8 Wais Suki Advantages ng Online Pera Padala ngayong Pasko

Blog

November 08, 2021

8-Wais-Suki-Advantages-ng-Online-Pera-Padala-ngayong-Pasko

Ber months na Suki at ngayon pa lang langhap na ang simoy ng Pasko sa paligid. Nariyan na ang nakatatakam na amoy ng puto-bumbong at ang bibingka na punong-puno ng niyog sa malapit na tindahan.

Tunay na napakasaya ng Pasko sa Pilipinas, Suki. Pero mas magiging special ito kapag ramdam ng iyong mahal sa buhay ang iyong pagkalinga kahit na malayo ka sa piling nila. Kaya para mas happy ang salo-salo gumawa ng paraan ang Palawan Pawnshop para mas mapabilis ang pag share ng aguinaldo at pagpapadala ng pera online!

Kahit nasaan ka man sa mundo, sa tulong ng Online Pera Padala na hatid ng Palawan Express, pwedeng-pwede mo na sabihin ang “I love you” sa mga taong mahal mo kahit na sila’y nasa malayo.

Interested ka ba, Suki, na malaman kung bakit pinipili ng mga Suki ang serbisyo ng Palawan Pawnshop? Tingnan sa ibaba kung bakit partner ng mga Super Tita at Super Tito ang Palawan Express tuwing Pasko at bagong taon.

1. Mabilis at maasahan ang serbisyo

advantages-online-pera-padala-1Photo courtesy of Mohamed_hassan via Pixabay

Suki, super daling gamitin ng iba’t ibang serbisyong hatid ng Palawan Express.

Lalo na kung isa ka sa mga Super Tito o Tita na gustong padalhan ng pera ang iyong mga inaanak at pamilya pero hindi makauwi sa kanila dahil sa iba’t ibang restrictions na dulot ng quarantine guidelines.

Isa sa mga paborito ng mga Suki sa Palawan Express ay ang Online Pera Padala, isang pindot lamang ay tapos na agad at successful ang iyong transaction. Perfect sa caring yet busy lifestyle mo, diba?

Kung bet mo pang malaman ang ibang pasabog ng Palawan Pawnshop ngayong Pasko, tingnan lamang at basahin ang information website.

2. BFF ng OFWs ang Palawan Express Pera Padala

advantages-online-pera-padala-2Photo courtesy of Afif_Kusuma via Unsplash

Nasa ibang bansa ka ba at gusto mong padalhan ng aguinaldo ang iyong mga cute na pamangkin sa Pilipinas? Bakit hindi subukan ang online transfer ng Palawan Express!

Napakaraming dahilan kung bakit patuloy na pinipili ng mga international level na Super Tito at Tita ang Palawan Express. Dahil bukod sa maasahan ang Online Pera Padala, marami ring international remittance partners ang Palawan Pawnshop kahit saan ka man magpunta. Ibig sabihin nito, kahit mga malalaking kumpanya sa iba’t ibang panig ng mundo ay malaki ang tiwala sa Palawan Express.

3. Alam mo lagi ang status ng iyong pinadalang pera.

advantages-online-pera-padala-3Photo courtesy of Mikhail Nilov via Pexels

Kung perstaym mo na magpadala ng pera sa abroad gamit ang Online Pera Padala, tandaan ang ilang bagay na ito para mas maging panatag ka sa magiging kalagayan ng perang ipapadala mo.

Isa sa mga bagay na nagpapa special sa Palawan Express money transfer ay ang remittance tracker nito na nagbibigay sayo ng updates kung ano na ang status ng iyong transaction simula umpisa hanggang dulo. Hindi mo kailangan mag-alala kung ligtas ba ang pera mo dahil pinapahalagahan ng Palawan Express ang bawat transaction ng lahat ng clients nito. Sa tulong ng remittance tracker, lagi kang updated sa status ng iyong mga transaction lalo na kung may multiple transactions ka.

Kahit anuman ang career mo o kahit magkano man ang pera na ipadadala mo, makaaasa ka na aalagaan ng Palawan Express ang pera mo. Kaya nga hindi nakapagtataka kung bakit Palawan ang trusted Pera Padala partner ng mga Pilipino saan mang sulok ng mundo.

4. Mura at affordable ang padala Rates

advantages-online-pera-padala-4Photo courtesy of Brun-nO via Pixabay

Lagi kang makakasiguro na pinakamababa ang rates ng sa bawat transaction mo sa Palawan Express. Hindi mataas ang rate nito dahil maayos ang coordination ng mga branches ng Palawan Pawnshop sa buong Pilipinas. In fact, napakadali lang alamin kung aling Palawan branch ang pinakamalapit sa’yo.

Kung gusto mo pang pababain ang Online Pera Padala rates, bakit hindi subukan ang Suki Card? Ito ay may special privilege na may pinababang rate para sa iyong future transactions!

5. More, more promos gamit ang Suki Card

advantages-online-pera-padala-5Photo courtesy of Kampus Production via Pexels

Bukod sa special na pinakamurang pera padala rates gamit ang iyong Suki Card, marami pang bonggang benefits ang makukuha mo kung mag-aavail ka nito.

Ilan sa mga benefits na ito ay ang mga sumusunod:

  • Discounts sa pawn interests at bayad sa remittances;
  • Rebates sa mga remittance na natatanggap sa domestic and international transactions;
  • Special at exclusive discounts gamit ang Suki Card points;
  • Palawan Pawnshop ProtekTODO insurance discount; at
  • 10% discount sa jewelry display sa mga Palawan Pawnshop branches.

Gamit ang Suki Card, mas makakamura ka kung gusto mong mag regalo ng alahas para sa special someone mo ngayong Pasko.

6. Madali lang gamitin ang Palawan Pawnshop Website

Natatakot ka bang magpadala ng malaking pera gamit ang Online Pera Padala lalo na ngayong paparating na Pasko?

Wala kang dapat ipag-alala, Suki! Dahil kahit hindi ka techie at naninibago ka sa ganitong uri ng online money transfer service, napakadali lamang gamitin ng Palawan Pawnshop website.

In fact, pagbukas mo palang ng website makikita mo na agad lahat ng mga services na pwede mong subukan. Pindutin lamang ang kahit anong service na mababasa mo at makikita mo na agad ang mga hakbang sa transaction na ito at malinaw na nakalista na rin lahat ng requirements na kakailanganin mo.

Hindi mo rin kailangan matakot na may mapindot kang mali dahil may confirmation page ang bawat transaction upang di ka aksidenteng makapagpadala ng pera.

Bukod dito, pwede ka rin magbasa ng iba’t ibang blogs mula sa Palawan Express para malaman mo kung paano ma-maximize ang bawat transactions mo.

Kung mayroon ka mang tanong, pindutin mo lang ang “FAQS” at maaari mo nang hanapin mula rito ang sagot.

7. Convenient E-Loading Service

advantages-online-pera-padala-6Photo courtesy of Monstera via Pexels

Bukod sa Online Pera Padala, isang advantage pa ng paggamit sa Palawan Pawnshop ay ang E-Loading service nito. Ibig-sabihin pwede ka magpadala hindi lamang mobile load, kung hindi pati bayad sa iyong cable television connection, internet bill, pati na rin online game subscriptions.

Kahit nga mga pinagkakautangan mo ay pwede mong bayaran gamit ang online pera padala.

The range di, ba? Hindi mo na kailangan malito sa magkakaibang centers dahil sa Palawan Express pwede mo nang ayusin lahat yan.

8. Easy-to-follow steps sa Online Pera Padala

advantages-online-pera-padala-7Photo courtesy of Clayton Robbins via Pexels

Kung convinced ka na sa benefits ng paggamit ng Online Pera Padala, panahon na para ikaw naman ang sumubok nito.

Sundin lamang ang mga sumusunod na steps para sa online money transfer para mas maging banayad at smooth ang transaction. Ito ang mga mahahalagang dapat mong tandaan:

  1. Pumunta sa Palawan Pawnshop website
  2. Pindutin ang Online Padala button
  3. I-fill out ang Sender Details Form
  4. Sagutin ang Transaction Details form
  5. Suriin nang mabuti ang impormasyon ibibigay
  6. Pumunta sa mobile bank o app para kumpletuhin ang bayad
  7. I-confirm ang bayad o payment option
  8. Kumpletuhin ang pera padala form
  9. Ilagay ang OTP para i-verify ang transaksyon
  10. I-save ang transaction number

Ngayong alam mo na ang paggamit ng online money transfer na ito. Siguradong kayang-kaya mo na ulit ito gawin nang mag-isa next time! Kitams? Wala pang 10 minutes tapos mo na agad ang transaction mo.

Paparating na ang Christmas at sunod naman nito ang New Year. Kahit na malayo ka, pwede mo pa ring ipadala ang suporta mo sa iyong pamilya gamit ang Online Pera Padala para sa mas maraming handa at maraming regalo sa inyong tahanan.

Share: