Bakit Pinipili ng mga Pinoy ang Palawan Express sa Money Transfer

Blog

August 23, 2023

bakit-pinipili-ng-mga-pinoy-ang-palawan-express-sa-money-transfer-121123

Ang money transfer o pera padala ay hindi na bago dito sa Pilipinas. Walang duda na normal para sa atin ang mag-padala at tumanggap ng pera sa pamamagitan ng mga money transfers at remittances.

In fact, kilala ang Pilipinas bilang isa sa apat na top remittance destinations sa Asia. Saan ka man naroroon sa mundo, tiyak na merong remittance center na tutulong sayo para mapabilis at mapadali ang pagpapadala at pagtanggap ng pera.

Kung pera padala lang naman ang usapan, may isang pangalan na talaga namang kilalang-kilala ng mga Pinoy— walang iba kung hindi ang Palawan Express!

Baka nagtataka ka, "Bakit nga ba Palawan Express?" May mga solid kaming dahilan kung bakit. Tara, basa na!

Iba’t Ibang Klase ng Money Transfer Services Sa Pilipinas

  1. Bank Transfer
  2. Wire Transfer
  3. Online Transfer
  4. Remittance Centers

Napakarami nang mga pera padala services na pwedeng pagpilian sa ating bansa. Para kang naglalakad sa mall na may maraming options! Pero teka, ano ba ang mga features at benefits na binibigay nila?

Sa bank transfer, parang binibigyan ka ng VIP treatment. Kumbaga, feeling may bangko kang sarili.

Sa wire transfer, ito ay isang uri ng bank transfer na karaniwang mas mabilis at mas mahal kaysa sa karaniwang na bank transfer. Karaniwang ginagamit ito sa malalaking transaksyon o mga international money transfer.

Sa online transfer, parang nagsha-shopping ka online, pero ang ino-order mo ay padala! Send money online ay solve na! Ang saya, 'di ba?

At sa mga remittance centers, parang nagpapadala ka ng regalo sa loved ones. Hindi mo lang sila masosorpresa, pati ang wallet mo ay sasaya rin! Madalas itong may maraming branch locations. Kahit saan ka man naroroon sa Pilipinas o maging sa ibang bansa, siguradong may mapupuntahan kang outlet nila para sa local and international money transfers.

Kung anuman ang piliin mo, siguradong may paraan para mapabilis at mapadali ang pagpapadala ng pera. Sulit na sulit, ka-Suki!

Why Choose Palawan Express Para sa Pera Padala?

1. Sulit ang money transfer service

a close up shot of philippine coinsPhoto courtesy of Angie Reyes via Pexels

Nakakastress talaga kapag magpapadala ka na ng pera at ang laki ng dagdag na service fee. Gaya na lamang, halimbawa ng bank-to-bank transfer na may charge na PHP 10 hanggang PHP 30. Sa halip na makakaipon ka pa ay dagdag konsumisyon mo pa.

Kaya mas pinipili ng mga Suki ang Palawan Express sa pera padala dahil sa low transaction fee. Imagine Suki, for as low as PHP 2 makakapag-padala ka na ng pera! Perfect na perfect para sa ating mga Suki na maraming pinapadalan all over the Philippines.

2. Madaling makita sa 2,500+ locations ng Palawan Express

Kahit saan ka man pumunta, laging may Palawan Express branch saan mang sulok ng bansa. Napakaraming options para makapag-transfer ng money at pati na rin sa makakapag-claim nito.

Ang Palawan Express ang largest remittance center sa Pilipinas na may mahigit na 2,500 branches sa more than 30 years of experience. Kaya subok na subok na kami sa serbisyo ng pera padala.

At ang maganda pa dito ay may mobile application ng money online— ang PalawanPay. Kaya safe magpadala at makatanggap ng pera. Mata-track mo pa ito. Dito, no need to travel far, Suki!

3. Mabilis at maasahan na money transaction

white mug with coffee beans beside brown walletPhoto courtesy of Lukas via Pexels

Si Palawan Express ay para lang naglalakbay sa bilis ng hangin. Kapag nagpadala ka dito, mabilis niyang naipapadala ang pera mo sa mga taong mahalaga sayo.

Paano? Simple lang yan!

  • Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Express outlet.
  • Isulat ang mga kailangan na impormasyon sa Send Money Form. Siguraduhing na-fill-out mo ang iyong pangalan at cell phone number pati pangalan at cellphone number ng recipient.
  • Kapag kumpleto na ang form, ilagay ito kasama ng iyong valid ID sa tray na nasa counter.
  • Hintayin na tawagin ng staff ang iyong pangalan at bayaran ang principal remittance at kaukulang fee.
  • Pirmahan ang form at kunin ang iyong kopya.

At para naman sa mga magpapadala through mobile ang PalawanPay ang magsisilbing gabay sayo. Heto ang proseso na dapat mong sundin:

  • Kailangan i-tap ang Send-Money icon sa Palawan Pay homepage
  • Ilagay ang number ng receiver.
  • Ilagay ang halaga at ifill-out ang mga required fields.
  • Piliin ang “Purpose” mula sa dropdown options.
  • I-click ankg “Next” at i-confirm ang mga detalye ng receiver, amount at iba pa.
  • Tapos, i-enter ang MPIN at antayin ang transaction details.

O’ diba walang kuskos-balungos. Wala ng ekstra na dokumento. Sundin lang ang mga steps na ito at paniguradong matatapos ng mabilis 'yan!

4. Safe at maasahan na pera padala

two person holding handsPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Siguradong mapapabilib ka dahil safe and reliable ito! Efficient ang serbisyo ng mga partners nito abroad, kaya naman ito ang best way to send money in the Philippines.

Bukod dito, mahaba ang listahan ng international remittance partners ng Palawan Express. Safe ang bawat transaction mo dahil sa centralized system nito. Ang lahat ay nasa isang database lang para kahit saan pa ginawa ang transaction, makikita at madaling mata-track.

At isa pa, makakatanggap ka ng confirmation text whether you’re sending or receiving money. Kaya panatag ka talaga.

Sa kabuuan, kapag gumamit ka ng Palawan Express para magpadala ng pera, panalo ka talaga, Suki! Ito ang solusyon sa mga hassle at abalang money transfers. Mabilis, mababa ang fees, at tiyak na ligtas pa!

Gayun din, sana ay may natutunan kayo sa mga tinalakay natin – mula sa cost-effectiveness, accessibility, efficiency at security and reliability.

Kaya tara na Suki at subukan ang Palawan Express sa iyong next money transaction! Ito ang perpektong choice para sa iyo!

Share: