang tubig at kuryente mo!

Mas wais di ba? Sa ganitong paraan, naihihiwalay na rin agad ang expenses mo sa isang buwan nang sa ganoon ay makakapagfocus ka sa matitira sa’yo. Sa ganitong paraan, mas nagkakaroon ka ng chance para i-manage ang pera mo, at hindi mo na rin pinababayaan ang bayarin hanggang sa maubusan ka na pala ng pera sa pagbabayad nito. Dahil nga, kung mauubusan ka ng pera, mapipilitan ka na naman mangutang.

Kaya this 2022, break the cycle! Maging alisto sa bawat transaction na iyong ginagawa dahil hindi mo namamalayan na may malalaki ka palang victories na nagagawa tuwing pinipili mo ang walang kuskos-balungos na serbisyong hatid ng Pera Padala ng Palawan Express!

Unang hakbang ito para makuha mo ang iba’t ibang mga benepisyo ng life skill na ito gaya na lamang ng pag-iwas sa stress at pagkakaroon ng financial stability.

Kung nais mo pang matuto ng #lifehacks sa pagtitipid at money management, huwag kalimutan na i-follow ang aming blog at mag-like sa Palawan Pawnshop Facebook Page.

Share: