Palawan Express Deals na Dapat Mong Subukan sa New Normal

Blog

October 02, 2020

Palawan-Express-Deals-na-Dapat-Mong-Subukan-sa-New-Normal

Hindi na bagong sabihin na nasa new normal na ang Pilipinas, suki. May mga bagay na nagagawa natin dati na hindi na natin kayang gawin ngayon tulad ng paggagala at pagliliwaliw. Pero may mga taong di alintana itong new normal tulad na lang ng mga tsismosang kapitbahay mo na may meeting pa rin sa tapat ng gate ‘nyo!

Isa sa mga nabago ng new normal ay ang paraan ng ating pag-transact ng pera. Hindi na basta-bastang makakalabas lumabas para lang magdeposit at magpadala ng pera sa bangko. Hindi na rin madaling magbayad ng bills dahil na-e-expose mo ang sarili mo sa virus sa pagpila sa bayad centers.

Sa ganitong panahon natin makikita na hindi tayo pinabayaan ng Palawan Express Pera Padala sa bago nilang handog na Online Padala service! No more pila, at higit pa, no more risk na mahawa tuwing magpapadala ng pera sa mga mahal natin sa buhay dahil sa serbisyong ito. Subukan ang online padala ng Palawan Express Pera Padala na ito with this wais guide!

Pero anu-ano pa ba ang ibang bagay na ginawa ng Palawan Express bukod sa mas pinadaling remittance ng pera upang alagaan ang kanyang mga suking katulad mo? Basahin ang mga sumusunod upang malaman.

1. Namamahagi si Palawan Express ng life-saving tips at guides.

health-tips-guide
Photo courtesy of
TotalShape via Unsplash 

Tumutulong ang Palawan Express sa ating mga bayaning medical frontliners sa pamamagitan ng pamamahagi nito ng accessible at madaling intindihin na impormasyon sa kung ano ba ang coronavirus at mga dapat tandaan habang lumalaganap pa ito sa bansa. Mahalagang alagaan ang sarili Suki, kaya tumutulong si Palawan Express na paalalahanan ka sa mga tamang paraan upang makaiwas sa sakit.

Ilan pa sa mga impormasyong maaari mong mabasa sa Palawan Pawnshop website ay ang mga article tungkol sa tamang pag-aalaga ng sarili para maging healthy.

Kaya suki, bukod sa iyong pagbababad sa social media sites para sa mga chika minute updates tungkol sa mga paborito mong artista, ugaliin ring bisitahin ang Palawan Pawnshop blog para sa mga life tips nito at para lagi kang updated sa bago nilang mga offerings.

2. Nagtuturo si Palawan Express ng money management tips. 

money-management-1

Photo courtesy of Karolina Grabowska via Pexels.

Napakahirap mag-ipon at magtipid sa new normal, Suki. Akala natin porke’t nasa bahay tayo, eh wala nang gagastusin kaya’t gulat na lang natin sa laki ng bills na kailangan nating harapin tuwing darating ang sweldo natin. 

Ilan sa mahahalagang tips na maaari mong sundin ay ang 8 financial bucket list na ito upang masigurado mong secure ang iyong funds para sa pamilya. Ngunit hindi lang para sa mga matatanda ang mga money management tips na ito. Marami ring finacial tips para sa mga bagets at estudyante na swak na swak sa mga kabataang nagnanais maging handa para sa kanilang kinabukasan.

Kaya kung may tanong ka tungkol sa pagtitipid, huwag mong tanungin kay Batman. Tanungin at tawagin si Palawan Express!

3. Nagbabahagi si Palawan Express ng work at business opportunities.

business-opportunities

Photo courtesy of Sebastian Hermann via Unsplash.

Naghahanap ka ba ng business opportunity na surebol na papatok sa publiko? Subukan mong makipag-partner kay Palawan Pawnshop upang magbukas ng sarili mong remittance center, Suki!

Malakas na negosyo ang pagkakaroon ng sarili mong Palawan Pawnshop branch dahil napakaraming kababayan natin ang umaasa sa serbisyong pampublikong na pinadali ng remittance service na ito.

Napakaraming dahilan kung bakit the best partner si Palawan Express sa iyong bagong business venture. Bukod sa mataas na bilang ng mga Pinoy na dumadayo sa 3,000 branches ng Palawan Pawnshop sa buong Pilipinas, marami ring mga OFW na Palawan Pawnshop lang ang pinagkakatiwalaang partner sa pagpapadala nila ng pera sa kanilang pamilya.

Napatunayan ng Palawan Pawnshop sa mahigit 30 taon nitong pagtulong sa sambayanan na mapagkakatiwalaan sila ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Kaya ang pakikipag-partner sa Palawan ay hindi lamang upang kumita ka ng pera, isang paraan din ito upang tulungan ang mga mamamayang nangangailangan ng serbisyo’t tulong nito.

4. Maraming services sa Palawan Express bukod sa online padala.

pawning-service

Photo courtesy of Gwen Weustink via Unsplash.

Pinakapopular talaga ngayon ang hassle-free padala service sa gitna ng pandemyang COVID-19 ng Palawan Express. Ngunit hindi lamang ito ang handog sa’tin ng ating trusted partner.

Kay Palawan Express ka rin makakahanap ng pinakasulit na deal kung balak mong magsangla ng iyong alahas. Sa Palawan Pawnshop pawing services, makakasigurado kang lagi mong nakukuha ang best deal dahil sa mababang 1% bracketed interest scheme rate. Ibig sabihin nito na hindi mo lang mabilis makukuha ang perang kailangan mo, mabilis mo ring matutubos ang iyong sinangla para makapag-pawn ka ulit sa future.

Higit sa lahat, pwede kang maging proud VIP Suki ng Palawan Express kapag nag-avail ka ng Suki Card na punong-puno ng perks at benefits tulad ng discount sa remittance at pawn interest fees, ProtekTODO insurance fees, at 10% off sa mga alahas na maaari mong bilhin sa kanila.

Kaya bago ka maghanap ng iba, alamin ang mga service na handog ng loyal partner mong Palawan Express upang masiguradong malulubos mo ang bawat financial transaction mo.

5. Maraming buhay na ang natulungan ng Palawan Express sa adbokasiya nito.

tulong-sa-adbokasiya

Palawan Express Tennis League Photos.

Higit sa misyon ng Palawan Express na gawing best ang bawat transaction ng mga Suki nito. Pangunahing advocacy din ng Palawan Pawnshop na tulungan ang mga kapatid nating higit na nangangailangan sa iba’t-ibang programa nito.

Ilan sa mga natulungan na ng Palawan Express ay ang mga mag-aaral sa Visayas na ginawaran ng scholarship upang sila’y makapagtapos ng pag-aaral. Nag-umpisa ang pamamahagi ng scholarship na ito sa Palawan State University hanggang nakaabot na sa Western Philippine University.

Hindi rin pinabayaan ni Palawan Pawnshop ang mga tennis athletes na pinoy. Sinigurado nilang maaabot ng mga kabataang ito ang kanilang mga pangarap sa tulong ng mga sponsorships. Ilang tanyag na koponang natulungan ng Palawan Pawnshop ay ang UP (Unibersidad ng Pilipinas) Men’s and Women’s basketball teams.

Tandaan na hindi lamang sa remittances maasahan si Palawan Express. Sila rin ang best partner mo sa iba’t ibang uri ng financial transactions tulad ng pagsasangla at pag-aaral tungkol sa financial budgeting.

Bukod dito, marami ring impormasyong makikita sa kanilang website na magtuturo sa’yo ng iba’t bang lifehacks na dapat mong malaman sa new normal.

Kaya Suki, kahit hindi mo pa nakikita ang magiging romantic partner mo in life, makasisigurado kang laging nandito ang Palawan Pawnshop para magsilbing financial partner mo sa buhay.

Share: