Mas Pinamurang Sangla at Pera Padala with Suki Card Discounts

Mga suki! Alam mo ba kung paano ka mas makakatipid sa lahat ng iyong sangla at money remittance transactions with Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala?

Hindi lang pinakamura ang interes sa sangla ng Palawan Pawnshop at pera padala rates sa Palawan Express, may dagdag na diskwento ka pa sa lahat ng transactions mo sa Palawan Pawnshop. Isang Suki card lang ang kailangan! No need to present a valid ID basta ikaw ang mag-ari ng card.

Ang Suki card ay ang loyalty card program ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala para sa lahat ng customers sa lahat ng branches. Sakop nito ang sangla, tubos, pawn renewal, at domestic/ international remittance.

Ito ang mga benepisyong makukuha bilang Suki cardholder:

  • • Automatic discount sa babayarang interes sa pawn, pawn renewal at redeem.
  • • Instant discounts at Suki points para sa money remittance fees
  • • Rebates tuwing kukuha ng pera padala
  • • Maaaring gamitin ang Suki card sa pagkuha ng inyong money remittance na hindi hihigit sa Php10,000 sa lahat ng Palawan Pawnshop branches.

Mga Suki, narito ang mga dahilan kung bakit kailangan mo ng Suki card ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala.

1.Mas malaki ang inyong matitipid kung araw-araw ninyong dala ang inyong Suki.

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Ikaw ba ay isang bread winner at regular na nagpapadala ng sahod sa iyong pamilya sa probinsya through Palawan Express? Madalas ka rin bang nagsasangla sa Palawan Pawnshop?

Magandang magkaroon ka ng Suki card dahil mas malaking discounts at Suki points ang maiipon mo sa madalas mong pakikipag-transaksyon sa Palawan Pawnshop. The more you use it, the merrier! Malaki ang matitipid mo lalo na kapag nakapag-ipon ka na ng maraming Suki points na pwede mong gamiting pambayad sa money remittance fees sa mga susunod mong pera padala with Palawan Express.

Para malaman mo kung magkano ang makukuha mong discount, rebate at Suki points gamit ang iyong Suki card sa iyong money remittance, i-check mo ang Palawan Express pera padala rates.

Kung wala ka pang Suki card, ano pa’ng hinihintay mo? Takbo ka na sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch para mag-apply. Mag-fill out ng application form, mag-prisinta ng isang valid ID at magbayad ng Php50. Agad mong matatanggap ang card at automatic din itong maa-activate, kaya magagamit mo rin ito kaagad.

2. Dito mo matatagpuan ang iyong forever—forever savings!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

“Walang forever!” ‘Yan ang sabi ng mga sawi sa pag-ibig. Pero ikaw, may forever—sa discounts at savings—basta meron kang Palawan Pawnshop Suki card. Hindi ito mag-eexpire kaya forever kang makakatipid. Hindi ka magiging sawi sa pera! Ito ang loyalty card na talagang pupusuan mo.

May jowa ka man o wala, makakatipid ka sa transactions mo sa Palawan gamit ang iyong Suki card. Pandagdag gastos din ‘yan sa pang-sine at panregalo sa nililigawan mo. Yikee! Basta nakakatipid ka, para ka na ring naka-jackpot—hindi nga lang sa pag-ibig kundi sa budget mo.

3. Dagdag na kapital para sa iyong munting negosyo 

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Sa mga suki nating sari-sari store owner, sidewalk vendor at sinumang may maliit na negosyo, malaking tulong ang Palawan Pawnshop Suki card. Ang maiipon mong rebates at discounts, pwede mong idagdag sa panggastos sa pagpapatakbo ng iyong business. Kaya lagi mong gamitin ang iyong Suki card tuwing may transaction ka sa Palawan para mas malaki ang matitipid mo. ‘Yan ang wais na business owner. Apir!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Nagbebenta ka ba ng mga products online? Mas makaka-attract ka ng customers sa online business mo dahil napakadali at napakamura lang magpadala ng bayad sa ‘yo through Palawan Pawnshop.

4. Para sa estudyanteng nagtitipid, instant rebates sa pag-claim ng remittance!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Kulang ba ang pinapadalang pambaon ni Inay? Lahat na ba nagawa mo para lang maitawid ang pang-araw-araw mong gastos? Yung tipong instant noodles lang ang almusal mo bago pumasok sa eskwela, at swerte ka na kung may kasamang itlog o pandesal? Yung tipong pumapasok ka sa mall para lang maka-iskor ng free taste sa grocery dahil wala kang pang-lunch? O minsan wala ka na talagang pang-kain at naglalakad na lang papunta sa school para lang may maitabi ka para sa tuition at iba pang bayarin sa school?

Relate much, mga bes? Tiis-tiis lang—karirin mo lang ang pag-aaral mo at tiyak na magbubunga rin ang pagsisikap mo balang-araw.

Kung madalas kang pinadadalhan ng pera ng magulang mo through Palawan Express, mas malaki ang matitipid mo kung may sarili kang Suki card para may rebates kang matatanggap when claiming money remittance. Ibig sabihin, bukod sa halagang ipinadala sa ‘yo, may dagdag na amount ka pang makukuha after mong ipakita ang Suki card mo. Astig, ‘di ba? Dagdag din ‘yan sa ipon mo para hindi ka na laging nagtya-tyaga sa instant noodles at free taste. 

5. Bigger discounts with Triple Your Discount Promo!

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Yes, you read that right, mga suki! Handog ng Palawan Express ang Triple Your Discount Promo sa bawat pera padala transaction ng mga Suki cardholder. Mula August 1 to October 31, 2017, maaari mong ma-enjoy ang tripleng diskwento sa iyong money remittance sa alinmang Palawan Pawnshop branches at Palawan Express Pera Padala agents sa National Capital Region at Rizal. Sulitin na ang mas pinalaking discount para sa cardholders, mga suki!