Suki-fied Guide On How to Send Money in Palawan Express

Blog • 05-25-2021

Kung pagpapadala ng pinagpaguran mong pera ang usapan, Palawan Express Pera Padala ang number one dyan dahil dito, mura, mabilis, at walang kuskos-balungos!

Meron nang higit sa 3,000 branches ang Palawan Pawnshop nationwide at marmai rin itong remittance partners at agents. Kaya naman nasa pinakaliblib na lugar ka man o ang mahal mo sa buhay sa ‘Pinas, makakaasa kang dadating sa kanila nang ligtas at kumpleto ang remittance mo.

how-to-send-money-palawan-express-1Photo courtesy of Angie Reyes via Pexels

Now more than ever, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga money transfer services tulad ng Palawan Express Pera Padala. Ayon sa isang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 20.9 million lang na mga adult Pinoys ang may bank accounts. Kaya ang mga walang kakayahang magbukas ng sarili nilang mga account sa bangko o online banking ay nakaka-receive pa rin ng pera mula sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas at abroad.

Ngayong panahon ng pandemic, marami pa rin tayong mga kababayan na nakikipagsapalaran na maghanap-buhay kahit pa malayo sa pamilya. At ang kasangga nila noon hanggang ngayon ay ang hassle-free na pera padala ng Palawan Express.

Milyun-milyong mga kababayan na natin nakasubok nang mag-send money home gamit ang service ng Palawan Pawnshop at talagang love na love nila ang pera padala service na ito. At kapag nasubukan mo nang mag-send money from home gamit ang money transfer service na ito, tiyak na mapapaibig ka rin sa husay ng service na ito.

How to send money in Palawan Express

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch o Palawan Express outlet sa lugar niyo.
  2. Mag-fill out ng Send Money Form.
  3. I-submit ang Send Money Form kasama ang isang valid ID mo.
  4. Kapag tinawag, iabot ang perang ipapadala mo.
  5. Pirmahan at kunin ang kopya ng computer generated form.

how-to-send-money-palawan-express-2Photo courtesy of Chevanon Photography via Pexels

Sumahod ka na ba Suki? O nangangailangan ba ng pinansyal na tulong ang pamilya mo? Punta na sa pinakamalapit na Palawan Express sa lugar niyo. Hep hep! Bago isuot ang iyong face mask at face shield, basahin muna ang step-by-step guide na ito on how to send money in Palawan Express Pera Padala:

1. Magtungo sa Palawan Pawnshop branch o Palawan Express Pera Padala outlet na malapit sa iyo.

2. Kumuha ng Send Money Form. Isulat sa form ang kumpletong pangalan ng nagpadala, contact number ng nagpadala, kumpletong pangalan ng tatanggap, contact number ng tatanggap, purpose ng transaction, kaugnayan sa tatanggap ng pera, at ang halaga o amount na ipapadala.

Wais Suki tip: Maraming nagpapadala ng pera sa Palawan Pawnshop. To be safe, it is best na magdala ka ng sarili mong ballpen Suki para pagkuha mo ng form, ready to fill-out ka na.

3. Kumuha ng tray at ilagay dito ang Send Money Form kasama isang valid ID mo. Pagkatapos, iabot ito sa branch associate na siyang mag-aasikaso ng transaction mo.

4.Hintayin na matawag ang pangalan mo bago iabot ang perang ipapadala mo at ang corresponding amount fee nito.

Iba’t-iba ang pera padala rates sa NCR, Central and North Luzon, at South Luzon, Masbate, Romblon, Palawan, at Visayas-Mindanao. Nagre-range ang fee na ito mula PhP 2.00 to PhP 345.00 kung magpapadala ka ng PhP 1.00 to PhP 50,000.

Wais Suki Tip:

Pwede mong ma-compute ang exact Padala Padala rate ng perang ipapadala mo, Suki! May online calculator sa Palawan Pawnshop Website kung saan pwede mo ma-compute kung magkano ang fee na babayaran mo. Kung meron ka pang Suki Card, may maiipon ka ring Suki Points tuwing magpapadala ka ng pera.

5. Pirmahan at kunin ang iyong personal copy ng computer-generated Send Money Form. Pwede mo rin itong piktyuran at i-send sa pinadalhan mo ng pera bilang patunay. In an instant Suki, makakatanggap ka ng text message na nagsasabing pwede nang i-claim ng pinadalhan mo ang remittance na pinadala mo.

Talagang sa Palawan Express Pera Padala, certified na safe at hassle-free ang process when you send money. And the same is true kung sa pag-receive ng perang pinadala sa iyo.

How to receive money in Palawan Express

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch o Palawan Express outlet sa lugar niyo.
  2. Mag-fill out ng Receive Money Form.
  3. I-submit ang Receive Money Form kasama ang isang valid ID mo.
  4. Kapag tinawag, pirmahan ang form at kunin ang computer generated copy mo.
  5. Tanggapin ang pera at bilangin kung tama ang natanggap na halaga bago umalis sa branch o outlet.

how-to-send-money-palawan-express-3Photo courtesy of Rene Sibulangcal via Pexels

Yamang familiar ka na on how to send money in Palawan Express, dapat ka ring maging familiar Suki sa napaka-daling steps para mag-receive ng money:

  1. Pumunta sa Palawan Pawnshop branch o Palawan Express Pera Padala outlet na malapit sa iyo.
  2. Kumuha ng Receive Money Form at sagutan ito. Ilagay ang kumpletong pangalan ng nagpadala, ang kumpletong pangalan ng tatanggap, Transaction Code, halaga ng remittance na pinadala, purpose ng transaction, at relationship mo sa nagpadala.
    Tulad ng Wais Suki tip sa itaas, it is better na may sarili kang ballpen Suki kapag tatanggap ka ng pera sa Palawan Express for health safety at convenience.
  3. Kumuha ng tray at ilagay dito ang nasagutang Receive Money Form kasama ng valid ID. Pagkatapos ay iabot ito sa branch associate. Hintaying tawagin ang iyong pangalan.
  4. Pirmahan at tanggapin ang personal mong kopya ng computer-generated Receive Money Form.
  5. I-check at bilangin ang pera na natanggap mo bago umalis.

Kapag natanggap mo na ang perang pinadala sa iyo Suki, i-message o tawagan ang nagpadala sa iyo ng pera para alam niyang natanggap mo na ito. Kung kamag-anak o kaibigan mo ang nagpadala ng pera bilang tulong sa iyo, huwag kalimutang magsabi ng “Maraming salamat.” Sapat na ang mga salitang ito para mapawi ang pagod at lungkot na binabata ng mahal mo sa buhay para masuportahan kayo sa pinansiyal na paraan.

Valid IDs na tinatanggap sa Palawan Pawnshop:

  1. Passport issued by local and foreign governments.
  2. Driver’s License
  3. Professional Regulations Commision (PRC) ID
  4. Integrated Bar of the Philippines (IBP)
  5. Postal ID (New)
  6. Seafarer’s Identification and Record Book Seaman ID
  7. Alien Certificate of Registration (ACR) o Immigrant Certificate of Registration (ICR)
  8. Government Office at GOCC ID
  9. Person with Disability (PWD) ID Card
  10. Government Service Insurance System (GSIS) E-Card
  11. Social Security System (SSS) Card
  12. Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Crad
  13. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  14. Pag-IBIG Loyalty Card
  15. Home Development Mutual Fund (HDMF)
  16. NBI Clearance
  17. Police Clearance
  18. Voter's ID
  19. Senior Citizen ID
  20. School ID
  21. Philhealth Insurance Card
  22. Company ID
  23. Barangay ID
  24. Barangay Clearance or Certificate
  25. Tax Identification Number (TIN)
  26. DSWD Certification or 4P’s ID

Iba pang Pera Padala tips at reminders:

how-to-send-money-palawan-express-4Photo courtesy of Angie Reyes via Pexels

1. Tiyakin na tama ang lahat ng detalyeng ilalagay mo, Suki!

I-double check ang spelling at number para tiyak na hindi magkakaproblema sa pagpapadala o pagtanggap ng pera.

2. I-check muna ang rates.

Makabubuting i-compute bago ka pa umalis ng bahay kung magkano ang Pera Padala rate na kailangan mong bayaran para hindi mabawasan ang perang pinadala mo sa mahal mo sa buhay.

3. Bilangin at i-secure at pera na ipapadala.

Laging i-double check ang pera na ipapadala at tinatanggap mo. Tiyakin na tama ang halaga na ipapadala o tatanggapin mo.

4. ‘Wag kalimutan ang claiming dates.

Kung ang remittance mo ay hindi pa rin na-claim after 30 calendar days, may karampatan itong handling fee na 30 o 1% ng principal amount, per month, kung ano man sa dalawa ang mas mataas.

5. Kumuha ng Suki Card para sa sulit!

Mag-avail ng Suki Card para maka-score ng discount at makaipon para sa kinabukasan.

Mahalagang maging maalam on how to send money in Palawan Express Pera Padala lalo na’t maraming tao ang nakadepende dito para masuportahan ang mga mahal sa buhay. Ikaw man ay student, working adult, professionals, o senior citizen na, hindi ka mahihirapang magpadala o makatanggap ng pera sa Palawan Express Pera Padala.

Related Article