7 Surebol Reasons to Become a Palawan Authorized Agent, According to Pareng Benjie Paras

Ang pagpapatakbo ng negosyo ay parang pagko-coach ng basketbol. Kahit magaling ang players mo, kung kulang ka naman sa diskarte—olats pa rin ang team mo. Para hindi mangamote ang iyong business, dumiskarte nang tama para lumago ito at dumami ang customers mo. 

Extra income ba habol mo? Kailangan mo ng solidong business partner: ang Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala, one of the leading pawn shops and money remittance centers in the Philippines. Pwede kang mag-apply dito bilang Pera Padala authorized agent kung may existing business ka, gaya ng convenience store, bills payment center, travel agency, internet shop, pharmacy, money changer, o pawnshop. 

Bukod sa dagdag na kita, marami pang ibang surebol reasons kung bakit panalo ang maging isang Palawan authorized agent. Pero bago tayo mapunta d’yan, isang maikling paalala lang, mga pare at mare: applications para sa authorized agents lang ang tinatanggap ng Palawan. Hindi po tinatanggap ang franchising para sa Palawan Express.

1. Extra income ba hanap mo? Pumartner ka na sa Palawan!

Photo courtesy of iiijaoyingiii via Pixabay

Nakakalbo ka na ba sa kaiisip kung paano pasisiglahin ang matumal mong negosyo? Bago pa maging kasing kinis ng ulo ni Pareng Benjie ang sa ‘yo, apply ka na to be a Palawan authorized agent.

Good news: mabenta ngayon ang money remittance sa Pinas. Marami sa mga kababayan natin ang umaasa sa serbisyong ito para magpadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay. Magandang pandagdag kita ang money transfer business, lalo ngayo’t tumataas ang remittances ng OFWs who send money to their loved ones. 

Bilang authorized agent ng Palawan Express Pera Padala, kikita ka ng komisyon sa kada money remittance transaction sa shop mo. Kung maraming customers ang magpapadala ng pera, mas malaki ang iyong kikitain!

2. Trusted pawning and money remittance company lang naman ang partner mo!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Nabiktima ka na ba ng isang “business opportunity” o “business partnership” na isang scam lang pala? Masakit at bad trip na pinapaasa ka sa wala. Sa huli, ikaw ang luhaan. #endofhugot

Kaya dito ka na sa subok na matatag, maaasahan, at mapagkakatiwalaan. Sa Palawan Express Pera Padala, wala kang dapat ipag-alala bilang isang authorized agent.

Mahigit 30 taon nang tinatangkilik ng mga Pinoy ang Palawan Pawnshop. Kilala at trusted ang Palawan sa buong bansa dahil sa serbisyo nitong mura, mabilis, at walang kuskos-balungos. Kaya sigurado kang may bagong customers na lalapit at existing customers na babalik sa ‘yo kung mag-ooffer ka ng money transfer service ng Palawan. 

3. Dudumugin ka ng customers dahil sa money remittance service mo

Nilalangaw na ba ang shop mo? Sawa ka na sa kaiisip at kakasubok ng iba’t-ibang gimik para lang bumenta? Masasayang lang ang panahon, pagod, at pera mo. Eto ang subok na paraan para maka-iskor ng maraming customers: magdagdag ka ng money transfer service sa business mo. 

Magiging one-stop shop ang iyong business sa location mo kapag nagdagdag ka ng serbisyong mapapakinabangan ng customers mo. Mapapalago mo ang iyong business! Kapag may nag-money transfer sa shop mo, mapapansin nila ang iba mong products at services. Ang Palawan Pera Padala customers mo, pwede ring magpa-load sa e-loading station mo o bumili ng pagkain sa convenience store mo pagkatapos ng money remittance transaction nila sa ‘yo. Mas mapapadalas din ang punta ng customers sa shop mo dahil nasa ‘yo na ang lahat ng kailangan nila!

Astig, ‘di ba? Kikita ka na sa Pera Padala, bebenta ka pa more! Apir!

4. Magiging parte ka ng widest network ng Palawan Express 

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Sa dami ng branches, Pera Padala outlets, at international partners ng Palawan sa buong bansa, parte ka ng isang napakalaking pamilya. Nakaka-proud na maging partner ng isa sa fastest-growing pawning and money remittance companies in the Philippines, ‘di ba? Kasama ka sa pagse-serbisyo ng milyun-milyong Pinoy saan mang sulok ng Pinas—mapa-Luzon, Visayas, o Mindanao!

5. Magiging mas happy ang customers mo!

Screengrab from Palawan Pawnshop via YouTube

Kapag nagdala ka ng Palawan Express Pera Padala outlet sa lugar ninyo, magiging mas convenient at accessible na ang money remittance para sa mga customers mo. Hindi na sila lalayo pa dahil mas malapit na ang Palawan Pera Padala sa kanila. 

Mabibigyan mo rin sila ng mabilis at walang hassle na transactions dahil fully computerized at centralized ang system ng Palawan. Mabilis at accurate ang recording ng lahat ng transactions sa database nito. At makakatipid sila sa money transfer dahil sa abot-kayang Pera Padala rates ng Palawan.

Kaya happy ang customers mo, happy ka rin sa mas malaking kita ng business mo. Ebribadi hapi! Aprub!

6. Lamang ka sa kompetisyon

Photo courtesy of inboundpass via Flickr

Sa basketbol, matindi ang kompetisyon—hindi sapat na mahusay kang maglaro. Dapat meron kang tinatawag na “competitive edge.” ‘Yung tipong “Never Say Die” spirit ni Jawo, o kaya ‘yung liksi at bilis ni Flying A. Kung wala kang lamang sa mga kalaban mo, siguradong palyado ka sa basketbol court.

Ganun din ang siste sa pag-manage ng isang business. Ano ang lamang mo sa ibang mga business na may parehong produkto o serbisyo? Kung nagbebenta ka ng cellphone load, ano ang kaibahan mo sa ibang shops sa lugar ninyo na nagbebenta rin ng load sa parehong halaga?

Simple lang—magdagdag ka ng serbisyong mabenta sa mga Pinoy gaya ng money remittance service ng Palawan Express Pera Padala. ‘Yan ang competitive edge mo para hindi palyado ang iyong business!

7. Partner mo ang kumpanyang may integridad at katapatan

Katulad mo, hangad ng Palawan na pagsilbihan ang customers nang buong tapat sa lahat ng transactions. Dito nagsisimula ang trust at loyalty ng mga tao sa isang business. Kung naniniwala ka rin dito, aba eh ‘di perfect match ka bilang authorized agent ng Palawan! 

Sa Palawan, panalo ang Pera Padala agents! Eto ang diskarteng walang palya para sa iyong business. Kaya mag-apply ka na! 

Paano maging Palawan authorized agent at ano ang mga requirements? Magpadala lang ng email sa domesticpartnersrem_pepp@yahoo.com for more details.


Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page