Growing Your Gold Investment: A Guide to Buying Gold Jewelry

Blog

April 13, 2023

Growing-Your-Gold-Investment-A-Guide-to-Buying-Gold-Jewelry

Naghahanap ka ba ng magandang diskarte para pandagdag gastos lalo na ngayong mahal ang sibuyas.. Este ang mga bilihin? Bakit hindi mo subukan maginvest sa gold jewelry?

Maari mong isipin, “Bakit gold jewelry? Nakakain ba yan?” Technically, hindi. Pero ang pag-invest sa ganitong bagay ay isang pangmatagalan na investment, at magiging magandang tulong ito lalo na sa panahon ng kagipitan.

Contrary to popular belief, hindi mahal maginvest sa gold, lalo na kung alam mo kung saan ka bibili ng gold jewelry na for sale sa online o kahit saan man sa Pilipinas.

Kaya kung gusto mo simulan ang pag-invest sa gold jewelry— iPalawan mo na ‘yan!

Magkano nga ba ang gold jewelry sa Pilipinas?

Kung balak mong mag-invest sa brand new gold jewelry, ito ay may price range na mula Php 189 hanggang Php 76,500 kada isa. Price varies kung ilang karat ang mga jewelry na gusto mo. Kung masyadong mataas ang presyo, don’t worry dahil may Palawan Pawnshop Jewelry na siguardong swak sa budget.

Ang Palawan Pawnshop ay nagbebenta ng mga magaganda at TOTOONG gold jewelry sa kanilang bili-sangla service. Kaya kung gusto mong mag-invest sa gold jewelry pero tight ang budget mo, sagot na ng Palawan Pawnshop ang gold shopping guide mo.

Paano mo malalaman kung totoo o fake news ang gold mo?

Tulad ng mga relationships ngayon, napakadaling dayain nito. Pero may paraan para malaman kung totoo ba o hindi ang gold jewelry na bibilhin mo.

Normal lang na haluan ng ibang materyales tulad ng nickel, copper at silver ang ginto kapag gumagawa ng jewelry. Malambot ang gold kaya kailangan haluan ito ng ibang metal para ito ay mas lalong tumibay. May mga moments nga lang na lubos na mataas ng halo ng alloy kaysa sa gold kaya bumababa ang genuity ng mga alahas.

gold-and-silver-beaded-necklace-1Photo courtesy of King Kong via Unsplash

Para ma-gets mo lalo, ang 24 karat gold jewelry ay may 99.9% gold purity. Para mas malaman mo kung totoo ang gold mo, narito ang ilang mga tips.

1. Magnet test

Ang totoong ginto ay hindi dumidikit sa magnet. Kung mayroon kang heavy-duty magnet sa bahay, maari mong subukan ito. Make sure mo lang na walang ibang metal parts na didikit tulad ng clasp o chains.

2. Float Test

Dahil mabigat ang gold dahil sa density nito, ang tunay na gold jewelry ay lulubog agad sa ilalim ng baso o pitsel. Kung mabagal ang paglubog nito, malamang sa malamang ay fake ang jewelry na nakuha mo.

3. Color test

Kumikinang ba ng husto ang ginto? Not really. Kadalasan kapag sobrang kinang ang isang alahas, iyon pa ang fake. Ang pinakamakinang na gold jewelry ay 24-karat kaya madalas itong gayahin ng mga scammers. Kaya magingat at huwag basta basta mafall sa looks lang.

4. Streak Test

Matindi ang resistance ng gold kaya di dapat ito magasgasan kung makaskas sa magagaspang na lugar tulad ng ceramic tiles na hindi pa palitado.

Paano bumili ng gold jewelry sa Pilipinas?

three-gold-colored-studded-rings-1Photo courtesy of Cornelia Ng via Unsplash

Kung medyo lost in translation ka kung paano bumili ng gold jewelry, ito ang ilang paraan kung paano ka makakabili ng pinakamaganda at pinaka worth-it na alahas para sa iyong investments:

  1. Alamin kung ano ang kailangan mo. Bago ka lumabas para mag gold shopping, kailangan mo: kwintas ba, bracelet ba o hikaw? Ito ay para hindi ka na maoverwhelm sa paghahanap sa dami ng choices. Para lalong dumali ang pagpili, isipin mo narin kung saan mo gagamitin ang gold jewelry, maliban syempre sa investment.
  2. Wag mahiyang magtanong. Kung hindi ka sure kung binebenta ba ang nakita mong jewelry, don’t be shy! Tanungin mo na kung kasama ito sa sale o kung merong katulad ito na binebenta.
  3. Be choosy. Syempre dahil investment mo ito, kailangan mo maging choosy sa bibilhing gold jewelry. Siguraduhin na wala ka pang kapareho sa bahay at kung totoong ginto ito.
  4. Magtanong kung may discount. Have you found the one? Kung oo, oras na para tanungin kung magkano ito! Pero ‘wag mo muna sabihin ang budget mo, baka sakaling bigyan ka pa ng additional discount.

Sino ang trusted and reputable gold jewelry shops sa Pilipinas?

assorted-items-in-brown-wooden-shelfPhoto courtesy of Marius Cern via Unsplash

Maraming jewelry shops sa Pilipinas kaya dapat alam mo kung saan ka pupunta. Kung budget-friendly gold jewelry ang hanap mo, magandang balita: Dahil ang Palawan Pawnshop ang may gold jewelry items na for sale sa sulit na halaga!

  1. Sure kang real ang gold. Ang mga binebentang jewelry ng Palawan Pawnshop ay mula sa mga sinanlang jewelry na hindi na nabayaran nang may-ari. Tunay na gold lang ang naisasanla sa Palawan Pawnshop kaya wala ka dapat ipag-alala
  2. Tamang timbang at presyuhan ng gold jewerly. Kung sa Palawan Pawnshop ka bibili ng gold, siguradong you get your money’s worth. Mayroon silang certified appraisers para suriin ang estimated price ng mga alahas na binebenta nila.
  3. Malinis ang binebenta na gold jewelry. May COVID-19 parin Suki kaya dapat patuloy tayong magingat, lalo na sa binibili nating jewelry. Hindi mo kailangan magworry kapag sa Palawan Pawnshop ka bumili, tiyak na kumikinang sa linis ang ang mga alahas.
  4. Sulit na investment sa affordable price. Kung bibili ka ng gold jewelries para sa investment o magsimula ng business, mura lang ang magagastos mo sa Palawan Pawnshop, at the same time, sure na sure ka pang totoong ginto ang makukuha mo at a lower price.

Hindi madali mag-invest sa gold, totoo yan, lalo na kung hindi mo alam kung saan mo ito gagamitin at kung paano ka bibili nang totoong gold nang hindi umiiyak ang wallet mo. Kaya kung kami sa inyo, Suki, dito ka na sa Palawan Pawnshop. Maraming handang tumulong sayo para gumanda lalo buhay mo.

Ready ka na to invest? We’ll make it easier for you! Ang Palawan Pawnshop Jewelry ay mayroon nang Facebook page para mabilisang makita ang mga jewelry items for sale. Kaya punta ka na doon suki at mag “mine” ka na sa mga napupusuan mong alahas!

Share: