7 Sulit Reasons Kung Bakit Sa Palawan Pawnshop Ka Dapat Bumili Ng Gold

Blog

July 08, 2022

7-Sulit-Reasons-Kung-Bakit-Sa-Palawan-Pawnshop-Ka-Dapat-Bumili-Ng-Gold

Gold ba ang hanap mo, Suki?

Ngunit nahihirapan sa presyo ng mga items , lalo na sa mga jewelry shop dito sa Pilpinas. Hindi kailangang mahal ang bilhin Suki! Kailangan mo lang maghanap ng tamang lugar nang pagbibilhan ng mura, dekalidad at higit sa lahat totoong ginto para sa iyong growing collection.

Magandang Balita! Dahil sa PALAWAN PAWNSHOP hindi lang sa gold pawning kilala, may gold jewlery items for sale din sila. Siguradong Sulit ang halalga at madalas may Sulit Suki Sale pa sila.

Kung gold ang hanap mo, dito ka na sa Palawan Pawnshop! Narito ang ilang rason kung bakit dabest sila sa pagiging isang gold jewelry shop.

Bakit mas maganda bumili ng gold sa Palawan Pawnshop?

Maraming magsasabi sa’yo na dapat maging maselan pagdating sa pagbili ng jewelry at ginto. Dahil syempre, kakaibang gastos din ito. Maari ka namang makakuha ng magagadang ginto at iba pang alahas sa Palawan Pawnshop sa murang halaga, kaya di sasakit ang ulo mo sa gastos. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat sa Palawan Pawnshop ka bumili ng gold:

  1. Real na real gold lang ang tinatanggap at ibinibenta ng Palawan Pawnshop
  2. Tamang timbang at tamang presyuhan ng gold jewelry
  3. Malinis ang ibinibenta na gold jewelry
  4. Sulit na investment sa affordable price
  5. Madali lang ang gold jewelry buying process
  6. Safe na safe ka bumili
  7. Bonus na mababait at accomodating na staff

1. Real na real gold lang ang tinatanggap at ibinibenta ng Palawan Pawnshop

Close-Up-Photo-of-Golden-RingsPhoto courtesy of Git Stephen Gitau via Pexels

Para sa kaalaman mo, Suki, ang Palawan Pawnshop ay merong gold pawning and selling. Ang mga binebentang ginto ng Palawan Pawnshop ay mula sa mga sinanlang jewelry na hindi na nabayaran ang mga dating may-ari nito. Kaya makakasiguro kang totoo ang mga gold at jewelries item ang makikita mo sa display nila.

Kung nag-aalangan ka naman, maari kang magresearch kung paano malaman kung totoo o hindi ang mga jewelry item. O di kaya’y tanungin ang mga tauhan ng Palawan Pawnshop tungkol dito, tiyak naman na handa ka nilang tulungan sa iyong mga tanong.

2. Tamang timbang at tamang presyuhan ng gold jewelry

Gold-Necklaces-Hanging-on-Jewelry-StandPhoto courtesy of MART PRODUCTION via Unsplash

Sa pagbili ng jewelry o ano pa mang bagay, dapat you get your money’s worth, kahit sa murang halaga. Kapag bumili ka ng ginto sa Palawan Pawnshop, siguradong patas ang halaga ng ibabayad mo sa jewely na makukuha mo.

Sa Palawan Pawnshop, mayroon silang certified appraisers para icheck ang estimated price ng alahas na sinasangla o binebenta nila. Nagagawa ito sa pagcheck ng purity, kalinisan, rarity, at functionality nito. Kaya wala ka dapat ipag-alala, dahil kung 24karat ang habol mo, tiyak yun ang makukuha mo sa perang ilalabas mo.

3. Malinis ang ibinibenta na gold jewelry

A-Variety-of-Gold-PendantsPhoto courtesy of Patrick Quisil via Pexels

Importante sa ating lahat na dapat malinis ang mga bagay na binibili natin at ikinakabit sa katawan, lalo na sa panahon ngayon. Ang mga binebentang jewelry ng Palawan Pawnshop ay tiyak na malinis dahil lahat ng makikita mong for sale ay kumikinang sa ganda.

Kung ikaw ay medyo OC at gusto paring linisin ang mga alahas na iyong binili, hindi mo na kailangan humanahap nang tagalinis, dahil may mga jewelry cleaning hacks na kayang kaya mong gawin sa bahay.

4. Sulit na investment sa affordable price

5000-banknote-on-white-tablePhoto courtesy of Mari Gimenez via Unsplash

Kung ang dream business mo ay magbenta ng jewelry ngunit nag-aalangan kung saan magsisimula dahil sa maliit ang trust fund mo, dito ka na dapat pumunta sa Palawan Pawnshop. Kahit sa maliit na budget, maari ka nang makakuha ng mga jewelry na pwede mong ibenta sa iyong mga Suki. Sigurado ka pang totoong ginto ang maibebenta mo.

Merong year-round 10% discount at promos ang Palawan Pawnshop na kailangan mong abangan lalo na sa mga espesyal na okasyon. Syempre, nagbabago ang presyo nang gold, minsan mahal, minsan mura. Pero kahit ganun ang sitwasyon, ito ay isa sa mga alahas na kailan man hindi mawawala sa uso. Kaya sigurado kang magandang investment ito dahil maraming gusto bumili at gumamit nito.

SUKI TIP: Abangan ang mga post sa Palawan Pawnshop Facebook page para lagi kang updated sa mga promo.

Remetado Live Selling

Noong nakaraang May 15-17 at May 31-June 2, nagkaroon ng Live Selling sa iba’t ibang branches ng Palawan Pawnshop. Tumutok sa Palawan Pawnshop Facebook page para maabangan ang susunod na Live Selling date at ang iba pang mga kakailanganin na detalye.

Rematado-live-selling

Mataas na ang appraisal rate, hindi pa nauubusan ng pakulo sa Palawan Pawnshop. Palagi kaming may bagong paraan para maghatid ng promo at discount para sulit na sulit ang pagsangla at bili-sangla niyo sa amin.

Tulad ng promo ng Palawan pawnshop na Sangla Mo, I-Stamp Ko. LAHAT ng Sangla Suki with existing pawns at PPS rematado jewelry shoppers ay automatically eligible para sa promo na ito na worth 5 pesos para sumali. Oo Suki, tama basa mo— 5 pesos lang ay makakauha ka ng stamp card na kada stamp ay may katumbas na prize:

  • 1st stamp: 1 ProtekTODO for one month (given once Sangla Mo, I-Stamp Ko card is availed)
  • 4th stamp: 1 Special Gift (Secret nalang muna kung ano ‘yon)
  • 7th stamp: 10% off Sangla Advance Interest or 15% off Rematado item
  • 10th stamp: 15% off Sangla Advance Interest or 20% off Rematado item

Kapag nakumpleto mo na ang stamp, mag-register lang sa Google Form at bubunot kami ng winner sa nakatakdang araw:

Order-Mo,-I-Stamp-Ko-promo-raffle

5. Madali lang ang gold jewelry buying process

Kung inaakala mo na mahirap bumili ng jewelry at ginto sa isang pawnshop, nagkakamali ka! Sobrang dali bumili ng jewelry sa Palawan Pawnshop Suki! Pipili ka lang ng mga alahas na bibilhin mo.

Pagkatapos nito ay ifill-out ang acknowledgment form. Mabuting basahin nang maigi ang kontrata bago ito pirmahan para siguradong panalo ang lahat.

6. Safe na safe ka bumili

Marami nang nabibiktima ng “fake” na jewelry kahit sinasabi ng mga nagbebenta na puro at totoo ito. Sa Palawan Pawnshop, hindi mo kailangan isipin ito dahil sigurado kang dumaan sa masinsinang proseso ang mga ito.

At isa pa, siguradong ligtas ka habang bumibili ng alahas dahil ang bawat Palawan Pawnshop branch ay may security guard at CCTV system para sa kaligtasan ng customers at ng staff.

7. Bonus na mababait at accomodating na staff

two-people-shaking-handsPhoto courtesy of Cytonn Photography via Unsplash

Kung first time mong bumili ng alahas sa Palawan Pawnshop, huwag kang mahihiyang magtanong! Ang lahat ng staff ng Palawan Pawnshop ay napakabait at very accommodating para mabigyan ka ng kaliwanagan sa mga tanong mo. Bawal ang masungit dito, Suki! Kaya sigurado kang mageenjoy ka na kakwentuhan ang kanilang mga staff.

Kaya kung gold ang hanap mo, huwag ka nang magpatumpik tumpik pa. Tara na sa Palawan Pawnshop upang matupad na ang iyong gold collection dream o kaya dream jewelry business nang hindi naglalabas ng malaking halaga!

Share: