8+ Reason Ayon Sa Mga Suki On Why Choose Palawan Pawnshop

Blog

September 06, 2021

why-palawan-express-pera-padala-ft-image

Ikaw ba ay naghahanap ng mapagkakatiwalaan na Pawnshop o kaya Remittance center na may matapat, maasahan at mapagkakatiwalaan na serbisyo? Kung ganun ang hanap mo, ikaw ay nasa tamang lugar!

Gusto mo ba na maging suki namin? Kung ang sagot mo ay oo, halika at iyong basahin ang tungkol sa Palawan Pawnshop at Palawan Express Padala! Dito ay iyong madidiskubre kung ano ang aming inaalok na serbisyo at iyong malaman kung ano ang masasabi ng aming mga suki na nakasubok at patuloy na tumatangkilik sa aming serbisyo.

Sabi nga nila sa wikang ingles. Why choose Palawan Pawnshop? At ang aming sagot jan para sa iyo ay! Heto na ang Palawan pawnshop at Palawan Express Pera Padala! Kung saan ikaw ay makakasiguro sa aming matapat, maasahan at mapagkakatiwalaan na walang hassle at walang kuskos balungos na serbisyo!

What is Palawan Pawnshop? Ang Palawan Pawnshop ay nagsimula na magbigay ng serbisyo mula noong August 17, 1985. Oo tama ang iyong nabasa, kami ay halos 30 years na sa negosyo na nagbibigay ng maasahan at tapat na serbisyo sa sambayanang Pilipino.

Kaya heto at aming ipamahagi sa iyo kung ano ang rason kung bakit kami tumagal sa negosyo ng ganung katagal. At kung anu ang aming serbisyo na ipinamahagi sa aming mga Suki na kung saan ay kanilang patuloy na tinatangkilik, at pwede mo rin tangkilikin.

1. Ang Palawan Pawnshop ay ang may pinakamababang interest sa industriya ng sanglaan.

Tama ang iyong nabasa kaibigan. Kami ay ang may pinakamababa na interest sa pawning business dahil sa aming pinapatupad na estratehiyang Pay-Only-For-What-You-Can-Consume. Ito ay isang paraan kung saan meron kaming sinusunod na alituntunin sa pagkwenta ng interest na pwedeng umabot sa 1% kada 11 days.

Hindi lang iyan kaibigan. Meron din kaming iba’t ibang interest packages na pwedeng mong pagpilian kung ikaw ay magsangla sa amin. Ito ay ginagawa ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala dahil aming isinasaalang alang ang kapakanan ng aming mga Suki.

2. Ang Palawan pawnshop-Palawan express pera padala ay may serbisyong money changer.

Tama ang iyong nabasa kaibigan. Kami dito sa Palawan Pawnshop ay may serbisyong money changer din. Ito ay para sa aming mga Suki na walang money changer sa kanilang lugar. Pwedeng pwede sila magpapalit sa mga branches namin na malapit sa kanila.

Halika at iyong basahin ang komento ng aming mga suki na sina ginang Jean Indat at ginang Maricel Ramos.

3. Ang mga kawani ng Palawan Pawnshop ay mga propesyonal.

Isa ito kung bakit kami ay tinatangkilik ng aming mga Suki, dahil ang mga kawani sa lahat ng branch ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala ay nagbibigay ng serbisyo sa aming mga Suki ng tapat at buong puso sapagkat ang trato nila sa aming mga Suki ay miyembro ng aming pamilya.

Halika at iyong basahin ang ibinahagi ng komento ng aming suki na si ginang Mara A. Claveria sa kanyang karanasan sa serbisyo ng isa naming branch.

4. Ang Palawan Pawnshop at Palawan express pera padala ay nagbibigay ng mga suki card sa mga suki na tumatangkilik sa aming mga serbisyo.

Siguro ay pamilyar ka na sa mga suki card na binibigay ng mga ibang negosyo sa kanilang mga parokyano. Pareho din yan sa aming binibigay dito sa Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala

Subalit,ang aming Palawan Pawnshop suki card ay hindi kagaya ng ibang ordinaryong mga suki card na kumukulekta lamang ng mga puntos kung ito ay iyong ginagamit.

Ang Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Suki Card ay ang aming loyalty card program para sa lahat ng customers saan mang panig ng Pilipinas. Sakop ng aming suki card ang mga transaksyon gaya ng sangla, tubos, pawn renewal, at domestic/international remittance.

At hindi lamang yan kaibigan, ang aming suki card din ay nagbibigay ng mga discount promo na pwedeng umabot sa triple your discount promo! Kaya ano pa hinihintay mo kaibigan mag apply na ng aming suki card!

Halika kaibigan at iyong basahin ang mga komento ng aming mga suki sa mga palong-palo na benefits ng Palawan suki card.

5. Ang Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala ay may serbisyong padala to bank account.

why-palawan-express-pera-padala-1Photo courtesy of Palawan Pawnshop via Palawan Pawnshop facebook account

Dito sa Palawan pawnshop-Palawan Express Pera Padala meron kaming padala to bank account na pwedeng mong magamit. Isinaalang alang namin ang kalagayan ng bawat suki namin pagdating sa pagpapadala ng remittance sa kanilang mga mahal sa buhay.

Talagang walang hassle at walang kuskos-balungos ang gusto namin maranasan ng aming mga Suki kapag sila ay gumamit ng aming serbisyo.

Halika at iyong basahin ang komento ng aming suki na si ginang Maribel Atienza Villalobos sa kanyang karanasan sa pag gamit ng aming serbisyo ng padala to bank account.

6. Sa Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala pwede ka rin mag cash-card o ATM withdrawal.

why-palawan-express-pera-padala-2Photo courtesy of Palawan Pawnshop via Palawan Pawnshop facebook account

Bukod sa Padala-to-Bank Account na serbisyo ng Palawan pawnshop-Palawan Express Pera Padala, maari ka rin mag withdraw sa aming branches gamit ang iyong cashcard o ATM.

Paano? Pwede ka na mag withdraw gamit ang POS system sa aming mga branches. Ito ay ipinatupad namin na serbisyo upang matulungan ang aming mga Suki na malayo ang kanilang lugar sa mga banko at kailangan pa nila na maglakbay upang maka withdraw sa kanilang mga bangko. At hindi lamang yan kaibigan, makakaiwas din ang aming mga Suki sa mahabang pila sa banko.

7. Ang Palawan Pawnshop-Palawan express pera padala ay may serbisyong pang insurance din.

why-palawan-express-pera-padala-3Photo courtesy of Palawan Pawnshop via www.palawanpawnshop.com

Ang aming serbisyo ay hindi lamang sa larangan ng sangla at pera padala. Kami din ay may inaalok na serbisyong insurance para sa aming mga Suki. Dahil ang Palawan pawnshop-Palawan Express Pera Padala ay iniisip din ang kapakanan ng bawat pamilya ng aming mga Suki.

Ang aming mga inaalok sa Palawan Pawnshop insurance ay ang mga sumusunod;

  • Tulong para sa pagkamatay dahil sa katandaan o malubhang karamdaman
  • Tulong para sa nagkaroon ng kapansanan o nawalan ng kahit na anong bahagi ng katawan dahil sa aksidente
  • Tulong para sa nagkaroon ng kapansanan o nawalan ng kahit na anong bahagi ng katawan dahil sa aksidente sa motorsiklo
  • Tulong para sa nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo
  • Tulong para sa nasawi dahil sa krimen
  • Tulong para sa nasunugan
  • Tulong para sa biglaang pagpapalibing
  • Tulong sa Edukasyon Dahil sa Biglaang Pagkamatay ng Kamag-anak

At heto pa kaibigan meron kaming bago na insurance na inaalok dito Palawan Pawnshop-Palawan express pera padala sa aming mga suki. Ito ang aming Palawan ProtekTODO ito ay para sa accident insurance ng aming mga suki.

Kaibigan ikaw ba ay nagtataka kung ano itong Palawan ProtekTODO na aming inaalok sa aming mga suki? Heto ang mga benepisyo na iyong matatamo kung ikaw ay naging miyembro ng insurance na ito;

  • Secured ka at ang buong pamilya sakaling magkaroon ng aksidente
  • Tulong-pinansyal para sa pagpapagamot at suporta sa edukasyon ng maiiwang mahal mo sa buhay
  • Mas affordable kumpara sa iba at walang buwanang bayarin
  • Mabilis ang process ng claims

Halika kaibigan at iyong basahin ang mga Komento ng aming mga suki na sina ginang Marle Paje at Virgie Madolaria sumubok sa aming produkto na ito. Kaya anu pa ang hinihintay mo kaibigan? maging miyembro ka na ng aming Palawan ProtekTODO dahil sa ProtekTODO ikaw ay laging sigurado!

8. Ang Palawan Pawnshop-Palawan express pera padala ay meron din serbisyo para sa Electronic loading.

Ang Palawan Pawnshop-Palawan express pera padala ay may E Load na serbisyo. Pwede ka na mag load sa aming branches para sa iyong mobile number. At hindi lang iyan kaibigan, pwede ka rin mag load ng para sa iyong cable TV, o kaya sa iyong internet.

At kung ikaw ay nahihilig sa usong uso ngayon na online games o di kaya'y isa kang certified na mobile gamer, may magandang balita kami para sa iyo! Pwede ka rin mag pa load kung naubos na ang iyong gaming credits.

At kung gusto mo malaman kung papaano? Simple lang kaibigan alamin kung ano ang mga game pins.

9. Ang Palawan Pawnshop-Palawan express pera padala ay may serbisyong bills payment.

Tama ang iyong nabasa kaibigan, kami dito sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala ay tumatanggap ng bills payment. Ganyan ang pagmamahal namin sa aming mga Suki, pinapagaan namin ang kanilang buhay sa pagtulong sa kanila upang mabayaran ng mabilis ang kanilang bayarin sa kuryente, tubig, internet, at iba pa. Iwas pila na sila at hindi pa takaw sa kanilang oras.

Heto ang Palawan pawnshop review ng aming suki na si ginang Laranjo Marilou na gumagamit ng aming bills payment services at nakakatipid pa sa kanyang oras.

10. Ang Palawan Express Pera Padala ay nagbibigay din ng mga payo tungkol sa pinansyal

why-palawan-express-pera-padala-4Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Alam namin na mahirap ang buhay ngayon lalo na’t tayo ay dumaranas ng pandemya. Kaya kami dito sa Palawan pawnshop-Palawan Express Pera Padala ay nagbibigay din ng mga payong pinansyal sa aming mga mahal na suki para sila ay gabayan sa tamang paghawak ng kanilang pera. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng blogs na matatagpuan sa aming website.

Kagaya lamang ng aming suki na si ginang Noridel Ortiz na kaagapay ang Palawan Pawnshop- Palawan Express Pera Padala.

11. Ang Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala ay may mga promo

Oo Kaibigan! Tama ang iyong nabasa, kami rin ay gumagawa ng mga promo at namamahagi din ng mga papremyo. Ito ay isang paraan ng aming pasasalamat sa aming mga suki na patuloy na tumatangkilik sa aming serbisyo.

Kaya’t ano pa ang hinihintay mo kaibigan? Sumali na at baka ikaw ay isa sa mga swerteng manalo sa aming pinamimigay na mga pa premyo.

12. Ang Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala ay nag-aalok ng extra income

Kami dito sa Palawan Pawnshop-Palawan express ay nagbibigay din ng oportunidad sa aming mga Suki na gustong kumita ng extra income.

Paano? Heto ang aming inaalok sa aming mga Suki. Pwede sila maging Palawan Express Padala authorized agent. Oo kaibigan tama ulit ang iyong nabasa, pwedeng pwede ka rin maging authorized agent ng Palawan express padala.

why-palawan-express-pera-padala-5Photo courtesy of Palawan Pawnshop via facebook account

Kaya’t ano pa ang iyong hinihintay kaibigan? Mag apply na! Hindi ka lang magkaroon ng extrang kita, ikaw pa ay maging parte ng amin pamilya! Kaya halika na! Join na!

Meron ka bang ibang komento o katanungan? O di kaya gusto mong tignan ang iba pa naming inaalok na serbisyo? Maari mo itong ipa abot sa aming Palawan Pawnshop-PalawanExpress Pera Padala Facebook Account.

Share: