How To Pay Bills Using Palawan Pawnshop-Palawan Express

Blog

October 12, 2022

How-To-Pay-Bills-Using-Palawan-Pawnshop-Palawan-Express

Mga Suki kayo ba ay namomoblema on how to pay bills?Hindi nawawala ang bills sa monthly budget natin mga Suki, minsan ay nakaka stress ang mga ito pero hindi natin matatanggal na parte ng ating buhay ang mga obligasyon na ito.

At sa dami ng scam na naglipana ngayon, paano ka nakakasiguro na safe at secure ang pagbabayad ng ating mga monthly bills?

Huwag kayong mangamba mga Suki! Dahil ang Palawan Pawnshop ay nakahanap ng paraan sa problemang ito! Heto ang 3 paraan kung paano mapadali at mapanatiling sigurado ang inyong pagbabayad ng mga bills sa tulong ng Palawan Pawnshop - Palawan Express.

How to pay your bills through Palawan Pawnshop

  1. Palawan Pawnshop onsite payment
  2. PalawanPay Application
  3. Bayad Centers

1. Palawan Pawnshop Onsite Payment

Palawan-Pawnshop-Onsite-PaymentPhoto courtesy of Palawan Pawnshop via Facebook

Alam mo ba Suki na ngayon ay pwede ka ng magbayad ng iyong mga bills sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop outlet sa inyong lugar? Tama ang iyong nabasa Suki! Ito ang mga kinakailangan mong gawin na proseso upang makabayad ng bills payment sa mga Palawan Pawnshop outlets.

  • Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch sa inyong lugar
  • Iprisenta ang iyong Statement of Account (SOA) sa empleyado ng Palawan Pawnshop
  • Siguraduhin na tama ang iyong iprinisentang billing month, account number, meter number, at amount due.
  • At kung nakasiguro ka na tama ang lahat na nabangit sa taas, ay puwede mo nang bayaran ang amount due at ang mga karampatang service fee.
  • Hintayin lamang ang ibibigay sayo na Palawan Express form na proof of transaction na ikaw ay nagbayad kasama ng statement of account.

O diba Suki? Ganun lang kadali ang magbayad sa aming Palawan Pawnshop outlets. Kaya sa susunod na darating ang inyong monthly account bill, pumunta na sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop sa inyong lugar at doon na magbayad!

2. PalawanPay Application

PalawanPay-ApplicationPhoto courtesy of Palawan Pay via Facebook

Dahil merong solusyon na inihanda ang Palawan Express sa mga ganitong sitwasyon. Pwede ka nang magbayad ng iyong bills gamit ang PalawanPay App gamitin lang ang iyong smartphone at internet connection. Ang kailangan mo lang gawin ay idownload ang app na ito sa iyong smartphone. Heto ang mga proseso suki kung paano gamitin ang PalawanPay App ng Palawan Express:

  • Idownload ang PalawanPay App sa inyong smartphone
  • Buksan ang PalawanPay App, at piliin ang Bills Payment option
  • Hanapin ang iyong biller sa App. Maari mong makita ang kumpletong listahan ng mga biller dito.
  • Piliin ang biller sa listahan
  • Ilagay ang account number, account name, at iba pang mga detalye na hinihingi. Siguraduhin na tama ang mga impormasyong na ilalagay
  • I-click ang confirm kung siguradong tama ang mga impormasyon na nilagay. Ilagay ang MPIN bago isend.
  • Hintayin ang confirmation

Ganun lang ka simple ang paggamit ng PalawanPay App ng Palawan Express. Ito pa ang magandang balita Suki. Ang PalawanPay App ay libre at walang annual fee na kailangan bayaran upang magamit ang app, ngunit may corresponding fees na maaaring i-charge sa inyong account ayon sa transaksyon. Tignan ang mga iba't ibang transactions fees dito.

3. Bayad Centers

Kung gusto mo naman na gamitin ang ang serbisyo ng bayad centers ito ang mga proseso na kailangan mong gawin.

  • Bumisita sa mga bayad center na malapit sa inyong lugar
  • Ipakita ang iyong Statement of Account (SOA) sa counter, kung hindi mo dala ang iyong Statement of Account ikaw ay makakatanggap ng mula sa cashier ng ng Bayad Center Transaction Form
  • I fill out ang Bayad Center Transaction Form, siguraduhin na tama ang biller, account number, I.D number para sa government bills, payment details, at huwag kalimutan mag iwan ng contact number.
  • Isumite ang Bayad Center Transaction form sa cashier kasama ng iyong bayad. Hintayin ang confirmation o kaya ang iyong resibo.

Why pay bills at Palawan Pawnshop?

Bills-payment-walay-hasulPhoto courtesy of Palawan Pawnshop via Facebook

Ang Palawan Pawnshop ay halos 30 dekada nang nagbibigay ng walay hasul na serbisyo sa bawat Pilipino! At dahil dito ang Palawan Pawnshop ang umani ng magandang papuri at tiwala sa kanilang mga Suki dahil sa kanilang maganda at maasahang serbisyo.

Ito ang ilan sa maraming rason kung bakit dapat gamitin ang Palawan Pawnshop for your bill payments.

  1. Walang kuskos balungos na serbisyo
  2. Maasahan at matulungin ang mga empleyado
  3. Maiwasan ang scam at sigurado ang transaction mo
  4. Maiwasan ang mahabang pila
  5. Ikaw ay maging parte ng isang malaking pamilya

1. Walang kuskos balungos na serbisyo

Wala talagang kuskos balungos ang serbisyo ng Palawan Pawnshop on how to pay bills. Ito ay dahil sa simpleng proseso ng pagbabayad, hindi mo na kailangan na mag presinta ng maraming documento. Ang kailangan lang ay ipakita ang iyong Statement of Account (SOA), kasama ng Palawan Express form na iyong na fill up, ibigay ang bayad, at hintayin lang ang proof of payment. Ganun lang ka simple at kadali Suki!

2. Maasahan at matulungin ang mga empleyado

PPG-employeesPhoto courtesy of Palawan Pawnshop via Facebook

Hindi ka mahihiya o ma-iilang sa pagbabayad ng iyong mga bills dahil gagabayan ka ng aming friendly staff at empleyado ng Palawan Pawnshop. Huwag mahiyang magtanong at humingi ng tulong sa aming staff pagdating sa pagbabayad ng iyong mga bills.

3. Maiiwasan ang scam at sigurado ang transaction mo

PPG-scammer-alertPhoto courtesy of Palawan Pawnshop via Facebook

Mga Suki halina at basahin itong mga wais tips para makaiwas ma scam na hatid sa inyo ng Palawan Pawnshop.

Sa hirap ng buhay ngayon, dumarami na nanamantala sa pamamagitan ng pagpapakilala na sila ay lehitimong mga bayad center. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, makipag transaksyon lamang sa lehitimong payment center gaya ng Palawan Pawnshop. Ito ay subok na maaasahan dahil sa halos mahigit na 30 dekada na serbisyo at kilala na sa industriya.

Makakasiguro ka sa iyong transaction sa Palawan Pawnshop dahil ito ay may lehitimong branches na accredited upang mangolekta ng bills payment. Ang Palawan Pawnshop ay nag bibigay din ng proof of payment sa mga Suki pagkatapos matapos ang transaction. At kung kayo naman ay gagamit ng PalawanPay App kayo ay makakatanggap muna ng QPIN bago mag send ng online payment at mayroon confirmation na matatanggap.

4. Maiiwasan ang mahabang pila

Maiiwasan mo ang mahabang pila sa mga opisina ng utility biller o kaya mga banks kung ikaw ay magbabayad sa mga Palawan Pawnshop branches dahil sa kanilang mabilis na serbisyo. Pwede mo rin gamitin ang PalawanPay Apps na hindi mo na kailangan lumabas ng bahay dahil ang iyong kailangan lang ay ang smartphone at internet connection.

5. Ikaw ay magiging parte ng isang malaking pamilya

Totoo ang iyong nabasa Suki! Ikaw ay magiging parte ng isang pamilya ng Palawan Pawnshop - Palawan Express the moment na ikaw ay gumamit ng kanilang serbisyo, kagaya ng pagbabayad ng iyong monthly bills.

Maari ka rin mag avail ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Suki Card. May iba't ibang benepisyo ka na matatanggap kapag ito ay iyong ginamit kada transaction mo sa kahit anong Palawan Pawnshop - Palawan Express branches nationwide.

Tips In Paying Your Bills

Heto na ang mga tips na hatid ng Palawan Pawnshop tungkol sa pagbabayad ng inyong mga bills.

  1. Bayaran ng maaga ang inyong mga monthly bills
  2. Bayaran at paghandaan ang wastong amount
  3. Siguraduhin na itago ang reference number

1. Bayaran ng maaga ang inyong mga monthly bills

Mainam na bayaran ng maaga ang inyong mga monthly bills upang maiwasan ang pagputol ng serbisyo o kaya magbayad ng penalties at interest. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagbayad agad kapag ikaw ay nakatanggap ng iyong monthly bill. Kung hindi mo mababayaran agad, ugaliin na gumawa ng schedule ng araw kung kailan mo babayaran. Siguraduhin lamang na ang ginawang schedule sa pagbabayad ay bago mag due date.

2. Bayaran at paghandaan ang wastong amount

Ugaliin na bayaran ang wastong amount ng bill upang maiwasan ang aberya sa susunod na billing cycle. Dahil mahirap ang sitwasyon na papatong patong ang inyong babayaran dahil lamang sa isang buwan na hindi wasto o di kaya kulang ang iyong binayad.

Importante din na paghandaan ang wastong amount ng iyong monthly bill, ito ay iyong magagawa sa pamamagitan ng pag budget ng iyong sweldo. Huwag kalimutan na dapat din natin iprioritize ang pagbabayad ng ating mga monthly bills, ito ay parte ng iyong pagiging financially responsible.

3. Siguraduhin itago ang reference number

Importante ang reference number na iyong natatanggap sa iyong mga bills payment transactions. Ang reference number ay isang paraan na nagpapatunay na ikaw ay bayad na sa iyong monthly bill. Kaya kung ikaw ay makakatanggap ng reference number sa bawat transaction eh mainam na itago ito.

Hindi lamang ang mga reference number ang itago, ang iyong mga resibo din. Sa kadahilanan na kung magkaroon ng pagkakamali sa pag charge ng iyong monthly bill, pwede mo itong balikan sa mga resibo mo na naitago at ipakita sa customer service.

Hayan lamang ang ilan sa maraming rason kung bakit dapat mo gamitin ang serbisyo ng Palawan Pawnshop - Palawan Express sa iyong pagbabayad ng monthly bills. Kaya mga Suki kung kayo ay mayroong mga financial transaction huwag ng mag-atubili at gamitin ang serbisyo ng Palawan Pawnshop-Palawan Express. Sila ay subok na mapagkakatiwalaan at ikaw ay nakaka sigurado sa kanilang serbisyo!

Share: