Palawan Express Services Para Sa Aming Minamahal Na Suki

Blog

September 23, 2021

Palawan-Express-Services

Kumusta ka, Suki? Convenient at reliable naman ba ang iyong money remittance services, bills payments at iba pang financial transactions?

Alamin ngayon kung bakit top choice ng maraming Pilipino ang Palawan Express Services. Enjoy one-stop shop experience at very affordable transaction costs!

Kung ikaw ay naghahanap ng safe and convenient pera padala para sa mga mahal mo sa buhay around the Philippines, this helpful guide is for you.

Why trust Palawan Express for domestic remittance?

Sa dami ng mga Pera Padala service centers sa Pilipinas, bakit nga ba Palawan Express ang nangunguna sa listahan ng karamihang Pinoy. Read on and learn why.

1. Fast and safe remittance service

Hindi na kailangan pang bumiyahe nang malayo para magpadala o tumanggap ng remittances. May over 3000 ready-to-serve branches ang Palawan Express all over the Philippines. May branches kahit sa labas ng malalaking siyudad kaya’t hindi mahihirapan ang iyong pamilya na makuha ang iyong remittances.

Panatag din ang iyong isip na makakarating ang pera tamang receiver/recipient dahil mahigpit ang sistema ng verification sa mga tumatanggap ng remittances. Ayon sa batas, kailangang tugma ang mga detalye sa remittance slip na ipinasa ng sender sa data sa valid ID ng receiver. Mahigpit ding ipinatutupad ang Anti-Money Laundering Law at iba ang related laws para sa kaligtasan ng aming mga Suki at ng publiko.

2. Happy to serve you associates

Ang aming mga associates ay isang mabigat na rason kung bakit kami patuloy na tinatangkilik ng aming mga Suki mula Luzon hanggang Mindanao.

Tapat, walang pag-aalinlangan at tunay na hardworkers ang mga Palawan Express associates. You can rest assure that they will help you with your financial transaction needs.

3. Murang padala rates

Hindi lang kami pang “happy to serve”, Suki. We also offer one of the lowest padala rates in the country. Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa epekto ng CoVid-19 pandemic, we understand na ang bawat sentimo ng iyong pera na ipapadala ay mahalaga. Kaya minarapat naming panatilihing mababa ang pera padala rates.

4. Mabilis na money remittance

Sa loob ng ilang minuto, maaari nang matanggap ng iyong pamilya ang iyong padala. Real-time ang processing ng remittances, maging local or international man ang source ng padala.

Makakatanggap ng text notification ang receiver/recipient kapag pwede nang makuha ang padalang pera sa kahit anong branch ng Palawan Express sa buong Pilipinas.

5. Easy on-site pera padala process

Talagang walang kuskus balungos ang aming money transfer services. We respect your time, Suki. Alam namin na mahalaga ang bawat minuto ng iyong oras. Kaya naman simplified ang proseso on how to send money to Palawan Express for your convenience.

Para makaiwas sa risk ng COVID-19, minamabuti naming bilisan ang transactions sa aming branches. Sa ganitong paraan, makakauwi agad ang aming mga Suki.

6. Waley hasul online pera padala

Dahil sa pag usbong ng iba't-ibang teknolohiya, napapadali ang mga financial transactions. Maari ka nang magpadala at tumanggap ng pera nang hindi lumalabas ng iyong bahay, Suki.

Try our Palawan Express Online Padala! Ang iyo lamang dapat gawin ay gamitin lang ang simpleng online form na matatagpuan sa aming website. Oh, diba? Waley hasul!

7. On-time text updates

palawan-express-domestic-remittance-1Photo courtesy of Palawan Pawnshop Facebook

To ensure fast and safe remittances, naglunsad kami ng On-time Text Updates campaign. Ito ay makakatulong para malaman ng aming mga Suki ang status ng kanilang remittances.

Makakatanggap ng text message ang sender kung kelan at saang branch natanggap ng iyong pamilya ang iyong padala.

8. Over 3000+ Ready-to-Serve branches nationwide

Para paglingkuran namin nang maayos ang aming mga Suki, pinaparami namin ang branches ng Palawan Express sa buong Pilipinas. Currently, may over 3000 Palawan Pawnshop branches sa bansa. To check the nearest Palawan Express sa iyong lugar, gamitin ang branch finder sa aming website.

Ito ay isang pagpapatunay na kami sa Palawan Pawnshop ay gustong maghatid ng serbisyo sa iyo at sa sambayanang Pilipino.

9. Suki card benefits

palawan-express-domestic-remittance-2Photo courtesy of Palawan Express Website

Ang Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Suki Card ay isang lifetime loyalty card para sa aming mga Suki. Maaari mong magamit ang Suki Card sa kahit saang branch nationwide.

Here are the benefits of getting your own Suki Card:

  • Pwede ka makakuha ng discount sa mga pawn interest
  • Pwede ka makakuha ng discount sa remittance fees
  • Pwede ka makakuha ng rebates sa iyong na claim na mga transaction
  • Ikaw ay makakaipon ng puntos kapag ginagamit mo ang suki card.
  • Meron ka din 10% off sa mga jewelry display
  • Meron ka din discount sa ProteKTODO insurance ng Palawan Pawnshop

Bumisita na sa pinakamalapit na Palawan Express branch at kumuha ng Suki Card.

10. Maasahan na partner sa negosyo

Ang Palawan Pawnshop ay hindi lamang pang sanglaan at remittance services. Kami din ay maasahan na partner sa negosyo. Heto ang aming mga serbisyo na inaalok sa aming mga suki-fied entrepreneurs na gumagamit ng aming Palawan express services.

Isa na dito ay ang paggamit sa Palawan Express bilang payment option. Para sa Sa panahon ngayon, usong-uso ang online selling. Kaya naman ang Palawan Express ay subok na ginagamit ng aming mga suki-fied entrepreneurs kung saan ipinapadala ng kanilang mga buyers ang kanilang payments.

11. Mapagkakatiwalaan na connection sa mga miyembro ng pamilya

Mahigit 30 years na sa industriya ang Palawan Pawnshop. Sa hirap at ginhawa, nagging katuwang ng bawat pamilyang Pilipino ang Palawan Express sa pamamagitan ng mga pawning, remittance at iba pang financial services.

Sa pamamagitan ng pera padala services, nabibigyan naming ng connection ang mga pamilyang Pilipino, lalo na ang mga OFW families. We deeply acknowledge na ang pagpapadala ng pera ay isang simbolo ng pagmamahal at sakripisyo ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t-isa.

12. Katuwang sa pag-aaral ng anak

Ang Palawan Express ay maaari mo ring katuwang sa pag-aaral ng iyong mga anak sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga services na ito:

  • Remittance – Ipadala ang tuition fees ng iyong mga anak gamit ang aming remittance services na may mababang remittance rates.
  • Bills o tuition payments ng eskwelahan – Maari mong idiretso sa aming branches ang bayad para sa school fees ng iyong mga anak. May listahan ng Palawan Express-accredited schools sa aming website.
  • Abot kayang insurance policy para sa mga estudyante – Mayroon ding inaalok na mga insurance policies para sa mga estudyante - ang Palawan ProtekTODO Eskwela Max 30 at Palawan ProtekTODO Eskwela Max 50. Ito ay mga accident insurance sa murang premium payments.
  • E-Loading Services – Dahil online na muna ang classes ngayon, ang Palawan Express ay may serbisyong e-loading para sa internet subscription ng mga estudyante. Pumunta lamang sa pinakamalapit na Palawan Express branch at ipakita ang subscription number o kaya ang mobile number, at bayaran ang load.

13. May iba’t ibang inaalok na magagandang mga promos

Ang mga Suki Card holders ay nabibigyan ng puntos sa bawat transactions sa Palawan Express branches. Ang mga puntos na ito ay makakamit sa pag-avail ng Palawan Express promos. These promos include all-expenses paid travels locally and abroad, cash gifts up to P5,000, at mga giveaways.

Iilan lamang ito sa maraming rason kung bakit choice of remittance center ng mga Pilipino ang Palawan Express. Kaya ano pa ang iyong hinihintay?

Halina’t subukan ang aming waley hasul na pera padala at walang kuskos balungos na serbisyo! At laging tandaan na sa Palawan Express ang ipinadala mo ay laging sigurado!

Share: