OFW Investment at Budgeting: Gawing Matibay ang Pondo ng Iyong Pamilya

Blog

March 28, 2025

Malaking hamon ang tamang pamamahala sa mga remittance na ipinapadala ng inyong mga mahal sa buhay na nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFWs). 

Ang bawat pera padala ay bunga ng kanilang pagsisikap at sakripisyo, kaya't mahalagang magamit ito nang wasto upang mapabuti ang kinabukasan ng inyong pamilya. 

Umabot sa $38.34 bilyon ang remittances mula sa mga OFW noong 2024, na tumaas ng 3% kumpara noong 2023. Napakikita nito ang patuloy na pagtaas ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Gayunpaman, ipinapakita rin ng mga pag-aaral na ang mga pamilyang umaasa sa remittance ay madaling maapektuhan ng mga economic shocks kung hindi wasto ang pamamahala sa kanilang mga natatanggap na pondo. Sa pamamagitan ng tamang pagba-budget at pag-invest, maaari nating masiguro na ang bawat pisong ipinapadala ay magdudulot ng positibong epekto sa pangmatagalang katatagan ng inyong pamilya.

Tatalakayin natin ang mga budgeting strategies at mga paraan upang mapalago ang inyong mga natatanggap na remittance para sa pangmatagalang katatagan sa inyong pamilya.

Paano makakasiguro na hindi masayang ang pinaghirapang remittance?

03272025-500s-on-white-tablePhoto courtesy of Mari Gimenez via Unsplash

Mahalagang matutunan natin kung paano maipon at mapalago ang mga pondong ito upang matiyak ang long-term stability at financial security ng ating pamilya. Ano ano nga ba ang mga nakakaapekto at nagiging hadlang sa pag iipon ng mga pamilyang Pilipino?

Common financial struggles 

Madalas, ang OFW remittances ay napupunta sa pang-araw-araw na gastusin, at nahihirapan makaipon ang mga nakatatanggap nito para sa kanilang long-term goals. Noong 2019, nasuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.2% lamang ang mga OFW na nakakapag-invest, habang ang karamihan ay nagagamit sa pagkain, tirahan, at edukasyon. Sa ganitong pattern, maaaring magkulang ang pondo para sa mga long-term goals na may kalakihan sa gastos. 

Kahalagahan ng smart budgeting and investing

Kadalasang naghahanap ng trabaho ang mga OFW bungang kahirapang makahanap ng malaking kita dito sa Pilipinas na makasasapat sa pangangailangan ng ating mga pamilya. Kasama dito ang posibilidad ng pagkukulang sa kaalaman tungkol sa smart budgeting, at paano makalalaan ng tamang porsyento na magkakasya para sa mga bayarin. 

Sa tulong ng maagang pagpaplano at paglalaan ng pondo sa mga tamang investment at insurance products, maaaring mapabilis ang pag-abot sa financial independence at retirement. Interesado naman ang mga dependent ng OFW na makapag ipon at makapag invest, at nakakatulong din ang mga financial literacy programs para magkaroon ng karamihang alam ang mga nagma-manage ng remittances para sa kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga financial challenges at kahalagahan ng smart budgeting and investing, mas mapapabuti natin ang paggamit ng remittances para sa pangmatagalang katatagan ng pamilya. Sa susunod na seksyon, tatalakayin natin ang mga konkretong paraan kung paano mag-budget ng remittance mula sa ating masisipag na OFWs. 

Ways to budget the remittance from our hardworking OFWs

03272025-person-using-a-laptop-computer-on-a-bedPhoto courtesy of Sincerely Media via Unsplash

Narito ang ilang tried-and-tested steps na maaaring subukan upang maisama sa pag budget ng remittances ang savings and investment options. Kailangan ding makapili ng investestment plan na pasok sa long-term goals ng ating mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Pag-manage ng remittance para sa long-term stability

Tiyaking mapapahalagan, magagmit ng wasto, at mapapalago ang pera padala ng iyong mahal sa buhay, kaya mahalagang ito’y mapapakinabangan nang matagal. Sa tamang pagba-budget at paglalaan ng pondo sa mahahalagang aspeto kagaya ng pang-araw-araw na gastusin, ipon, at investment, makakamit natin ang financial stability ng pamilya. Narito ang ilang praktikal na hakbang upang ma-manage ang remittance nang mas maayos at mas mapakinabangan ito sa mahabang panahon.

  • Hatiin ang budget. Mahalagang paghiwalayin ang mga pondo para sa essentials tulad ng renta, pagkain, at kuryente; savings; investments; at emergency fund. Makatutulong ang ganitong sistema upang masubaybayan ang paggastos at masiguro na may maitatabing pondo para sa kailangan gastusin.
  • Mag-set ng limit sa mga gastusin – pwedeng makipag tulungan nang magkakasama ang pamilya nang mailatag ang kahalagahan ng pagtitipid. Makatutulong ang pagkakaroon ng malinaw na komunikasyon tungkol sa financial goals nang maiwasan ang labis na paggastos.
  • Gamitin ang tamang tools. Subukan ang paggamit ng budgeting apps, ang "envelope method," at automatic savings nang ma-test kung alin ang mas madaling masundan para sa paggastos at pag-iipon.

Emergency fund at abot-kayang insurance

Hindi natin alam kung kailan darating ang mga hindi inaasahang gastusin tulad ng pagkakasakit, pagkawala ng trabaho, o iba pang emergencies. Dahil dito, mahalagang magkaroon ng sapat na emergency fund at insurance upang protektahan ang pamilya mula sa biglaang financial stress. Di na rin kailangang malula sa biglaang gastos , dahil may mga abot-kayang insurance at madaling paraan para makapag-ipon ng emergency fund kahit paunti-unti.

  • Magkaroon ng emergency fund. Mahalaga ang pagkakaroon ng ipon na katumbas ng 3-6 na buwang gastusin upang masagot ang mga biglaang pangangailangan. Nagbibigay seguridad ang pagkakaroon ng ganitong pondo sa oras ng kagipitan.
  • Huwag matakot sa insurance. Hindi lamang para sa mayayaman ang insurance – mayroong mga abot-kayang options para sa OFWs at ang kanilang mga pamilya! Nakapagbibigay ng peace of mind ang pagkakaroon ng insurance laban sa mga hindi inaasahang pangyayari.
  • ProtekTODO Insurance. May abot-kaya, mura, at madaling makuhang insurance galing sa Palawan Pawnshop tulad ng ProtekTODO, na nagbibigay ng proteksyon sa pamilya lalo na sa panahon ng emergency.

Gold, negosyo, at iba pang pwedeng pagkakitaan

Bukod sa simpleng pag-iipon, ang pagpapalago ng pera sa pamamagitan ng tamang investment ay susi sa pangmatagalang financial security. Maraming pwedeng pagpilian ang mga OFWs na paglaanan ng kanilang puhunan, tulad ng gold jewelry, negosyo, stocks, at real estate upang mapalakas ang kanilang kita. Paano maaaring gawing asset ang perang padala sa pamamagitan ng matalinong investment choices? 

  • Gold jewelry investment - Lalong lumalago ang value ng gold, sunod sa pag promote ng BSP ng kanilang “active management strategy” sabay ng pagtaas ng presyo nito sa market. Sa pagbili ng OFWs ng gold, makakaranas din sila ng pagtaas ng value nito at madaling isangla kung kailangan. Ang gold ay isang matatag na investment na maaaring magsilbing pondo sa oras ng pangangailangan.
  • Small business o negosyo - Nakatutulong ang pag-invest sa sariling income source para hindi lamang umasa sa padala. Pwedeng makapagbigay ng karagdagang kita at oportunidad ang pagkakaroon ng maliit na negosyo para sa paglago ng pondo.
  • Iba pang investments - Pumili ng investment na swak sa budget at risk tolerance. Nakatutulong ang diversification ng investments na mapalago ang pondo, nang hindi malugi sa iisang investment option.

Pagpapabuti ng financial literacy para sa mga OFW families

Ang tamang kaalaman sa paghawak ng pera ay kasing halaga ng mismong remittance. Kung ang pamilya ay marunong mag-budget, mag-invest, at magplano para sa hinaharap, pwede na silang hindi umasa sa padala kundi maging mas financially independent din. Pag-uusapan natin ang mga hakbang upang mapalakas ang financial literacy ng OFW families at matiyak na ang bawat piso ay ginagamit nang tama:

  • Turuan ang buong pamilya kung paano mabuti na humawak ng pera. Mahalaga ang pagkakaroon ng financial literacy upang masiguro na ang mga padala ay nagagamit nang tama at may naitatabi para sa long-term goals.
  • Gawing habit ang pag-uusap tungkol sa pera. Mag-set ng financial goals together as a whole family. Makatutulong ang regular na pag-uusap tungkol sa financial status at goals na mas maging responsable sa paggastos at pag-iipon.

Bakit Palawan Express Pera Padala ang tamang remittance partner?

Bilang suki ng Palawan Express Pera Padala, makaaasa ka sa mura, mabilis, at walang kuskos-balungos na serbisyo sa pera padala. Sa kanilang malawak na network ng higit sa 6,000 locations nationwide, siguradong makakarating ang inyong padala saan man sa bansa. 

Sa tamang pagba-budget, pagkakaroon ng emergency fund, pag-invest sa mga tamang produkto, at pagpapabuti ng financial literacy, masisiguro natin na ang bawat pisong ipinapadala ng ating mga mahal na OFWs ay magdudulot ng long-term stability para sa ating pamilya. Ang Palawan Pawnshop at Palawan Express Pera Padala ay nandito para maging kaagapay ninyo sa pagkamit ng inyong financial goals.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng Palawan Pawnshop at Palawan Express Pera Padala, maaari mong tingnan ang kanilang FAQs, o sundan sila sa Facebook.

Share: