Ensure Safely and Be Insured Ngayong Fire Prevention Month

Blog

March 15, 2021

Ensure-Safely-and-Be-Insured-Ngayong-Fire-Prevention-Month

Suki! Maging alisto dahil buwan na ulit ng Marso o mas kilala sa atin bilang Fire Prevention Month. Nakakabahala ang sunud-sunod na balita patungkol sa mga insidente ng sunog kaya mahalaga ang ibayong pag-iingat.

Insurance provides people assurance. Tandaan na bukod sa sunog, napakarami pang accidents na maaaring makatulong ang pagkakaroon ng insurance kaya mahalagang maging protekTODO palagi. Lalo na ngayong may pandemya na kailangan doble-ingat tayo hindi lamang sa ating health, kung hindi pati para sa ating mga assets.

Kaya Suki, huwag hayaan ang dry season na tuyuin ang iyong savings! Make the right choices and decisions. Ayos nang ikaw ang maging marupok huwag lang ang proteksiyon para sa iyong pamilya at mga ipinundar. Dahil sa isang iglap lang, lahat ng iyong pinaghirapan ay maaaring matupok.

Huwag ipagpaliban ang kaligtasan, Suki! Gayahin si Andre Paras na sure sa ProtekTODO insurance niya sa Palawan Pawnshop. Basahin sa ibababa kung paano maging insured sa tulong ng iba’t ibang Palawan ProtekTODO Accident Insurance packages na swak sa iyo.

Rest Assured and Be Ensured sa Palawan ProtekTODO Accident Insurance

mar-protektodo-insurance-fire-prevention-month-1Photo courtesy of Geralt via Pixabay

Hindi tulad ng crush mong choosy, hindi pihikan ang apoy sa sasaktan nito at mabibiktima. Madadamay ang kahit ano’t sinong maaabutan nito. Kahit bonggahan mo nang husto ang iyong pagiging maingat pero pabaya naman ang mga kapitbahay mo, wala ka pa ring takas sa sunog. Hindi mo masasabi kung maaapektuhan ka o hindi, at kung kailan ito mangyayari.

Sa ganitong dahilan nagiging mahalaga ang mga insurance para sa mga aksidente tulad ng fire-related accidents. Sinisigurado ng insurance na hindi mabubugbog ang iyong savings dahil sa sunog. Isipin mo na lang na para itong invisible firewall na hindi mo man nakikita ay naririyan para bigyan ng all-around protekTODOng safety net ang iyong mga naipundar.

Halimbawa, kung meron kang accident insurance plan, may cash assistance kang matatanggap sa panahon ng aksidente. Hindi lang ito para sa mga mayayaman, Suki! Mahalaga rin ito para sa mga nag-uumpisa pa lamang magpundar ng mga ari-arian.

Hindi natin hinihingi na may masamang mangyari sa iyo, Suki, pero kung sakali ay magagamit mo ang benepisyo bilang pandagdag sa bayarin sa ospital at iba pang pangangailangan.

Siyempre dahil mahal at alaga ka ni Palawan, may tatlong accident insurance packages na maaari mong pagpilian. Mapa-single, taken, heartbroken, married, o pamilyado ka, may swak na insurance plan for you.

A. SULIT SOLO ProtekTODO
SULIT-SOLO-PROTEKTODO

Proteksyon na hindi masakit sa bulsa—'yan ang SULIT SOLO ProtekTODO. Sa SULIT SOLO ProtekTODO ng Palawan Pawnshop, malayo ang maaabot ng bente pesos (20 PHP) mo!

Magugulat ka na lang na ganito pala ang kailangan mong ilabas na pera upang maging insured ka.

Napakaraming benepisyo ang iyong maaaring matanggap sa loob ng anim na buwan sakaling masunugan o madawit sa anumang aksidente. Halimbawa nito ang mga sumusunod.

  • Php 15,000 - Accidental Death or Loss of Life Including Unprovoked Murder & Assault
  • Php 5,000 - Loss of Life due to Motorcycling Accident
  • Up to Php 10,000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Accident
  • Up to Php 5,000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Motorcycle Accident
    *subject to schedule

Akalain mo yon Suki? Ganito kalaking absuwelto ang makukuha mo dahil advanced ka mag-isip! Talaga namang isang mabuting habit ng mga successful na tao ang pag-iiisip sa hinaharap kaya ensure your future with this affordable Palawan ProtekTODO Accident Insurance.

B. PREMIUM SOLO ProtekTODO
PREMIUM-SOLO-PROTEKTODO

Kung gusto mo namang mag-level up ng accident insurance benefits, magagawa mo pa rin 'yan sa murang halaga napakababang halaga na singkuwenta pesos (50 PHP)!

Sa bente pesos nga lang Suki, napakarami mo nang makukuha paano pa kaya sa singkuwenta?

Ready ka na bang malaman ang benefits sa deal na ito? Heto at tingnan ang tumataginting na benepisyo mula sa paboritong package na kadalasang ina-avail ng kapuwa mong Suki!

  • Php 20,000 - Accidental Death or Loss of Life Including Unprovoked Murder & Assault
  • Php 5,000 - Loss of life due to Motorcycle Accident
  • Up to P 15,000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Accident
  • Up to P 7,500* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Motorcycle Accident
  • Php 5,000 - Accidental Burial Benefit
  • Php 5,000 - Cash Assistance due to Natural Death/Death due to Sickness (See Conditions)
  • Php 2,500 - Educational Assistance for Beneficiary Due to Accidental Death
    *subject to schedule

C. PREMIUM PAMILYA ProtekTODO
PREMIUM-PAMILYA-PROTEKTODO

Parents know best, Suki at siguradong lagi mong iniisip kung paano ba makukuha ang pinakamuhasay at pinaka-protekTODONG safety net para sa iyong minamahal na pamilya.

Say I love you sa iyong mga mahal sa buhay gamit ang isang daang piso (100 PHP). Dahil sa mallit na halagang ito, aba, hindi matatawarang benepisyo na ang inyong makukuha! Mapa-fire assistance man yan o burial assistance, covered at yakang-yaka ‘yan ng Premium Pamilya ProtekTODO insurance ni Palawan!

Tingnan ang mga benepisyong iyong makukuha:

Principal:

  • Php 30,000 - Accidental Death or Loss of Life Including Unprovoked Murder & Assault
  • Php 5,000 - Loss of life due to Motorcycle Accident
  • Up to Php 30, 000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Accident
  • Up to Php 10,000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Motorcycle Accident
  • Php 10,000 - Accidental Burial Benefit
  • Php 5,000 - Natural Death/Death due to Sickness (See Conditions)
  • Php 5,000 - Fire Assistance
    *subject to schedule

Spouse/Parents (18-70 years old)

  • Php 15,000 - Accidental Death or Loss of Life Including Unprovoked Murder & Assault
  • Php 5,000 - Loss of life due to Motorcycle Accident
  • Up to Php 15, 000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Accident
  • Up to Php 5,000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Motorcycle Accident
  • Php 5,000 - Accidental Burial Benefit
  • Php 2,500 - Natural Death/Death due to Sickness (See Conditions)
    *subject to schedule

Children/Sibling (newborn-21 y/o)

  • Php 10,000 - Accidental Death or Loss of Life Including Unprovoked Murder & Assault
  • Php 2,500 - Loss of life due to Motorcycle Accident
  • Up to Php 10, 000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Accident
  • Up to Php 5,000* - Permanent Disablement or Dismemberment due to Motorcycle Accident
  • Php 2,500 - Accidental Burial Benefit
  • Php 2,500 - Educational Assistance Due to Accidental Death
    *subject to schedule

Upang maganap na Super Suki. Huwag rin palampasin na kumuha ng Palawan Express Suki Card. Makakakuha ka ng discount sa kahit anumang protekTODO deals na bet mo kapag proud owner ka nito.

Ngayon, siguradong excited ka nang pumunta sa pinakamalapit na Palawan Express branch. Kaya kung G na G ka na talaga, tingnan ang mga hakbang kung paano mag-avail ng iyong napupusuang ProtekTODO Insurance Package.

Easy steps to enroll for a ProtekTODO Accident Insurance:

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch.
  2. Mag-fill out at pumirma ng enrollment form.
  3. Bayaran ang iyong napiling accident insurance package.
  4. Pirmahan at i-claim ang Confirmation of Registration (COR).
  5. Itago at ingatan ang COR dahil ito ang ipakikita mo for your insurance claim.

Para sigurado ka, Suki, lumapit lang sa branch associates or agents natin para malaman kung ano ang ideal ng insurance para sa iyo. Pumuta lang sa pinakamalapit na sangay.

Iba pang tips para maiwasan ang sunog sa tahanan

Ngayon tunay ka nang lodi dahil sa iyong decision to avail an insurance package with Palawan Pawnshop, kailangan ding tandaan ang mga sumusunod na praktikal na hakbang upang tuluyang maiwasan ang aksidente.

Siyempre bukod sa dasal, ibayong pag-iingat ang kailangan para iwas-sunog. Maging alerto at agapan ang mga problemang maaaring magdulot ng apoy.

Ilan sa mga madalas na sanhi ng sunog ay ang faulty electrical wiring, itinapon na upos ng sigarilyo, at mga naiwang nakasinding kandila, gasera, o kalan.

Narito ang mga steps para maiwasan ang mga panganib na ito.

1. Ipa-inspect ang mga wiring sa electrician.

mar-protektodo-insurance-fire-prevention-month-2Photo courtesy of Yung Chang via Unsplash

Sa sobrang luma ng wires sa bahay, maaaring pagmulan ang mga ito ng sunog. Mahirap din na panatilihing sala-salabid ito na parang spaghetti. Ugaliing ipa-check at ipaayos ang mga kable sa isang lisensyadong electrician upang makasiguro.

Ilan sa mga primaryang palatandaan para malaman kung panahon na ba para palitan ang mga electric wires sa iyong bahay ay kung may patay-sinding ilaw ka kahit na bago ang bombilya at luma na ang kulay ng mga kable at electric switches.

2. Iwasan ang overloading sa saksakan.

mar-protektodo-insurance-fire-prevention-month-3Photo courtesy of BipinSankar via Wikimedia Commons

Agawan na naman ng electric fan sa bahay, Suki, dahil sa init! Minsan kung saan-saan ito naisasaksak kasama ang iba pang appliances at gadgets tulad ng charger ng iyong cellphone. Lalo na ngayon na constantly charged ang mga laptops, cellphones, at Ipads dahil lahat ng tao ay nag-aaral at nagta-trabaho dahil sa pandemic.

Magbubunga ng overheating ang inyong extentions at saksakan na paniguradong magdudulot ng sunog. Ugaliing i-unplug ang mga gadgets at appliances na hindi ginagamit, lalo na kung mawawala ka nang matagal para magbakasyon.

3. Mag-ingat sa paninigarilyo kung saan-saan.

mar-protektodo-insurance-fire-prevention-month-4

Mapanganib ang sigarilyo hindi lang sa kalusugan ng katawan kundi pati sa kaligtasan ng buong pamilya. Kung hindi kayang tigilan ang paninigarilyo, iwasang gawin ito sa kama o malapit sa kurtina, mga papel, at iba pang bagay na madaling mag-apoy.

Siguraduhing wala nang sindi ang upos nito bago itapon. Huwag din itong itapon lang ng basta-basta sa mga tuyong-dahon o sa basurahan na puno ng plastic.

Dahil uso rin ang alcohol dahil sa COVID-19, tandaan na ito ay highly flammable liquid kaya sikaping ilayo ang kahit anong pinagmumulan ng apoy upang di ito kumalat.

4. Huwag pabayaan ang mga nakasinding kandila, gasera, o kalan.

Bago matulog sa gabi o umalis ng bahay, siguraduhing patay ang mga kandila, gasera, kalan, LPG, at iba pang gamit at appliances. Pigilan din ang mga bata at alaga na paglaruan ang mga ito.

Mas mabuti nang handa ka ngayon kaysa magsisi sa huli. Gawing gabay ang mga fire prevention tips and reminders na ito para ligtas at panatag kang hindi mapapahamak ang iyong pamilya at hindi masasayang ang iyong pinaghirapan.

Tandaan na hindi sapat ngayon ang pag-iingat. Huwag mag-settle sa baka sakali. Siguraduhing insured ang iyong sarili at pamilya para sa inyong kaligtasan at kinabukasan.

Share: