4 Palawan Pawnshop Packages Para sa Sulit na Pagsasangla

Blog

September 23, 2021

Palawan-Pawnshop-Packages-1

Sa panahon ngayon, halos lahat na lang ata ay nagbabago. Buti sana kung changing for the best, kaso changing for the worst ata Suki sa bigat ng gastusin tulad ng taas presyo ng pagkain, gamot, at damit.

Sa mas pinagandang Customers’ Choice Packages ng highest appraisal Pawnshop in the Philippines, siguradong mapapa-wow ka sa mababang interest rates na talaga namang swak sa budget mo, at pasok sa sangla needs mo.

Kaya kung meron kang gold jewelry na naitatabi dyan, aba, wag na magpatumpik tumpik pa! I-avail mo na ang isa sa apat na Palawan Pawnshop packages namin:

  • Package 1 para sa mabilisang pangangailangan
  • Package 2 na swak sa gastusin mo
  • Package 3 para no-worries sa pagtubos
  • Package 4 pag naghihintay ka sa perfect timing

Kung hindi ka sure kung alin ang pinaka-dabest para sayo, tutulungan ka naming mamili ng package na para sayo. Basta ba, Suki, wag mo rin kalimutan basahin muna ang aming how to pawn jewelry guide para sangla-ready ang jewelry mo!

Kaya kung ready na ang jewelry mo, pili na ng the best mula sa magagandang packages mula sa Palawan Pawnshop.

1. Para sa mabilisang pangangailangan

Sa panahon ngayon, kailangan marunong kang mag-ipon at kumita ng pera. Ibig namin sabihin, dapat lagi kang may madudukot na pera. Para kung sakaling kulangin, may mahuhugot ka kaagad.

Tulad na lang ng mga sitwasyong ganto: One day, bigla na lang hindi gumana ang tablet mo. Naku! Eh kailangan mo pa naman sa online classes ni bunso. Ang sahod mo naman, sa akinse pa, so paano na talaga?

Kung sa iba, uso yung sinasabing emergency fund or savings. Kaso, paano nga naman kung laging sakto lang ang sahod mo? O kaya naman may naitabi nga, kaso nag sunod-sunod naman ang emergencies sa bahay? Kaya no choice, need isangla ang favorite gold star necklace at earrings na bigay sayo nung birthday mo.

Sa mga panahong ganto, swak na swak ang Package 1 ng Palawan Pawnshop para sayo!

Package 1
WITH 1% ADVANCE INTEREST

Para sa mabilisang pangangailangan.

  • 1% - 1-11 Days
  • 2% - 12-22 Days
  • 3% 23-33 Days

 

Akalain mo, 1% lang ang babayaran mong interest kapag tinubos mo ang sangla within 11 days? At kung medyo matagalan at umabot ng 12-22 days, matutubos mo ang sangla mo with 2% interest rate lang. Kung may mas itatagal ka pa at umabot na ng 23-33 days bago mo matubos ang sangla mo, 3% lang ang interest.

Kaya swak ang sangla na to sa mga panahong kailangan ng instant cash. Kung naghihintay ka lang naman ng extra cash mula sa sahod at iba pang raket, wala kang pag-alala na makukuha mo agad favorite jewelry mo. Kering-keri mo lang bayaran yung mababang interest rate!

2. Para swak sa gastusin mo

Walang may gusto ng kahit anong advance, tulad ng advance deposit o interest. Maliban na lang siguro kung advance bonus, nakaka-excite 'yon pakinggan!

Siguradong exciting din pakinggan kung walang advance interest ang pagsasangla mo. Sa Package 2 ng Palawan Pawnshop packages, makukuha mo ang No Advance Interest Rate na benefit.

Package 2
NO ADVANCE INTEREST

Para sa mabilisang pangangailangan.

  • 3.5% PER MONTH

 

Sa loob lang ng isang buwan, 3.5% lang ang babayaran mong interest. Mababa na nga ang interest, buo pang halaga ang makukuha mo sa sangla mo.

Perfect na sangla package ito kung need mo ng eksaktong amount para sa mga gastusin, tulad na lang ng mga bill sa kuryente, tubig, at internet. Panatag kang kaya mong bayaran ang due date at matutubos din ang sangla mo sa mas mababang interest kumpara sa ibang pawnshops.

3. Para no-worries sa pagtubos

Paano ka nga ba kakalma kung kinakailangan mong isangla ang paborito mong gold jewelry? Lalo na kung meron tong napakalaking sentimental value sayo, o kaya naman susi pala to sa katotohanan tulad ng mga nasa teleserye.

Ano man ang dahilan, need mo ng sangla package na magaan sa bulsa at mabawas sa mga pang-araw araw mong isipin. Buti na lang, merong Palawan Pawnshop package na may 1 month advance interest!

Package 3
1 MONTH ADVANCE INTEREST

Para sa mabilisang pangangailangan.

  • 2.5% PER MONTH

 

Sa package na ito, 2.5% na lang ang monthly interest na babayaran mo. Dahil sa 1 month advance interest pagkasangla ng alahas mo, less worries ka na dahil bayad na ang interest mo pag tinubos mo na ito within one month.

Perfect ang package na ito pag sumasahod ka tuwing kinsenas at sa katapusan ng buwan. Kaya pagkakuha mo ng sahod mo, gawin mo ng Top 1 sa priority mo ang pagtubos ng sangla mo, para hindi na lumampas ng isang buwan.

4. ‘Pag naghihintay ka sa perfect timing

Naniniwala ka ba sa perfect timing? Mukhang hindi lang sa love life pasok ang idea na yan, kundi pati sa sangla rin. Kung hindi mo pa sure na matutubos mo agad agad ang sangla mo o kaya medyo matatagalan pag ang pagtubos mo, eto ang dabest Palawan Pawnshop package para sayo.

Package 4
2 MONTH ADVANCE INTEREST

Para sa mabilisang pangangailangan.

  • 2% PER MONTH

 

Sa Package 4, ang monthly interest mo ay 2% lang. Pagkasangla mo ng pinakamamahal mong gold jewelry, babawasan na agad ang halaga ng 2 months advance interest.

O ‘di ba? Hindi mo na kailangan magbayad ng pagkalaki-laking interest pagkatapos ng dalawang buwan. Isa pa, bagay din ito sa mga malalaking sangla ang gagawin. May perfect time pa para makapag-ipon muli para matubos ang sangla mo.

Kung nakapili ka na ng package, maging advance mag-isip. I-try ang aming online calculator para may idea ka na agad kung magkano mo matutubos ang sangla at ano ang halaga ng matitipid mo base sa napili mong package.

Sundin ang sumusunod na steps sa paggamit ng online calculator.

  • Pumili ng gustong customer choice sangla package.
  • Ilagay ang halaga ng sinasanglang alahas.
  • Piliin ang loan date at redeem/renew date.
  • Pindutin ang nararapat na discount, lalo na kung ikaw ay may Suki Card.
  • Lalabas sa baba ang halagang babayaran mo kapag tutubusin mo na ang alahas mo. Kung mag rerenew ka naman, makikita mo rin dito ang halaga nito.

Basta dito sa Palawan Pawnshop, maganda na nga ang mga packages, sobrang dali pang i-avail! Hindi ka na nga lugi sa mababang interest rates, hindi ka pa lugi sa serbisyo at pamasahe. Sobrang daming branches nationwide at may mga friendly staff pa na willing na willing kang tulungan sa pagsasangla ng gold jewelry mo.

Kaya kung ready ka na magsangla ng gold jewelry mo, tara na! Dito na sa Palawan Pawnshop. Siguradong matatag, maasahan, at mapagkakatiwalaan ng lahat ng Pilipino.

Share: