Palawan Express Service Na Maaasahan Mo Sa Lahat Ng Oras

Blog

December 03, 2021

palawan-express-service-og-image

Dito sa Palawan Express, ikaw ang bida. Lahat ng pera padala na kailangan mo ay mas pinabilis at mas pinadali, dahil ganon ka ka-importante para sa amin, Suki!

Kaya naman habang nagbabago ang mundo dahil sa teknolohiya at mga pangyayari tulad ng pandemya, sinisigurado pa rin naming da best ang pera padala namin!

Ang Palawan Express Pera Padala ay available sa kahit anong pinakamalapit na branch sa buong bansa. Ang Palawan Express Online Padala naman ay ang pinakamadaling online pera padala service.

woman-in-black-long-sleeve-shirt-using-macbook-1Photo courtesy of Magnet.me via Unsplash

At alinman ang mapili mong pera padala service, siguradong ang team namin ay nandyan para tulungan ka at sagutin ang iyong mga pangangailangan sa pera padala.

Hindi sigurado kung alin ang da best pera padala service para sayo? Basahin ang mga benepisyo ng Palawan Express Online Padala at Palawan Pera Padala para malaman kung alin ang dapat mong gamitin na Palawan Express service.

1. Laging available at accessible ang mga serbisyo

Ang hirap ng panahon ngayon, Suki. Kaya hindi ka namin masisisi kung kinailangan mong umutang sa iyong beshies ngayon. Pero syempre, dapat wag mong kalimutan na bayaran sila, lalo na kung kinakailangan na nila ang hiniram mong pera.

Pagdating sa hassle-free pera padala para makapagbayad-utang, andito lagi ang Palawan Pera Padala service na may over 3000+ branches sa lahat ng sulok ng Pilipinas: mapa-Luzon, Visayas, at Mindanao pa yan. Bukas ang mga branches na ito ng 8:00 AM - 5:30 PM.

Pero kung hindi ka man makakalabas para pumunta sa pinakamalapit na Palawan Express branch, pwedeng pwede mong gamitin ang aming Palawan Express Online service! Mabilis lang ito tulad ng aming on-site padala service. Siguraduhin nga lang na may maayos kang internet service o magandang mobile data signal. Ang mga transkasyon din na gagawin pagkatapos ng 4PM ay maproprocess na sa kasunod na araw.

person-holding-red-and-beige-twin-bell-analog-alarm-clock-1Photo courtesy of Malvestida Magazine via Unsplash

2. Mabilis at maikli lang ang oras sa pagproproseso

Sa Palawan Pawnshop, tunay na express padala ang mabibigay namin sayo. Hindi mo na kailangang pumirma ng pagkarami raming forms para lang makapagpadala. Sobrang bilis at dali lang ng aming mga proseso, kaya siguradong hassle-free ang pera padala ngayong COVID-19. Makakauwi ka kaagad kaysa matagalan sa pagkahaba habang pila.

Kung nais mo naman ng isa pang mabilis at madaling pera padala service gamit lang ang iyong cellphone, nandyan lang ang Palawan Express Online Padala. Ugaliing magtanong at tingnan ng maayos ang mga tinatype na pangalan at numero online, dahil pag napasa mo na ito sa aming system, medyo mahirap na rin ito baguhin.

3. Status? It is never complicated!

Sawa ka na ba sa kakatanong kung ano na nga ba ang status nyo? Wag ka mag-alala dahil sa Palawan Express Pera Padala, hindi ka namin paiikutin o paaasahin. Gamit ang mga contact details na nilagay mo sa iyong sinulatang form, sisiguraduhin naming updated ka at ang pinadalhan mo tungkol sa iyong pera padala. Makakareceive ka kaagad ng text message na tunay na waley hasul!

Kung nais mo rin namang magpadala online, makakareceive ka rin ng mabilisang update sa aming online pera padala system. Gamit din ang Palawan Express Online Padala, siguradong may marereceive rin na karagdagang mensahe ang iyong mga Mars at Pards galing sa kani-kanilang bangko...dahil successfully transferred na sa kanilang accounts ang iyong pera padala!

A-person-holding-credit-cards-against-a-white-background-wallPhoto courtesy of Avery Evans via Unsplash

4. Mabilis na padala at pagtanggap

Dahil tayo ay unti unti ng nag-aadjust sa mga pagbabagong dala ng pandemya, maraming mga bagay ang dapat mong i-expect sa new normal. Isa na dito ang mabilisang pagbili o pagkuha ng mga produkto o serbisyo.

At syempre, hindi magpapahuli ang Palawan Express Online Padala para dito. Konting type lang at click, mapapadala mo na at matatanggap na agad ng minamahal mo sa buhay ang perang ipapadala mo.

Paano naman kung may problema ang ibang payment methods ng aming system? 'Wag kang mag-alala Suki, may back-up plan kami kung magkaroon man ng problema ang system niyo.

Kaya naman, kung sakaling mangyari man ito, laging bukas ang aming Palawan Express Pera Padala service. Tulad ng aming online service, napakabilis lang ng padala at siguradong matatanggap din ito agad.

5. Mababait at laging handang tumulong ang mga staff

Totoo naman na lahat tayo ay may problema sa buhay, Suki. Pero hindi ito dahilan upang tarayan o sigawan ka ng kahit sino, ano man ang pinagdadaanan nila. Sa Palawan Express Pera Padala, hinding hindi ka tatarayan ng aming mababait at laging handang tumulong na staff. Papasok ka pa lang ng Palawan Express branch, ready to help na kaagad ang aming mga staff!

Kapag sa Palawan Express Online Padala naman, virtual lang ang magiging pakikisalamuha sayo ng aming mga chat and call representatives. Kahit man sa online, napakababait pa rin ng mga staff. Tutulungan ka nila, step by step, para masigurong maipadala mo ng maayos ang iyong pera.

person-typing-on-silver-MacBookPhoto courtesy of Burst via Unsplash

6. Sobrang dali lang intindihin ng sistema

Sa buhay ngayon, ayaw natin ng mga sobrang komplikadong bagay. Bakit nga ba natin pahihirapan ang ating sarili, kung pwede namang padaliin ang mga bagay-bagay? Sa Palawan Pera Padala, sobrang dali lang ng aming sistema sa pagpapadala ng pera. Mag-fill up lang ng form at ang ibang mga proseso, sagot na ng aming mga staff!

Sa aming Palawan Express Online Padala naman, hindi mo na kailangang maging techie o expert sa paggamit ng gadgets. Napakadali lang intindihin ng aming sistema, at kung mahirapan ka man, isang chat lang sa aming mga chat at call representative, may nakahandang i-guide ka sa aming online service!

7. Sulit ang minimum at maximum transactions

Tunay nga na wala ng libre ngayon. Kahit ang mga pera padala services ay mayroong tinatawag na transaction fee. Pero, hindi naman kailangang maglabas ng malaking halaga para rito. Sa Palawan Express Pera Padala, for as low as ₱2, makakapagpadala ka na ng ₱100! O di ba, napakamura lang ng transaction fee!

Maaari mo ring subukan ang aming mga mababang transaction fees sa aming Palawan Express Online Padala. Ngunit, tandaan na hindi kontrolado ng Palawan ang mga transaction fees ng aming mga payment channels. Maaaring may sarili silang transaction fees na nakalaan.

man-in-black-framed-sunglasses-holding-fan-of-white-and-gray-striped-cardsPhoto courtesy of Shane via Unsplash

8. Murang padala rates with Suki Card

Talagang masarap sa pakiramdam kapag ang loyalty mo ay nasusuklian. Hindi naman required manghingi ng kapalit, pero hindi rin naman masama na mag-expect na may ibalik na effort para sa pagiging loyal mo.

Kaya naman sa Palawan Express Pera Padala, ang aming mga loyal customers ay pwedeng pwede kumuha ng aming Suki Card--isang lifetime loyalty card na maraming benefits para sa mga remittance at sangla fees.

Maaari mo ring gamitin ang iyong Suki Card para makakuha ng discounts para sa mga transaksyon mo sa aming Palawan Express Online Padala. Wag kakalimutang magtanong kung paano ito maaavail gamit ang aming online system, at mas maayos pa ring ma-avail ang mga sangla discounts kung ikaw ay pupunta sa isang Palawan Pawnshop branch.

9. May iba’t ibang serbisyo pang pwedeng ma-avail

Kapag tayo ay lalabas ng bahay ngayon, dapat talaga isang lakaran na. Para nga naman iwas COVID-19, iwas pagod ka pa kakabalik-balik sa iba’t ibang establisyemento. At makalimutan mo man magbayad sa mga mall o mga offices para sa mga bills mo, pwedeng pwede mong asahan ang Palawan Express Pera Padala para sa mga bayarin mo. Maaasahan mo ang aming mga pera padala services para sa negosyo, pag-aaral, at iba pang gastusin mo.

Kung hindi naman makakalabas, maaari kang magbukas ng iyong cellphone at magpadala gamit ang Palawan Express Online Padala. Magagamit mo pa rin ang iyong mga kailangan ng serbisyo dito, tulad ng bills payment, tuition fee, pati na rin ang insurance policies mo at remittances.

Kung pera padala lang rin ang pag-uusapan, dun ka na sa mapagkakatiwalaan at siguradong bibigyan ka ng madali at mabilis na serbisyo. Dito ka na sa Palawan Express, mapa-online at offline ka man. At kung nais mong mas maintindihan pa ang pinagkaiba ng aming Palawan Express services, wag mahihiyang magtanong!

Share: