Palawan Pawnshop Jewelry Buying Tips And Guide For Beginners

Blog

June 14, 2021

guide-sa-palawan-pawnshop-jewelry

Marami sa atin ang nabibighani sa ganda ng mga gintong alahas. Ngunit hindi mo mapagkakaila na may kamahalan ang mga ito—lalo na pag brand new. Para ikaw ay makasiguro sa iyong binibili na gintong alahas subukan mo ang Palawan Pawnshop Jewelry. Ngayon, pwede ka na mag-gold shopping sa Palawan Pawnshop at tumingin ng mga rematadong genuine gold items sa mababang halaga!

‘Di lang yan, bilang parte ng Bili Sangla o Lay-away service ng Palawan Pawnshop, mapapasaiyo pa rin ang gusto mong items sa pamamagitan ng pagbabayad muna ng down payment sa items at isangla muna ito sa iyong pangalan. At pwede mo na itong tubusin kung ikaw ay mayroon sapat nang cash.

Ano ang Palawan Pawnshop Jewelry?

silver-and-gold-rings-1Photo courtesy PhotoMIX Company via Pexels

Ang Palawan Pawnshop Jewelry ay bagong serbisyo namin bilang pawnshop kung saan ang mga rematadong ginto ay binebenta sa abot kayang presyo. Unique at very limited din ang mga designs na mayroon dito at ikaw din ay makaka siguro na tunay ang mga ginto na binibili mo dahil dumaan ito sa matinding pagkilatis ng aming mga eksperto.

Ano ang benepisyo na hatid ng Palawan Pawnshop Jewelry?

Ang kagandahan dito sa Palawan Pawnshop Jewelry ay hindi mo na kailangan lumabas ng iyong bahay para makita ang mga gold jewelry items sa mismong Palawan Pawnshop branch!

Papano? Simple lang naman mga suki. An inyo lamang gagawin ay bumisita sa aming Facebook page na Palawan Pawnshop Jewelry at pwede ka nang tumingin ng mga available items for sale. Bukod pa sa easy viewing, flexible rin ang paraan upang bayaran ang mga minimithi mong gintong alahas.

Hindi lang yan mga suki! there’s more! Alam mo bang kayang kaya naming mag SHIP NATIONWIDE? OO!, kahit saang sulok ka man ng Pilipinas ay siguradong maabot ka namin, kayat anu pa ang iyong hinihintay suki! Simulan mo nang mag-MINE ng alahas na gusto mo sa Palawan Pawnshop Jewelry!

Sino ang nakikinabang dito?

a-man-with-suit-and-tie-pointingPhoto courtesy Lukas via Pexels

Sino ang nakikinabang sa Palawan Pawnshop Jewelry? Edi ikaw!

Kagaya lamang ng sitwasyon na makakabili ka ng regalo para sa iyong pamilya o minamahal sa buhay kahit ikaw ay gipit ka sa pera. At kung kulang naman ang iyong cash, walang problema jan suki, kasi maaari mo itong bayaran nang hulog -hulugan hanggang sa mabayaran mo siya ng buo at tuluyan nang mapasayo ang item!

Ang palawan pawnshop ay may mga patakaran o mga terms and conditions para protektado ang mga nabili mo at pati rin ikaw na suki ay protektado. Ang isa pang magandang pakinabang ng palawan pawnshop ay hindi mo na kailangan ng credit card o magandang credit history para makabili ng mga items na gusto mo.

Kaya suki, nararapat lang na advance kang mag-isip at financially conscious ka ngayong panahon ng pandemya! Planuhin mo na ang iyong Christmas shopping sa Palawan Pawnshop para may regalo ka para sa buong pamilya mo.

Proseso ng Palawan Pawnshop Jewelry

Madali lang ang proseso na aming ipinapatupad dito sa Palawan Pawnshop Jewelry. Ang iyo lamang gagawin ay piliin ang yung gustong item, at i-comment ang “Mine” at magpareserve ng napiliing item, i-confirm ang iyong payment method, at i-pick up ang iyong order. Ganun lang ka-simple, Suki!

Ikaw ba ay naghahanap ng maganda at kalidad na engagement ring para sa forever mo? Kailangan mong mag-Christmas shopping in advance? heto na ang mga step-by-step na proseso upang mapakinabangan mo ang Palawan Pawnshop Jewelry.

Paano Pakinabangang ang Palawan Pawnshop Jewelry service

  1. Alamin ang Palawan Pawnshop Jewelry Sales Policies. Bago ang lahat, mainam na basahin muna ang Sales Policy na naka-pin sa Palawan Jewelry page. Dito nakasaad ang do’s and don’ts pagdating sa gold jewelry selling.
  2. Pumili ng item/s at mag comment ng “Mine”. Hanapin ang mga items na ino-offer sa Palawan Pawnshop Jewelry page. Kapag nahanap mo na ang iyong gusto ay mag-comment ka ng “Mine” sa mismong post.

    TANDAAN: Sa'yo mapupunta ang item kung ikaw ang first miner, Suki!

  3. Hintayin ang aming PM for confirmation at pumili ng payment option. Magpapadala ang Palawan Pawnshop Jewelry ng confirmation via private message para i-confirm kung sa’yo na talaga ang item na iyong napili.

    Pagtanggap ng message ay pwede ka pumili ng payment option. Maari kayo magbayad through Palawan Express Pera Padala, bank transfer, and Palawan pawnshop lay away plan or bili-sangla with corresponding down payment.

    PAALALA: Mayroon kang walong (8) oras para i-confirm ang payment option o method bago ma-forfeit ang reservation sa iyong napiling gold item.

  4. Bayaran ng cash or layaway sa designated branch.Kapag sure na sa’yong sa’yo na ang item at ready ka na magbayad in full o by downpayment, pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch sainyo.
  5. Pick up time! Kapag kumpleto na ang iyong bayad, maaari mo na ito i-pick up kinabukasan sa designated Palawan Pawnshop branches nationwide. Ito ay para mabigyang oras ma-validate ang iyong bayad.

    Masigabong palakpakan! Nakabili ka nang regalo para sa pamilya mo sa panahon ng pandemya!

Gold buying tips for beginners

photo-of-gold-barsPhoto courtesy Jingming Pan via Unsplash

Heto pa ang bonus para sa inyo mga suki handog ng Palawan pawnshop jewelry! Mga tips in buying gold jewelry in the Philippines kung kayo ay interesado na pasukin ang pag invest sa gold buying. Narito ang ilang tips para sa future gold investor na kagaya niyo mga suki!

1. Alamin kung kailan pinakamababa ang presyo ng ginto

Tulad ng ibang bilihin, nagbabago rin ang presyo ng ginto. Kaya naman, makakatulong sa newbie investor na malaman kung kailan ang tamang oras para bumili ng gold sa murang halaga.

Tipikal na mababa ang presyo ng ginto kapag mataas ang stock market at pataas ang pag-develop ng economy. Mas mababa ang demand sa ginto kapag malakas ang economy. Mainam ding pag-aralan kung paano itinatakda ang presyo ng ginto para malaman mo kung gaano kamahal dapat binibili ang alahas.

2. Maghanap ng iba't-ibang mga potential na dealer

Huwag matali sa isang dealer lang. Maghanap ka ng maraming nagbebenta ng gold at ikumpara ang mga presyong i-offer sa iyo para malaman ang best deal para sa budget mo.

Kailangan mo ring siguraduhing mapagkakatiwalaan ang dealer na makaka-transaksyon mo. Hindi lahat ng jewelry dealer at pawnshop ay maganda ang quality ng ibinebentang alahas. Huwag magpadala sa kinang ng mga nakikita at suriing mabuti ang mga deal na in-o-offer sa iyo para maiwasang maloko.

3. Pangalagaan ang mga ginto na iyong nabili

Nakakaapekto din sa presyo ng gold jewelry ang anyo ng alahas na iyong binebenta, kung ito ay nasa magandang kalagayan eh sigurado na nasa mataas na presyo mo siya ma ibebenta. Basahin ang mga tips tungkol sa jewelry hacks para alagaan ang iyong investment.

4. Siguraduhing laging documentado ang iyong mga transaction

Bago mo i-sapinal ang pagbili mo ng alahas, kailangan mo munang siguraduhin na mayroon kayong kontratang pinirmahan. Importante ito sa lahat ng kasunduang may kinalaman sa pera at investment.

Siguraduhin kung kayu ay bibili ng gold jewelry ang bibilhan mo ay nangangakong hindi peke ang mga alahas. Tingnan ding mabuti kung ang kasunduan kung mayroong “No Return” o “Refund Policy.” Makakatulong ang written document sa’yo at sa dealer kung sakaling magkaproblema.

Mahahalagang Paalala sa Palawan Pawnshop Jewelry

light-bulb-drawing-on-sticky-notePhoto courtesy AbsolutVision via Unsplash

Teka lang suki! Bago mo bilhin ang inaasam na gold items, dapat mo muna malaman ang mga sumusunod na mahalagang paalala mula sa Palawan Pawnshop Jewelry.

Huwag ka mag alala suki, hindi naman ito mahirap na alalahanin, pero mahalaga na rin na hindi mo ito malimutan para makasi siguradong swabe ang iyong transaksyon.

1. We now ship NATIONWIDE

Kung dati limitado lang ang serbisyo ng Palawan Pawnshop Jewelry, ngayon ay maaari ka na mag-MINE ng alahas na saang parte ka man ng Pilipinas, Suki!

2. Mas maraming pagpipilian

Hindi mo na kailangan ng credit card o store card para lang bumili ng pang regalo. Pwede mong tingnan ang iyong options sa Palawan Pawnshop nang walang required card o membership.

3. Hindi forever ang reservation

Huwag kakalimutan mga suki, na walong (8) oras lang pwede magpareserve ng iyong gold items. Kapag lumagpas ka na dito ito ay mafoforfeit ang iyong item -- sayang naman!

4. Product Availability

Dahil alam nating rematado ang mga gintong items, one (1) stock per item lang ang offered depende na ang kung may iba pang available sa post.

5. Limited Purchase

Dahil marami ring mga Suki na bumibili at limited ang mga stocks, maaari ka lang magkaroon ng max of three (3) purchases per post/live selling. Kung gusto mo humigit sa isang araw, ayain mo sina tita na bumili para sayo, why not diba?

6. 'Wag masyado mag-expect

Dahil alam mo naman na rematado ang mga items, ay hindi ito brand new. Pero wag ka magalala, Suki – genuine gold items naman ‘yan na sigurado ka sa kalidad.

7. Discounted items para sa mga Suki

Para sa mga Suki cardholders, maaari ninyong ma-avail ang 10% discount sa mga gold items na nasa Palawan Pawnshop Jewelry page.

Kaya mga minamahal naming mga suki huwag ninyong kalimutan na may Palawan Pawnshop Jewelry ka na kaakibat. Ang mga akala mong mamahalin na ginto at alahas dito sa Palawan Pawnshop ay mabibili mo sa abot kayang presyo..

Kaya anu pa ang inyong hinihintay mga suki! Halina at bisitahin ang Palawan Pawnshop Jewelry page para mag-”mine” ka na ng gold items! Ang lahat ng karagdagang impormasyon tungkol dito ay makikita rin sa aming page. Happy shopping, mga Suki!

Share: