Ultimate Load Promo Guide Para Sayo Suki

Blog

October 10, 2022

Ultimate-Load-Promo-Guide-Para-Sayo-Suki

Sa panahon ngayon, may nakakaalis pa ba ng bahay nang walang dalang cellphone? May mas maganda pa ang tanong suki, may nagdadala pa ba ng cellphone na hindi naka-subscribe sa load promo? Parang hindi yata kaya! Panic alert kapag nawalan ng load!

Kumustahan with family? One call away si daddy at mommy! Tatanungin si seatmate kung andyan na si teacher? Text lang! Naipit sa traffic at bored na? Random Youtube videos muna! Kailangan ng inspiration sa umaga? Stalk muna ang timeline ni crush! Ano man ang kailangan mo, e-loading ng Palawan Express ang service na swak para sa’yo!

person-in-red-and-black--using-black-laptop-computerPhoto courtesy of Dylan Ferreira via Unsplash

Kahit na ano pa man ang dahilan, lagi mong kailangan ng prepaid load at mobile network provider na maaasahan. Kaya para matulungan kang pumili kung alin ang best load promo at data provider para sa'yo, gumawa kami ng guide na siguradong magagamit mo!

Top Load Promo and Data Providers

Marami na ang dumating, marami na rin ang umalis. Pero ang limang network service provider na ito, nananatiling malakas through the test of time! Dahil yan sa iba't ibang prepaid load na swak na swak hindi lamang sa bulsa, pati na rin sa quality ng service na nabibigay nila.

Suki, narito ang Top 5 na mobile service provider para sayo!

Globe Load Promo

Sa halagang ₱40, may Globe 5G sim card ka na. Pwede mo pa itong mabili sa mall, palengke, airport, at minsan sa suki mong sari-sari store!

Kung ikaw naman ay Globe user na dati at gusto mong ipa-upgrade and sim card mo para mas bumilis ang mobile internet data at maging 5G, pumunta lang sa pinakamalapit na Globe Outlet. Papalitan nila ito nang hindi nababago ang mobile number mo.

Sikat ang mga Globe load promo na ikaw mismo ang pwedeng pumili kung ilang GB ng data ang kailangan, ilan ang pang-text, at hanggang kailan ito valid. At hindi lang yan, maraming extra perks ang mga Globe users tulad ng free KonsultaMD subscription para sa mga naka-postpaid plan.

Isa rin sa pinakasikat na Globe load promo ay ang GoSakto series na sulit na sulit para sa mga estudyanteng kailangan ng extra internet data!

  • GoSakto70 - 1GB data, unli text to all networks for 7 days
  • GoSakto90 - 2GB data, unli text to all networks for 7 days
  • GoSakto120 - 3GB data, unli text to all networks, unli call to Globe/TM for 7 days
  • GoSakto140 - 4GB data, unli text to all networks, unli call to Globe/TM for 7 days

Kung iba’t ibang network naman ang gamit ng family at friends mo, maraming offers ang Globe, with unlimited calls at texts to all networks!

  • GoUnli20 - unli text to all networks, 50MB of mobile internet for 1 day
  • GoUnli30 - unli text to all networks, 100MB of mobile internet for 2 days
  • GoUnli50 - unli text to all networks, 500MB of mobile internet for 3 days
  • GoUnli95 - unli text to all networks, 1GB of mobile internet for 7 days
  • GoUnli180 - unli text to all networks, 2GB of mobile internet for 15 days
  • GoUnli350 - unli text to all networks, 3GB of mobile internet for 30 days

man-watching-NetflixPhoto courtesy of CardMapr.nl via Unsplash

Excited ka na ba mag-Netflix and chill? Globe rin ang network na para sayo! Ayon sa ibang mga customers, Globe ang may pinaka-mabilis na video experience. Meaning, hindi mo na kailangan mabitin sa pinakahihintay mong scene dahil mabilis itong magloading!

Kilala rin ang Globe dahil sa dami at lawak ng mga towers nito, na siyang nakakatulong para magkaroon ang users ng mas malakas na signal, maging para sa text, tawag, o mobile internet data man yan!

Para mas madaling makapili ng promo, mag-subscribe at maka-ipon ng points, pwede mo ring i-download ang GlobeOne app sa Play store ng iyong cellphone. Kung marami kang Globe accounts na nakaregister sa mga load promos, pwede mo rin silang sabay-sabay i-manage gamit lamang ang isang GlobeOne app.

Smart Load Promo

Hindi lang puro talino, mabilis at reliable rin ang Smart! Napatunayan ito noong nakuha nila ang title bilang Philippines’ Fastest and Best Mobile Network nito lamang 2022. At hindi basta-basta ang award na ito galing sa Ookla, isang global leader sa network intelligence. Dalawampung mobile operators pa lamang ang nabibigyan ng award na ito sa buong mundo!

Bakit nga ba naman hindi, kung napatunayan naman na ng Smart na sila ang smart choice, hindi lamang sa pangalan, higit lalo sa Smart load promos at performance! At lahat ng perks na ito, makukuha mo na sa isang Smart sim na ₱40lang!

Excited ka ba sa latest episode ng inaanbangan mong KDrama? O gusto mo nang mapakinggan ang bagong labas na album ni idol? Kung ang priority mo naman sa pagpili ng mobile network ay bilis ng mobile internet data, Smart na ang para sayo! Simula 2017, nangunguna na ang Smart sa bilis ng download speed sa isang pag-aaral na ginawa ng OpenSignal.

Mabilis ang internet, pero hindi ang expiration ng mga promo! Kung fan ka ng mga pangmatagalan, MagicData na ang promo na para sayo! Pili lang kung ilang GB ang gusto mo, Suki. Lahat ito, walang expiration! Dito may forever!

  • Magic Data 99 - 2GB no expiry
  • Magic Data 199 - 6GB no expiry
  • Magic Data 399 - 24GB no expiry

Maliban sa gaming at panonood ng mga series at online videos, mahalaga rin na maganda ang experience mo pagdating sa calls! Naranasan mo na bang um-oo na lang dahil hindi mo talaga naiintindihan ang sinasabi ng kausap mo kahit nakasubscribe ka naman load promo? Choppy, choppy!

Sa Smart, maraming users ang madaling makarinig at makaintindi ng sinasabi ng kausap nila. Sa tulong ng mga promong ito, di na kailangang ulit-ulitin pa!

  • ALLNET30 - Unli calls and texts to all networks, 100MB for 1 day
  • ALLNET50 - Unli calls and texts to all networks, 500MB for 3 days
  • ALLNET99 - Unli calls and texts to all networks, 1GB for 7 days
  • ALLNET299 - Unli calls and texts to all networks, 2GB for 30 days

Kaya naman Suki, kung ikaw ay laging may kacall mate - official reasons man o para makausap si crush - make the right choice with Smart!

Talk ‘N Text (TNT) Load Promos

Bilang sister networks, kalimitan sa mga unli promos ng Smart at Talk ‘N Text ay nagagamit para sa isa’t isa. Pero para sa mga Suki natin na mas priority ang makatipid kesa sa bilis ng internet, Talk ‘N Text na ang para sa inyo! Meron ding iba’t ibang offer ang network na ito depende kung anong mga sites at apps ang mas kailangan mo.

Mas kailangan mo ba ng pang-Facebook at Messenger para maka-keep up sa mga latest sa iyong friends and followers? O sa Mobile Legends mo ba gagamitin ang mobile internet data? Kailangan ba ng internet para sa trabaho, o para i-reward ang sarili after a long day from work? Kahit ano pa yan, may TNT load promo para sayo!

  • SURFSAYA 20 - Unli texts and calls to all networks, 150MB/day for FB, IG, Tiktok, and ML, 900MB for all apps, valid for two days
  • SURFSAYA 30 - Unli texts and calls to all networks, 250MB/day for FB, IG, Tiktok, and ML, 1.65 GB for all apps, valid for three days
  • SURFSAYA 49 - Unli texts and calls to all networks, 100MB/day for FB, IG, Tiktok, and ML, 1.7 GB for all apps, valid for seven days
  • SURFSAYA 99 - Unli texts and calls to all networks, 100MB/day for FB, IG, Tiktok, and ML, 3.7 GB for all apps, valid for seven days

Sulit na sulit talaga Suki, dahil may TNT sim ka na for just ₱30! The more rin na nagpapa-load ka sa Talk ‘N Text, nakakaipon ka rin ng mga points na magagamit mo sa pag-redeem ng TNT Rewards!

Touch Mobile (TM) Load Promos

Touch Mobile naman o TM ang sister network ng Globe. Makakabili ka na ng TM sim sa maraming outlets nationwide for only ₱30.

Kilala talaga ang TM sa affordable nitong call and text load promos, lalo na sa P5 na extension per day ng mga sulit na sulit nilang promos! Tama ang nabasa mo Suki, everyday, for 365 days!

Para mapahaba ang usapan with crush, narito ang mga prepaid load na para sayo!

  • SuliTXT5 - 25 texts to TM/Globe for one day, ₱5
  • TXT10 - Unlitext to TM/Globe for two days. ₱10

Naging weeklong ba ang inyong kulitan? Congrats! Register na sa mga load promos na ito:

  • AstigTXT30 - Unlitext to TM/Globe for five days. ₱30
  • Combo20 - Unlitext to all networks, 120 mins calls to TM/Globe for three days, ₱20

Syempre, hindi lang call and text ang panlaban ng TNT, meron din para sa internet data! Sa EasySurf30, meron ka ng 300MB, at additional 50MB para sa Facebook, Viber, o Snapchat for two days!

person-playing-PUBG-mobilePhoto courtesy of Screen Post via Unsplash

Kung wala ka namang kachat at mas gusto mong magpaka-gamer na lang, okay lang din yan! Sa Games50, meron kang 300MB for games for seven days! Pwede mo itong gamitin sa mga gaming apps na ito:

  • Mobile Legends
  • Clash Royale
  • Clash of Clans
  • Vain Glory
  • Legacy Discord
  • Arena of Valor
  • Lineage Revolution
  • Free Fire
  • Rules of Survival

DITO Load Promos

Kahit bago pa lamang ang DITO mobile network at hindi pa available sa buong Pilipinas, hindi na rin sila magpapahuli sa internet data connection! Consistent na 4G availability pa ang hanap mo? Tama ang iniisip mo, dito mo yan makikita sa DITO, ₱40 lang per sim!

Bukod sa sulit na internet data promos, ang mga users ng DITO ay mas malimit na nakaka-connect sa 4G network. Dahil dito, pangalawa rin ang DITO sa may pinakamaayos na games experience. Kaya naman sa mga Suki natin gamers dyan, alam nyo na! Sulit na, consistent pa! Double kill!

Dahil nagsimulang umingay ang pangalan ng DITO ngayong panahon kung kelan mobile internet data is life, malakihang data offerings na matagal din bago mag-expire ang ipinagmamalaki nila.

Sa DITO Level Up promos, may pangtext, tawag, at pang-data ka na!

  • DITO Level-up 99 - Unli DITO calls, 300 minutes all network calls, unlimited texts to all networks, 7GB data for 30 days
  • DITO Level-up 199 - Unli DITO calls, 300 minutes all network calls, unlimited texts to all networks, 16GB data for 30 days
  • DITO Level-up 299 - Unli DITO calls, 300 minutes all network calls, unlimited texts to all networks, 28GB data for 30 days
  • DITO Level-up 499 - Unli DITO calls, 300 minutes all network calls, unlimited texts to all networks, 55GB data for 30 days
  • DITO Level-up 999 - Unli DITO calls, 300 minutes all network calls, unlimited texts to all networks, 120GB data for 30 days

Kailangan mo lang mag-install ng DITO App sa iyong device para makapag-register sa mga load promos nila.

Ipinagmamalaki din ng DITO ang kanilang dagdag benefits para sa pangmatagalang subscription. Kung magsusubscribe ka sa kanila automatically every 30 days, makakakuha ng up to 10GB na dagdag na data! Saan ka pa?

Sobrang dami ba nitong mga sulit na call and text and data promos? Narito ang isang summary ng mga sulit na offers para sayo, Suki!

  GLOBE SMART TM TNT DITO
Price of Sim ₱40 ₱40 ₱30 ₱30 ₱40
Sulit Load Promos GoUnli30 AllNet30 Combo20 SURFSaya20 DITO Level Up 99
Call Unli call to all networks Unli call to all networks 120 mins calls to TM/Globe Unli call to all networks Unli DITO-to-DITO calls, 300 minutes all network calls
Text Unli text to all networks Unli text to all networks Unli text to all networks Unli text to all networks Unli text to all networks

 

  GLOBE SMART TM TNT DITO
Price of Sim ₱40 ₱40 ₱30 ₱30 ₱40
Mobile data 50MB 100MB N/A 150MB/day for Facebook, Instagram, Tiktok, and ML, 900MB for all apps 7GB
Duration 1 day 1 day 3 days 2 days 30 days
Special feature Fastest video experience Fastest Download Speed, Best audio Experience Pwedeng i-extend for ₱5 Personalized promo - FB, ML, or Work Additional mobile data for advanced subscription

Piliin ‘Yung Pinipili Ka, Suki!

Alin man sa top 5 service providers na ito ang mapili mo, laging kang pipiliin ng Palawan Pawnshop at Palawan Express Padala - ang iyong ever-reliable partner! Ano man ang prepaid load promo mo, lahat yan pwedeng sa e-loading gamit ang Palawan in three easy steps!

  1. Bumisita lang sa kahit anong Palawan Pawnshop branch.
  2. Ibigay ang iyong Subscription Account Number o Mobile Number, kung alin man ang ginagamit mo.
  3. Bayaran kung magkano.

That’s it Suki! Hintayin na lang na dumating ang load mo at maaari mo nang i-enjoy ang load promo na iyong napili!

At hindi lang yan, maaari ka pang mag-avail ng Suki Card para sa dagdag benefits. Hatid ng Palawan sayo ay laging maaasahan na serbisyo: load anytime, anywhere!

Sa tulong ng iyong Suki Card, magkakaroon ka ng lifetime partner, dahil wala itong expiration date! Ibig sabihin, lahat ng transaction at loyalty points na makukuha mo ay pwede mong mapakinabangan nang pangmatagalan!

Hindi pa dyan natatapos ang benefits ng Suki Card at pagiging Palawan partner. Makakakuha ka rin ng discount sa iyong ProtekTodo insurance! Napakahalaga nito, Suki, dahil hindi naman natin tiyak ang mangyayari sa atin sa mga susunod na araw. Iba na rin kung lagi kang handa.

At ano pa nga ba ang makakasama natin sa hirap at sa ginhawa lalo na pagdating sa mga e-loading ng load promo at financial transactions? Walang iba kung hindi Palawan Pawnshop at Palawan Express Padala. Walang kuskos-balungos na serbisyo, maaasahang totoo!

Share: