Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Suki, alam namin na hindi madaling pagsabayin ang pag-iipon at pagbabayad ng insurance, lalo na sa harap ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa araw-araw. Maraming Pilipino ang gustong magkaroon ng financial security, ngunit madalas, inuuna ang pangangailangan sa pagkain, tirahan, at iba pang pangunahing gastusin bago ang insurance.
Sa kabila nito, lumalago ang insurance industry sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng disposable income at paglaki ng middle class. Noong 2023, umabot sa ₱390 bilyon ang halaga ng insurance premiums sa bansa—72% na pagtaas mula 2016. Gayunpaman, nananatiling mababa ang insurance penetration rate sa mas mababa sa 2%, dahil sa kakulangan ng kaalaman at abot-kayang insurance plans para sa maraming Pilipino.
Aaamin natin kung ano ang insurance, paano ito makakatulong sa iyong financial planning, at paano mo ito maisasama sa budget ng hindi ka nahihirapan!
Paano isabay ang insurance sa financial planning
Maraming hindi nakasisiguro kung ano ang insurance at paano ito makakatulong sa kanilang financial planning. Kahit ganito, tumataas ng numero ang mga Pilipinong may insurance dahil sa mas mataas na awareness at digital innovations.
Para sa marami, ito ay isang paraan upang maprotektahan ang kanilang ipon at matiyak ang financial security ng pamilya. Pero, hindi pa rin maiiwasan ang tanong—kaya ba ito ng budget?
Huwag mag-alala, Suki! Narito ang ilang tips para hindi masakripisyo ang ipon habang may proteksyon:
1. Alamin ang tamang coverage.
Huwag kumuha ng insurance na sobra sa kailangan mo! Piliin ang sakto sa iyong lifestyle at budget.
Hindi lahat ng insurance plans ay pareho—mayroong life insurance, health insurance, accident insurance, at iba pa. Mahalagang malaman kung ano talaga ang kailangan mo batay sa iyong sitwasyon.
Kung ikaw ay breadwinner, baka mas kailangan mo ng life insurance para maprotektahan ang pamilya mo sakaling may mangyari sa iyo.
Kung madalas kang magkasakit o may existing medical condition, maaaring mas mainam ang isang comprehensive health insurance plan.
Dapat ding isaalang-alang ang iyong budget—hindi praktikal na kumuha ng insurance na hindi mo kayang bayaran sa long term.
2. Pumili ng affordable at worth-it na insurance plans.
Ihambing ang iba’t ibang providers at hanapin ang planong swak sa iyo.
Huwag agad kumuha ng unang insurance plan na makita. Maraming insurance providers na may iba’t ibang alok—ang ilan ay may mas murang premiums pero may mas mababang coverage, habang ang iba naman ay may mas mahal na premium pero mas malawak ang benepisyo.
Gumamit ng comparison tools o humingi ng payo sa insurance advisors upang malaman kung alin ang pinaka-worth it sa iyong sitwasyon.
Hanapin ang “hidden fees” o extra charges na maaaring hindi agad malinaw sa kontrata.
3. Samantalahin ang government programs.
Ang gobyerno ay may mga libreng o subsidized insurance programs na dapat samantalahin. May coverage or benefits para sa mga empleyado sa pampubliko at pribadong sektor galing sa PhilHealth, Pag-IBIG, SSS, at GSIS:
PhilHealth: May health coverage para sa mga miyembro, kabilang ang hospitalization, laboratory tests, at iba pang medical services.
SSS at GSIS: May death benefits, disability benefits, at retirement benefits para sa mga miyembro.
Pag-IBIG: Bukod sa housing loans, may provident savings na maaaring i-withdraw kapag kailangan.
Kung employed ka, siguraduhin mong updated ang contributions mo para makuha ang maximum benefits na ino-offer ng mga programang ito.
4. Gumamit ng money-saving strategies.
Mahirap pagkasyahin ang lahat ng gastusin, kaya mahalaga ang tamang pagba-budget upang masiguradong may sapat na pondo para sa insurance.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi kumukuha ng insurance ang iba ay dahil iniisip nilang dagdag gastusin ito. Pero sa tamang pagba-budget, kaya itong pagkasyahin.
Pwedeng magsimula sa mas maliit na insurance premiums at unti-unting mag-upgrade habang lumalaki ang kita.
Magbawas ng unnecessary expenses tulad ng impulse shopping o subscription services na hindi madalas ginagamit para magkaroon ng extra budget sa insurance.
5. Mag-track ng expenses at gumamit ng budgeting tools.
Makatutulong ang mobile apps at spreadsheets para makita kung saan napupunta ang pera mo.
Mahalaga ang financial awareness—kapag alam mo kung saan napupunta ang pera mo, mas madali mong maa-adjust ang budget para maisama ang insurance payments.
Gumamit ng budgeting apps tulad ng Mint, YNAB (You Need a Budget), GoodBudget, o Money Manager nang ma-track automatically ang kita at gastos mo.
Pwede ring gumamit ng simpleng Excel o Google Sheets para manwal na i-record ang expenses at makita ang cash flow mo bawat buwan.
Kapag na-track mo na ang iyong gastos, mas madaling maghanap ng paraan upang maglaan ng pondo para sa insurance.
6. Mag-set ng malinaw na financial goals.
Itakda ang tamang target para sa insurance at ipon para siguradong hindi ka lumilihis sa plano.
Bahagi ng pangmatagalang financial security ang insurance, kaya dapat may malinaw kang layunin kung bakit mo ito kukunin.
Halimbawa, kung nais mong makasigurado na hindi ka magkakaproblema sa medical expenses sa hinaharap, dapat kang mag-set ng goal na makakuha ng health insurance na sakto sa iyong medical needs.
Kung gusto mong protektahan ang pamilya mo, maaaring mag-focus sa life insurance na may sapat na coverage para sa kanila.
Magkaroon ng step-by-step plan—halimbawa, sa unang taon ay maliit muna ang insurance premium, tapos unti-unting taasan habang lumalaki ang kita.
Paano pagsabayin ang insurance at savings sa budget
Suki, gusto mong makasigurado na may sapat kang ipon habang may insurance para sa proteksyon? Hindi kailangang pumili sa dalawa—pwedeng pagsabayin ang pag-iipon at pagkuha ng affordable insurance para sa mas secure na kinabukasan. Sa tamang financial planning, maaari mong gawing parte ng budget mo ang insurance nang hindi naaapektuhan ang iyong savings. Narito ang ilang diskarte para mapanatili ang balance sa iyong pera:
Gumawa ng personal budget. Alamin kung magkano ang pumapasok at lumalabas na pera para mas madaling hatiin ang kita sa savings, insurance, at gastusin.
Gumamit ng budgeting tools. Pwedeng gumamit ng mobile apps o simpleng notebook para i-track ang kita at gastos.
Iwasan ang impulse spending. Siguraduhin na inuuna ang mahahalagang bagay bago gumastos sa luho.
Sundun ang 50/30/20 rule. Isa ito sa pinaka-simpleng paraan para tiyakin na may tamang pondo ka para sa lahat ng aspeto ng buhay mo—kasama na ang insurance! Narito kung paano ito gumagana:
50% ng kita – Para sa needs tulad ng pagkain, kuryente, tubig, at syempre, insurance para sa financial security.
30% ng kita – Para sa wants o luho, tulad ng branded na kape, shopping, at travel.
20% ng kita – Para sa savings at emergency fund.
Ang insurance ay isang priority expense dahil ito ang magbibigay ng proteksyon laban sa hindi inaasahang gastusin. Kaya siguraduhin na kabilang ito sa 50% na budget mo!
The pay-yourself-first method. Kapag sweldo day, saan mo unang dinadala ang pera mo? Kung gusto mong maging financially secure, unahin muna ang savings at insurance bago ang ibang gastusin!
I-automate ang savings. Mag-set up ng auto-transfer para direkta nang mailaan ang savings mo.
Mag-ipon ng pang-emergency fund. Para hindi mo kailangang gumamit ng savings o mangutang kapag may biglaang gastos.
Siguraduhin ang financial security gamit ang Palawan Pawnshop Insurance!
Para mas mapadali ang pagsabay ng insurance at savings, pwede mong tingnan ang iba't ibang Palawan Pawnshop ProtekTODO Insurance options tulad ng:
Solo Insurance, Family Insurance, Group Insurance, Health Insurance, at Negosyo Insurance para sa iba’t ibang pangangailangan mo.
Ang tamang financial planning ay susi sa pagsabay ng insurance at ipon. Narito ang mahahalagang puntos mula sa guide na ito upang matulungan kang gumawa ng mas maayos na desisyon.
Para sa iba pang katanungan, maaari ring bumisita sa FAQ page o sundan ang Facebook at Instagram pages ng Palawan Pawnshop para sa mga pinakabagong updates.