Basta Ligtas at Mabilis na Pera Padala, Palawan Express Online Yan!

Blog

November 08, 2021

Basta-Ligtas-at-Mabilis-na-Pera-Padala-Palawan-Express-Online-Yan

Patuloy pa rin ang mga quarantine protocols sa ating bansa, kaya naman hindi pa rin tayo basta basta makalabas ng bahay. Napakahirap naman manatili lang sa bahay. Kabisado na ata natin bawat sulok ng kwarto natin, kasama na ang mga alikabok at gagamba sa kisame.

Dagdag pa sa isipin natin ay hindi man lang natin magawang makita ang mga beshies natin o mga minamahal na kamag-anak dahil na din sa mga quarantine protocols.

pera-padala-from-home-1Photo courtesy of Firmbee.com via Unsplash

Pero kahit ganyan, alam namin sa Palawan Express na hindi tayong lahat papadaig. Marami ka ng magagawa online ngayon tulad ng pag-videocall at chat sa mga beshies at kamag-anak. Isa pa, maaari ka na ring umorder online ng pagkain, mga damit, at kung ano pang mga budol na nagpapasaya sayo sa online shopping apps.

At tulad ng karamihan, mas pinabilis at pinawais ang pera padala ng Palawan Express. Kaya ano mang pera padala ang kailangan mo ngayong pandemya, siguradong sagot ka ng Palawan Pawnshop.

Alamin ang 4 na paraan para makapag padala ng wais, mabilis, at ligtas sa aming online pera padala service.

pera-padala-from-home-2Photo courtesy of Emil Kalibradov via Unsplash

4 Na Walay-Hasul Ways ng Pera Padala

1. Magpadala gamit ang iyong online wallet

Usong uso na ang mga online wallets ngayon. Isa sa patok na online wallets ngayon ang Coins.PH. Napakadali lang nito gamitin, at easy access pa sa pera padala options ng Palawan Express Online.

Para makapagpera padala gamit ang Coins.PH, piliin ito bilang Payment Option sa Palawan Express Online. Pagkatapos, bayaran ang nais na ipadalang halaga gamit ang iyong email, SMS, Facebook, o kaya ay i-scan ang ibibigay na QR code. Para makumpirma ang bayad mo, ilagay ang naunang 9 digits o characters ng iyong Reference Number para makumpleto ang iyong Palawan Pera Padala form.

‘O di ba? Napakadali lang magpadala gamit ang iyong Coins.PH account!

2. Gamitin ang iyong mga bank accounts

No-hassle pera padala para sa inutang kay beshie? Pwedeng pwede gamitin ang payroll account mo sa mga kilalang bangko tulad ng BDO, BPI, at Unionbank. Kaya wag hayaan masira ang friendship nyo ni beshie. Bayad na agad ng utang, baka kailangang kailangan nya rin ito ngayon. Sabi nga, it’s time to give back.

Magpera padala sa Palawan Express Online gamit ang BDO, BPI, at Unionbank bilang Payment Option. Pagkatapos piliin ang kahit alin sa nabanggit na bangko, pumunta sa mobile app o kaya’y website ng iyong napiling bangko. Bayaran ang ipapadalang halaga sa pamamagitan ng Bank Transfer o Send Money. Kumpirmahin ang bayad sa pamamagitan ng paglalagay ng 8 digits o characters ng Reference Number mo sa iyong Palawan Pera Padala form.

Finally, bayad ka na rin sa utang mo kay beshie. Instant lang gamit ang iyong BDO, BPI, at Unionbank account.

3. Easy padala sa Instapay

Pamilyar ka ba sa Instapay? Ito ang isa sa pinaka kilalang payment option kung gusto mong magpadala at makuha ng ilang segundo lang ang iyong pera padala. O diba? Instant Pay talaga! Kalimitan nga lang, mayroon itong extra charges pag ginagamit. Pero worth it naman, kasi tunay na kalidad at mabilis ang money transfer gamit ito.

Maaari kang magpera padala gamit ang Instapay sa Palawan Express Online. Paalala lang na ito ay para sa bank-to-bank transfer lang. Kaya kung BDO ang padala, BDO lang din ang papadalhan. Kahit medyo may limitasyon man ito, may mga magagandang benepisyo pa rin ang Palawan Express to bank account na option na ito.

4. Buksan lang ang Palawan Express Online Padala Website

Napakalaking tulong ng Palawan Pera Padala website. Meron ng impormasyon na updated tungkol sa aming mga online services, meron pang mga tips at iba pang babasahin para makatulong sa iyong buhay pinansyal. At isa pa dyan, ang mga online services namin ay may mga step-by-step ng mga proseso na madali lang rin intindihin.

Kaya kung balak magpadala gamit ang aming Palawan Express Online Padala website, magpunta lang sa aming main page na Palawan Pawnshop. Makikita sa itaas ng kanang bahagi ng website ang aming “Online Padala” button. Pindutin ito, at pagkatapos ay ibigay ang mga impormasyong hinihingi ng website.

Napakadali lang gamitin ang Palawan Express Online, Suki! Hindi ka pa rin ba kumbinsidong subukan ito? Narito ang mga benepisyo pag pinili mo ang aming online service na mabilis, maaasahan, at ligtas.

pera-padala-from-home-3Photo courtesy of Csaba Balazs via Unsplash

4 na Benepisyo ng Pera Padala Online

1. Mas ligtas sa panahon ng pandemya

Kahit medyo lumuluwag na ang mga quarantine protocols, mahirap pa rin talaga lumabas. Andyan pa rin naman kasi si Mareng COVID. Kaya laging paalala ng mga kinauukulan na hangga’t maaari, umiwas na lang tayong lumabas para rin sa ating kaligtasan.

Sa Palawan Express Online, hindi mo na kailangang magbyahe o lumabas pa ng bahay para lang magpera padala. Pwedeng pwede mong ipadala na lang online ang pera mo. Mabilis ka na ngang nakapagpadala, iwas ka pa sa patuloy na banta ng COVID!

2. Mabilis at maaasahang serbisyo

Balik tayo sa kamag-anak mong nangangailangan ng pera. Emergency yan, kaya kailangan nyang makuha ng mabilis ang pera. Pero dapat, hindi ka rin mamroblema kung dadating bang ligtas at kumpleto ang perang pinadala mo sa iyong minamahal na kamag-anak.

Real-time ang processing ng mga local at international na padala o remittances sa Palawan Express Online. Kaya kalma ka lang! Makakarating agad ang iyong padala ng ilang minuto lang. O diba ang bilis? Makakareceive pa ng text message o notification ang iyong pinadalhan.

3. Sobrang easy lang ng proseso

Hindi naman ibig sabihin na marunong tayo mag cellphone o kaya ay magbukas ng Facebook, alam na natin lahat ng online process. Pagdating naman sa pera padala service, dapat ay madaling intindihin ang padala process.

Kaya naman sa Palawan Express Online, napakadali lang ng proseso. Konti lang ang kailangan para simulan ang transkasyon mo, at wala ng kung ano anong pipindutin o babasahin. At kung may karagdagan kang tanong, maaari mong kontakin ang aming friendly Palawan Pawnshop staff sa email, chat, website, o kaya sa aming mga mobile at landline numbers.

4. Status: it’s not complicated!

Complicated man ang lovelife mo ngayon, dito sa Palawan Express Online, hindi ka namin paaasahin o paglalaruan. Seryoso kami sa pagbibigay ng mapagkakatiwalaan at maaasahang serbisyo para sa iyong negosyo, pamilya at mga kaibigan, pag-aaral, at pati na rin sa pagpapagaan ng inyong isipin sa papamagitan ng aming mga magagandang rates at promos.

Ano man ang kailangan mong serbisyo, andito kami. Local o international remittance man yan, bills o tuition fees ng iyong mga anak, pati na rin mga insurance policies, sagot namin yan para sayo. Maaasahan mo kaming tunay, Suki!

Marami mang hindi magandang epekto ang pandemya, mayroon parin tayong mga nadiskubreng magagandang epekto nito sa pamumuhay natin. Mas lalong napabilis at napadali ang ating mga nakasanayang gawain, tulad na lang ng pera padala. Kaya kung may dagdag ka pang katanungan tungkol sa aming online services, wag mahihiyang magtanong sa aming friendly online staff tungkol sa Palawan Express Online Padala.

Share: