3 Suki Stories sa Accident Insurance na ProtekTODO

Blog

April 13, 2023

3-Suki-Stories-sa-Accident-Insurance-na-ProtekTODO

Parang ang daming masamang pangyayari sa Pilipinas araw-araw, noh? Mula sa simpleng aksidente hanggang sa pandemya, marami kang dahilan para mag-alala sa kaligtasan ng sarili mo at ng iyong pamilya. Kung meron ka lang sanang mura na accident insurance para protektado ka sa kahit anong peligro, ‘di ba Suki?

Health-Insurance-Scrabble-Tiles-on-PlannerPhoto courtesy of Leeloo Thefirst via Pexels

Buti na lang may malawak at abot-kayang insurance plans ang Palawan Pawnshop para sa masang Pilipino: ang ProtekTODO Accident Insurance!

Sa Palawan Pawnshop, pwede kang maging handa sa anumang sakuna gamit ang aming flexible at affordable health insurance coverage. Mula sa iyong paboritong probinsyano pawnshop, pwede ka nang mag-avail ng murang life and accident insurance para sa sarili mo, o sa iyong pamilya, o para sa ibang group accident insurance policy.

‘Di ka pa bilib sa lawak ng aming serbisyo? Edi tara na at basahin mo na ang tatlong testimonial na ito mula sa aming mga super Suki ngayon.

Man-in-Black-Suit-Jacket-Writing-on-White-PaperPhoto courtesy of Kampus Production via Pexels

Suki Testimonial # 1: Irene Manzano, Premium Solo ProtekTODO

Para sa mga indibidwal na Pinoy, mahalaga ang personal accident insurance na mura, flexible, at abot-kaya. Kaya marami kaming masasayang Suki na nag-apply sa Solo ProtekTODO insurance for personal accident, katulad ni Irene Manzano:

“Insured po for Premium SOLO ProtekTODO. … Wala ka [hassle-hassle], walang kuskos-balungos, agad agad! Suki [din] po ako ng Palawan Express Pera Padala, thank you po sa serbisyong mabilis!”

 

Para kay Irene, waley hasul talaga ang karanasan niya sa pag-avail sa sulit na serbisyo ng Palawan Pawnshop. Agad-agad niya nakuha ang kanyang accident insurance in the Philippines, na walang kuskos-balungos para sa kanyang mga pangangailangan.

An-Agent-Handing-a-Pen-to-a-ClientPhoto courtesy of Kampus Production via Pexels

Suki Testimonial # 2: Maria Ypil, Premium Pamilya ProtekTODO

Sa testimonial naman ni Maria Ypil, kinuha niya ang Premium Pamilya ProtekTODO para sa kanyang asawa, at hindi para sa sarili niya. Mahirap kasi ang trabaho ng asawa ni Nanay Maria bilang mangangaret, kaya kailangan niyang kumuha ng life and accident insurance para sa minamahal niya sa buhay:

“Sa isip ko po, maganda po yun [Premium Pamilya ProtekTODO] kasi ang aking asawa po, ang hanapbuhay niya ay mangangaret. Naisip ko na mahirap ang proseso sa paghahanap-buhay niya, yun ang aking kinuha, yung accident insurance po.”

 

Mahirap talaga ang buhay ng mga manggagawang Pilipino. ‘Yun palagi ang pangako namin sa Palawan Pawnshop para sa mga manggagawa naming Suki. Kaya kung may masamang nangyari man sa asawa niya o wala, siguradong protektado, saan man siya magtrabaho.

Crop-businessman-giving-contract-to-woman-to-signPhoto courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Suki Testimonial # 3: Gina Serrano Caintic, Palawan ProtekTODO Eskwela Max 30

Para sa pangatlong testimonial, nagkwento si Gina Serrano Caintic tungkol sa karanasan ng kanyang mga anak na estudyante. Dahil mga magsasaka sila, taon-taon kumukuha si Nanay Gina ng insurance for accidents kasi alanganin ang araw-araw na buhay nila sa kabukiran ngayon:

“Yearly ko po [nirerenew], … mahilig po [kasi] mga anak ko po sa aso, kaya naninigurado po ako kumuha nito. Farm din po kami [dito], covered din po [ng ProtekTODO] ang snake bites. Salamat Palawan Pawnshop dahil malaking tulong ang insurance sa mga tulad naming naniniguro sa kaligtasan ng pamilya, lalo na para sa mga anak!”

 

Sinisigurado ni Nanay Gina ang kaligtasan ng kanyang anak sa kanilang sakahan, gamit ang mga serbisyo ng Palawan ProtekTODO Eskwela Max 30. Hindi na mag-aalala si Nanay Gina sa mga anak niya, kasi mas pinaganda na rin namin ang aming student accident insurance policy.

Businessman-Handing-Out-of-DocumentsPhoto courtesy of RODNAE Productions via Pexels

Swak na pagpili ng insurance plan para kay Suki

Dibale kung naghahanap ka ng individual or group accident insurance, may makukuha kang swak at malawak na plano sa Palawan Pawnshop, sa presyong swak sa budget mo.

Kung ikumpara mo ang mga benepisyo ng Palawan Pawnshop life insurance sa iba, aba Suki, makikita mo na mas maganda ang coverage ng mga plans namin kaysa sa ibang health care providers, sa mas wais na presyo din.

Kaya huwag ka nang magdalawang-isip sa sarili mong kaligtasan, Suki! Piliin mo na ang insurance na swak na swak sa pangangailangan ng bawat Pilipino, ngayon din.

People-with-Hands-TogetherPhoto courtesy of Kampus Production via Pexels

Isang fact na dapat mong malaman tungkol sa Palawan Pawnshop ay ang pagpapahalaga namin sa abot-kayang proteksyon. Mula sa indibidwal hanggang sa pamilyang Pilipino, siguradong protektado ang pamumuhay mo dahil sa Palawan Pawnshop ProtekTODO.

Kaya mag-avail ka na sa mas pinalawak at bagong mga benepisyo ng ProtekTODO Accident Insurance, Suki! Punta ka lamang sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch sa iyo para mag-apply sa serbisyong ito ngayon.

Share: