-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
4 Myths Debunked Tungkol sa Remittance Services Sa Pilipinas
October 01, 2020
Hindi na bago sa mga Pilipino ang konsepto ng pera padala. Kilala ang Pilipinas bilang isa sa apat na top remittance destinations sa Asia. After all, maraming mga OFW at mga taga probinsiya na pinipiling mapalayo sa kanilang pamilya at nangingibang-bansa o dumadayo sa Maynila para magtrabaho.
Para maipadala ang perang kanilang pinaghirapan, sa remittance o pera padala services nagtitiwala ang karamihan. Dagdag pa, isa rin ito sa mga madaling paraan para bayaran ang mga bills at mga pinamili sa mga online shops.
Pero may ilan pa rin na nag-aatubiling ipadala ang pera nila gamit ang tulong nito dahil sa ilang misconceptions sa remittance services. Kaya naman, sa article na ‘to idi-disprove natin ang mga common myths sa remmittance services sa Pilipinas ngayon.
What are money remittance services?
Ang money remittance services ay isa sa mga available options sa pagpapadala ng pera mula sa isang tao patungo sa iba pang tao na nasa ibang lugar. Depende sa remittance service na gagamitin mo, maaari kang makatanggap at magpadala ng pera internationally o locally nang hindi na kinakailangang pumunta sa bangko.
Dahil sa kagipitan ng buhay ngayong may pandemiya, maraming tao ang nag-aalangan na ipadala ang perang kinita nila gamit ang remittance service centers. Natatakot kasi sila na ang perang ipapadala nila ay masasayang lang sa remittance scams na talamak ngayon sa Pilipinas. Na hindi naman mali, pero alam mo Suki, para mawala ang kaba mo sa papgpapadala ng pera sa mahal mo sa buhay, makakatulong na aralin ang katotohanan tungkol sa money remittance, hindi ung base lang sa sabi-sabi na naririnig mo sa mga nakapaligid sayo.
Kapag alam mo na ang legitimate remittance companies at ang tamang remittance processes, ‘di ka na maloloko pa ng mga scammers na ‘yan at mararanasan mo na ang convenience ng money remittance sa pagpapadala ng pera sa mga mahal mo sa buhay.
Myths Tungkol sa Remittance Services in the Philippines, Debunked
1. Mai-i-scam ka kung hindi ka sa bangko magre-remit ng pera.
2. Mataas ang service fee kapag sa money remittance centers ka magpapadala kumpara sa bank transfer.
3. Hindi ka makakapag-remit ng pera online kung wala kang bank account.
4. Matagal bago matanggap ng mahal mo sa buhay ang perang pinadala mo via money remittance centers.
Myth 1: Mai-i-scam ka kung hindi ka sa bangko magre-remit ng pera.
Photo courtesy of iiijaoyingiii via Pixabay
Kapag usapang pera, bangko agad ang papasok sa isip ng isang tao. Dahil sa reputasyon na meron ang mga national banks sa bansa, napapaniwala ang karamihan na ito lang ang tanging ligtas na paraan ng pagpapadala ng pera, at doon na lang aasa. Pero ang katotohanan ay: ligtas rin ang money remittance sa sa mga remittance centers.
Dagdag pa, pwede ka ring mai-scam sa bangko. Sa katunayan, dahil uso ngayon ang online banking, pinaalalahanan ng mga bangko ang mga mamamayan na mag-ingat sa mga lumalaganap na online banking scams.
Kung magpapadala ka ng pera sa mahal mo sa buhay gamit ang Palawan Express Pera Padala, ligtas ang perang ipapadala mo. Makatitiyak kang hindi ito makukuha ng ibang tao dahil nirerequire ng legitimate remittance company na ito na ang receiver na i-verify ang identity nila gamit ang valid ID.
Myth 2: Mataas ang service fee kapag sa money remittance centers ka magpapadala kumpara sa bank transfer.
Photo courtesy of Liana Smith Bautista via Pixabay
Syempre, kung magpapadala ka ng pera, mapa bangko man yan o remittance company, may service o convenience fee ‘yon depende sa total amount na ipapadala mo. Iniisip ng iba na kapag sa bangko sila magpapadala ng pera, mas makakatipid sila sa remittance fee.
Pero Suki, alam mo ba na mas mababa ang fee ng pagpapadala ng pera sa mga remittance services sa Philippines? At kung sa Palawan Pawnshop ka magpapadala ng pera, ma-e-enjoy mo ang napakababang remittance fee na nagsisimula sa PhP 2.00. At kung mas mataas ang ipapadala mo, hindi ka lang makaka score ng discount, makakatanggap ka rin ng rebate.
Pwede ka ring magpadala ng up to PhP 50,000 sa napakababang remittance fee na PhP 345. Kung meron kang Suki Card, mas mababa pa dito Suki ang fee na babayaran mo. Napakasulit talaga dito!
Myth 3: Hindi ka makakapag-remit ng pera online kung wala kang bank account.
Photo courtesy of William Iven via Pixabay
Isa sa mga important lessons na natutunan ng mga tao ngayong pandemic ay ang kahalagahan ng pagsunod sa social distancing. Syempre, may mga bagay pa rin na kailangan nating gawin sa labas. Mula nang nagsimula ang pandemic, kapansin-pansin na napakahaba ng pila sa mga bangko at remittance centers sa dami ng nagpadala at tumatanggap ng pera. Samantala, ang iba na na-enroll ang bank accounts nila sa online banking ay ‘di na kinailangang masyadong makipila sa mga bangko.
Kung may emergency naman at hindi ka makalabas ng bahay para pumunta sa Palawan Pawnshop o sa 7-Eleven para magpadala ng pera, pwede kang magpapadala locally dito sa Pilipinas gamit ang Palawan Express Online Pera Padala. Pwede mong gawin iyon sa loob lang ng 5 minutes! I-fill in lang ang mga detalye na hinihingi sa online form at voila! Nakapagpadala ka na ng pera nang ‘di lumalabas ng bahay mo.
Kaya naman, kung nag-shopping ka online at nagbayad na, pwede mong sabihin agad kay seller na na-send mo na ang payment. Alam mo pang ligtas lalo dahil may text updates kang matatanggap! O ‘di ba? Dagdag kasiguraduhan sa iyong transaksyon, suki!
Myth 4: Matagal bago matanggap ng mahal mo sa buhay ang perang pinadala mo via money remittance centers.
Photo courtesy of Florante Valdez via Pixabay
Kung sa mga bangko mga 1-3 working days ang kailangang hintayin bago pumasok sa account ang perang ipinadala galing abroad, inaakala ng iba na mas matagal pa rito ang aabutin kung sa remittance company sa Pilipinas nila idadaan. Alam mo Suki, isa lamang ito sa mga misconceptions sa remittance services.
To tell you the truth Suki, minsan kahit same day, pwede mong matanggap ang perang pinadala sa’yo kahit saan man ito nanggagaling. Higit pa rito, matutuwa kang malaman na sa mga remittance na pinadala locally, ilang minuto lang, agad-agad mo na rin ‘tong mai-i-claim kapag nareceive mo ang text na kinukumpirma ito.
At Suki, no need na magsayang ng oras sa paghahanap ng bank branch dahil maraming Palawan Pawnshop branches at partners saan mang panig ng bansa. Talagang walang hassle ang pagtanggap ng perang kailangan mo sa Palawan Pawnshop.
Syempre, hindi pa rin naman mawawala ang mga taong mananamantala sa kapuwa nila. Kaya naman Suki, para maiwasan ang remittance scams, maging wais ka at mag-research muna. Aralin lahat ng kayang aralin tungkol sa remittance at basahing maigi ang mga forms na sinusulatan bago ito pirmahan.
Siguraduhin na huwag lang basta-basta magpadala sa mga remittance myths na sinasabi sa paligid mo. At higit sa lahat, magpadala ka na ng iyong pinagpagurang pera sa Palawan Pawnshop – isa sa mga legitimate remittance companies sa Pilipinas.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024